WYBHBM ~~ Chapter 39

Magsimula sa umpisa
                                    


Pare-parehas kaming nagulat nila Rina at Jen.


"ano yon?!"


"tara puntahan naten." 


Nakitakbo na lang ako kila Jen at Rina. Hindi ko 'to forte. Ay sheeems~! Muntik pa kong madapa . Napaka-lumpo talaga. =__=


Nakahabol naman ako sa dalawa kaya lang yung hingal ko parang na akong naghihingalo. Bwisit na yan- O__o


Teka. Si Cyfer ba yon?!


Megheed ! Si Cyfer pinagkakaguluhan ng mga babae at bakla ! 


"what's going on?"sigaw ni Jen. Nagsitahimik naman ang mga babae at baklang nagsisigawan. Woah. Yung itsura ni Cyfer - poker face. What's new? Lagi naman syang poker face.


Naiba nga lang ngayon dahil madilim ang expression ng mukha nya. Parang galit. Galit nga ba o naiinis?


Yung polo nya nawalan ng dalawang butones. May marka pa ng lipstick yung bandang leeg at pisngi nya. Yung necktie nya matatanggal na at yung coat nya, gusot. Grabe. Na-rape ba sya?! Na-rape sya ng- ay teka magbibilang muna ko. One, two,three,four- four na babae at isang uhmm. . .babaeng na-trap sa katawan ng lalaki. Na-rape sya ng apat na babae ? Di ba heaven yon para sa mga lalaki? Mwahaha. E ang ma-rape ng isang binabae ? Sheems. Di ako magtataka kung magpakamatay bigla 'tong si Cyfer. XD

"why did you do to- to him?!" hindi pa alam ni Jen kung anong itatawag kay Cy. XD


"waaaa ! Miss Jen, ang gwapo gwapo nya ! Boyfriend nyo?! Akin na laaaang !"


"Miss Jen! Miss Jen! Ang bango nya ha! Ang sarap nyang halikan." napatingin ako sa isang babaeng halos mamatay na sa kilig. Naka-tsansing ba sya kay Cyfer? XD


"waaaaa! Baby boy isa pang kiss please !" baby boy?! Sheeems ~! Hindi ba sila kinikilabutan. O__O


"Miss Jen, anong pangalan nya? Saan sya nakatira? Ilang taon na sya? Sinong nanay at tatay nya? Ilang anak ba ang gusto nya? " bentahan ko kaya ng scrapbook 'tong pang-apat na babaeng mala-armalite kung mag-tanong? Tapos ipa-sign ko kay Cyfer. Bebenta ko sa kanya ng isang milyon. Mwahaha. Sure ako, bibilhin nya yan. Grabe si ate! Di pa nga alam ang pangalan , gusto na magpa-anak kay Cy?! Daig pa ko ,ah! Nakakaloka.

Tinulak ng nag-iisang bakla yung apat na echoserang babae.


"MAGSITIGIL KAYO! Akin sya! Ang umagaw, mamamatay!" o talaga ,teh?! E di sayo na. Wala pa kong balak mamatay. Magpapakasal pa nga ako,eh. =__=


"kayong lima ! Sesante na kayo!" inis na sigaw ni Jen. 


Napa-nga-nga naman yung limang agaw moment. Biglang nag-sikuhan at kanya-kanyang sisihan.


Doon na ko nakakuha ng tyempo. Nilapitan ko si Cyfer na mukhang nilamog ng sobra. Madilim ba din ang mukha.


"uhm. . .Jen, doon muna kami sa kotse mo ha."


Tumango si Jen at nag-apologize pa. Hinila ko na si Cyfer pabalik sa kotse ni Jen.
Nang makapasok kami sa loob, pabagsak na naupo si Cyfer at nagpakawala ng naiiritang pag-hinga.


"ok ka lang ba-"


"halata namang hindi di ba?"


Megheeed! Masungit na naman sya ! Good naman sya kanina,ah. Kasalanan to ng limang echoserang frog kanina. =_= "saan ka ba kasi nagpunta? Bigla ka na lang nawala."

"tss. Nakatayo lang ako sa likod mo kanina. Bigla na lang akong hinila ng mga yon." tinanggal nya ang necktie nya ng tuluyan. Grabe. Kalunos-lunos ang sinapit ni Cyfer. Muntik na syang ma-rape. Tsktsk. Ilalagay ko 'to sa diary ko ~ gagawa na ko ng diary,pramis. XD

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon