Unang Kabanata

11 0 0
                                    

Asia L. Villaverde
Female
November 27,1996
Pharmacy
Forrester University, Chandler

"Avi!!" Galit na sigaw ni Khaye sa akin. Avi ang tawag nila sa akin dahil ayaw ko na tinatawag akong Asia. It's the mixture of my initial in first and last name. Minsan nga gusto kong tanungin ang mga magulang ko kung mukha ba akong continent dahil yun ang pangalan ko.

Lahat naman kaming magkakakapatid ipinangalan sa mga lugar. Bristol and Caspian are my brothers. I call them Bry and Cash. Bry is a year older than me and currently studies architecture. Medyo gago, pero sagad kung makaprotekta. Sabay sabay kaming lahat na gra-graduate. Cash on the other hand is my younger brother, err my twin rather. Mas nahuli lang ang paglabas sa kanya kaya mas matanda pa rin ako sa kanya.

Both of them are over protective. Parati kong kasama si Cash since we're on the same year level but he's taking medtech so minsan di kami nagkakasabay. But still, he's trying to be with me always.

Tinignan ko ang data ko. Sa wakas, malapit na ako makapagtapos. Konting kembot nalang. Mag-o-ojt nalang ako.

Simple lang ang buhay ko- hindi man kami mayaman ay masaya ako sa piling ng aking mga kapatid. Nasa ibang bansa ang aking mga magulang kaya natutustusan naman nila parati ang pangangailangan naming magkakapatid. Nag iisang babae ako sa aming magkakapatid kaya kung i-trato nila ako ay halos prinsesa na.

Nakakapag-aral kami sa isang mamahaling university, sa tulong ng kapatid ng tatay ko.

"Kyaaaa! Andyan na si Pacific, omg! Avi, halika dali!" sabay hila sa akin ng kaibigan ko, si Khaye. Well, gwapo naman siya plus varsity pa. Gwapo nga talaga siya. Kaso crush na siya ng kaibigan ko, at ayaw ko matulad sa mga ginagawa niya ngayon. Mukha siyang patay na patay.

"Avs! Ano ba ang tagal tagal mo naman eh! Tignan mo, di na natin nasundan. Iss!" saka siya nagpapadyak. Tss, anong gayuma ba ang mayroon sa lalaking yun? Halos lahat na ata ng babae napa-ibig na niya sa isang tingin. But not me.

Sawa na kasi ako umasa.

Nakailang asa na ako sa mga taong walang ginawa kundi ang manakit ng damdamin ng iba.

Napatingin nalang ako kay Kream na kasalukuyang tahimik at nakatingin lang sa amin. Hawak hawak na naman niya ang kanyang mahiwagang libro. Haaay. Ang hirap talaga maging matalino.

"Halika na nga, nakakahiya ka diyan. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Bakit ba ang hilig hilig niyo dun sa antipatikong karagatan na yun? Dapat yung mga katulad ni Tatsumi ang nagiging crush niyo eh." saka ko siya kinaladkad papuntang classroom. Maswerte na din ako at block mate ko siya, seat mate pa. May dalawa pa kaming kabarkada, sina Stephen at Sandro. Nasa kabilang block sila kaya hindi namin sila kasama ngayon, dahil na rin sa ibang schedule nila.

Si Kream naman, ibang course pero pareho lang kami ng institute. She's a dean's lister and running for Magna Cumlaude. Halos ata lahat ng libro, nasa memorya niya na.

"Eeeh! Avs naman kasi, ang gwapo niya kaya. Tapos isang sulyap lang niya, ulam na! Ulala Pacific my labs! Kinikilig na naman ako shemay!!" singit ni Khaye habang lumulukso lukso pa. Bakit ba sila patay na patay sa antipatikong lalaking yun? Well, I should respect him but because of his attitude, nevermind.

"Susumbong talaga kita kay Sandro at Stephen, Khaye! Kailangan mo magtino!" Sabi ko habang natatawa. Dapat naiinis ako sa ugali niya pero nakakatawa lang talaga pagkatanga niya.

Naaalala ko sarili ko sa kanya. Pero hindi naman ako ganyan kalala.

"Sino si Tatsumi, Avi?" Tanong sa akin ng kakambal ko. I looked at Cash, paano niya nakilala si Tatsumi? Narinig ba niya pinag uusapan namin ni Khaye? At bakit siya andito bigla?

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now