"Swerte mo tol nakuha mo number nya" sabi nung isa nyang kasama
"Sa gwapo kong to, syempre bibigay talaga yun. Matawagan nga"
"Sige tol, tawagan mo na sya para marinig din namin boses nya"
Ang angas nun ah, tignan lang natin kung hanggang saan yan.
Huminto ako sa paglalakad ko at tumingin sa kanila sa di kalayuan pero sigurado akong di nila ako matatanaw, gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon nila. Tinawagan na nung lalaki yung number.
"Hi Ms. Varsity Player, Inigo nga pala, ako yung nanghingi nung number mo kanina......................Ano po?.......Di po ako ang asawa nyo........Di kayo si Ms. Varsity Player?..................Wrong number po ata............Sorry po lola"
Hahahaha! Makita nyo lang yung mukha nung Inigo, laughtrip talaga! Swear!
"O anong sabi tol?" sabi nung isang kasama nya
"Langya, di pala number nya yung binigay sa akin. Gawa gawa nya lang ata eh"
"weh? eh sino yung nakasagot?"
"Matandang babae yung natawagan ko, di nya daw kilala yung Ms. Varsity Player at sabi nya ako daw yung asawa nya, kung makasweetheart eh!"
"Naloko ka dun tol ah! Sabi ko na nga bang hindi basta basta na magbibigay ng number yun, hahahahaha!"
Tinawanan sya nung mga kasamahan nya at ako rin ay natatawa sa ginawa ko pero hindi ko lang pinapakita.
Nagsimula na akong maglakad papuntang gym.
Pagkadating ko sa gym nandoon na si dadii'coach at silang lahat.
"Ang aga natin ngayon ah"-Dos
"6:25, not bad"-Uno
"Ok baby girls, lets start our practice"-Dadii'coach
Pumunta muna ako ng lockers room at nilagay yung mga gamit ko dun at lumabas agad.
Sinalubong ako ni Dadii'Coach
"Hay salamat at natauhan ka na rin baby girl"
"Dadii'Coach naman eh"
Tinawanan lang nya ako at Nagstart na kaming magpractice.
[Andrew's POV]
Nandito ako sa loob ng gym at hindi ako lumalabas kasi ang daming mga babae na nag aabang sa akin sa labas.
Nakita ko sina Paul at Mark na pinagtatawanan si Inigo habang papalapit sa akin.
"O? Tatawa tawa nyong dalawa dyan?"
"Itong si Inigo kasi naglakas loob na hingiin yung number ni Ms. Varsity Player pero ibang number yung binigay ni Ms. Varsity Player at ang nakakatawa pa dito eh matandang babae pala yung may ari nung number at napagkamalan pa syang asawa nya, hahahaha"-Mark
"Sige tumawa pa kayo!"
"Hahahahaha, grabe tol laughtrip, hahahahahaha"-Paul
Ms. Varsity Player? Sino yun?
"Teka, Ms. Varsity Player? Sino yun? Ngayon ko lang narinig pangalan nya ah"
Tumigil sa pagtawa yung dalawa at umupo sa tabi ko habang si inigo naman ay nasa harapan ko.
"Grabe kapitan! Varsity player din sya dito ng volleyball team, Ang ganda nun Kapitan, pag makita mo sya sigurado akong mahuhumaling ka rin sa kanya"-Paul
"Oo nga! kaso ang tipid nya magsalita at di sya namamansin para ngang walang paki alam sa mundo yun eh" -Inigo
"Wow legs nga sya eh, nagulat nga yung ibang mga lalaki kanina nung nakita syang naglalakad dun sa labas kasi ngayon lang daw nila nakitang naka tight shorts na naglalakad dito sa campus"-Paul
"Tapos ang katawan nya? Ang ganda!, at ang tangkad pa"-Mark
Hmm. Sino kaya yang Ms. Varsity Player na yan? Mukhang maraming nahuhumaling sa kanya ah.
"Ano bang pangalan nun?"
"Di ko nga alam eh, yan kasi yung tawag sa kanya dito, pero itong dalawang ugok na ito hindi tinanong yung pangalan nya dun sa mga lalaki kanina na kinausap namin"-Inigo
"Reyes! Tama!" biglang sigaw ni paul
"Reyes yung nakita ko doon sa likod ng jacket nya kanina"
"Reyes siguro apelyido nun"-Mark
"Normal! Ugok!"-Inigo
Binatukan naman ni Inigo si Mark at tumawa silang tatlo.
Mga baliwa talaga.
Hmm, sino kaya yung Ms. Varsity Player na yun.
Gusto ko syang makita para masiguro ko nga kung talagang maganda yung babae na yun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Car po ni Alex nasa side--------------------->>>>>>>>>>>>
-PrettyWicked17
YOU ARE READING
Ms. Varsity Player ^^
Teen Fiction" A Cold Hearted Person was Once a Person who Cared too much " -Alexis Hyacinth Reyes " A Real Women can do it all by herself.............. but a Real Man wont let her" -Andrew Hartwin Recto " A sense of Humor makes a MAN Handsome " -Inigo James San...
