WYBHBM ~~ Chapter 38

Magsimula sa umpisa
                                    

Andito na naman ako sa condo. Sininghalan si Miyu. Paano ba naman nag-text sya saken ng maaga at sinabing may emergency daw. Pumunta daw ako agad sa condo. AS SOON AS POSSIBLE. Ako naman biglang kinabahan. Di na nga ako naligo eh, diretso bihis na lang. Tapos di pa ko nakapag-paalam kay Heira. Di ko na naman sya nakausap at naihatid ngayong umaga. At ang pinakanakakainis, pagdating ko dito sa condo, nakahiga pa din si Miyu at nagpapaluto ng breakfast. Gutom na daw sya ! The eff is that ! Kung naging lalaki lang 'tong si Miyu, hindi ako magdadalawang isip na bugbugin 'to eh. Matutuyuan na ko ng dugo sa inis sa kanya. =_=

"argh. Ingay mo. Aga-aga eh."


"BWISIT KA EH! IKAW NGA 'TONG ANG AGA-AGA NANG-IISTORBO NG TULOG TAPOS WALANG KWENTA NAMAN YUNG KAILANGAN MO!" umuusok na yung ilong ko sa galit. Argh. Konting haba pa ng pasensya please. Ayokong makasapak ng babae.


Napilitang bumangon si Miyu at tinignan ako ng matalim.


"I need to eat. I want to eat. Anong gagawin ko ? Nagugutom ako. Wala namang pagkain dito sa condo mo-"

"kaya nga binigay ko yungextension card ko sayo di ba? May bilihan ng pagkain sa baba! Di mo na ko kailangang papuntahin dito!"

"tinatamad ako ,eh."


FACEPALM !


Tumalikod ako. Konti pang pasensya please. =__=


Nakailang inhale-exhale ako bago ko ulit sya hinarap.


"pwede ba? Di mo ko yaya o driver o butler para utusan. Ilagay mo sa utak mo yan."


"sino namang nagsabing ginagawa kitang yaya o driver o butler? It's just normal na sundin mo ko dahil ako ang fiancee mo."


"akala ko ba di ka din sang-ayon sa arrangement na 'to?!"


"Hindi nga ! Ayoko naman talagang matali sayo no! E anong gagawin ko? I'm here in your place and I have no money. Natural lang na dumipende ako sayo. If you think I'm enjoying my stay in here, think again !" 

Kalma. Kalma. Kalma. Kalma. Arggh bwisit ! May point sya pero di ko gustong aminin yon. 


"you lied. Ang sabi mo may emergency-"


"sinadya ko yon. E di ka naman pupunta ng maga kung di ko sinabi yon, di ba?"


Tama sya. Masgugustuhin ko pang ihatid si Heira kesa pumunta dito. =__= 


"see? Di ka umimik. Meaning I am right." tumayo na sya mula sa pagkakaupo sa kama. "baka pwedeng bilhan mo na ko ng pagkain?"


Ayan na naman sya. Kung mag-utos parang binabayaran nya ko. =_=


"sumama ka sa baba. Magbihis ka."


"tinatamad ako." tumalon na naman sya pabalik ng kama. Aba't -


"isa ! Sasama ka o wala kang breakfast?"


Nanatili syang nakadapa sa kama.


Nainis na talaga ako. Lumapit ako sa kanya at binuhat sya.


"hey ! Put me down !" pumalag-palag sya.


"no."


"anong gagawin mo? Hey ! Ayokong lumabas ng ganto ang itsura ko!"


"i don't care." akmang bubuksan ko na yung pintuan ng bigla nya kong sinapak. 

"aww !" nakawala sya mula saken pero nahawakan ko ulit sya sa bewang .

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon