"Oh?"

"Punta ka na sa dancefloor!"

"Ha? Bakit?"

When the visions around you, bring tears to your eyes

Namilog ang mga mata ko at napatitig kay Jared na naglalakad papalapit sakin. Nangatog ang mga tuhod ko nang kunin niya ang kamay ko at hilain.

And all that surround you, are secrets and lies

"Huy! Hindi ba magagalit si Abigail?"

Nangunot ang noo niya, "Why?" Hinapit niya ako sa baywang.

I'll be your strength, i'll give you hope, keeping your faith when it's gone

"T-Tsaka si Asher.."

Itinagilid ni Jared ang ulo niya at tinignan akong mabuti. Pakonti konting umaangat 'yung gilid ng labi niya, "Wala naman malisya, Adrianna."

The one you should call, was standing here all along..

Inayos ko 'yung dalawang kamay ko sa balikat, "Wala nga.."

Tumawa siya, "Then no, hindi magagalit girlfriend ko and hindi magagalit bestfriend mo."

Bestfriend.. "More than," bigla ko nalang nasabi.

And I will take you in my arms and hold you right where you belong

"Oh?" tumaas ang kilay niya.

Tumango ako at nag iwas ng tingin dahil nag iinit ang magkabilang pisngi ko. "Nag i love you siya kanina.. habang sumasayaw kami."

Till the day my life is through, this I promise you. This I promise you

"Really? That's great!" kumikinang ang mga mata niya. Kung ako ang tatanungin, mas makislap 'to kesa sa mga chandelier sa itaas. "I'm really happy for you. Did you say it back?"

"Syempre," nahihiya pang sagot ko. Ngumiti si Jared at tumango. "Eh 'yung dinner? Anyare?"

"Uhm.. it was okay, her parents are nice." Namula bigla si Jared. "But sobrang daming questions."

I've loved you forever, in lifetimes before

Natawa ako, "Na-hot seat ka?"

Tumango siya, "You know how I am underpressure. I was sweating all over."

And I promise you never... will you hurt anymore

Tumingkayad ako ng konti para maamoy siya, "Hindi ka naman amoy pawis," sabi ko. "Kawawa ka naman! Haha, eh anong sabi ni Gail?"

Umiiling iling siya na para bang hirap na hirap siyang sagutin 'yung tanong kaya naman 'di ko na alam kung matatawa ba ako o maaawa.

"Nakikitanong din."

I give you my word, I give you my heart. This is a battle we've won

Natawa nanaman ako at wala na siyang nagawa kundi makitawa nalang din.

"Paano pa kaya kapag in laws mo na sila?" bigla nalamang lumabas sa bibig ko.

Nangunot ang noo niya, "I'm not marrying Abigail."

And with this vow, forever has now begun...

Napanguso ako, "Malay mo, in the future."

Hindi siya sumagot pero halata sakanya na pinipigilan niyang umiling at hindi ko alam kung bakit kaya naman pinabayaan ko nalang.

"Just close your eyes," pagkanta ko. "Each loving day. I know this feeling won't go away"

Napangiti si Jared at naki kanta na rin, "Till the day my life is through! This I promise you.. This I promise you.."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now