JOE FOR SHORT

Depuis le début
                                        

Matapos magpakilala sa kanila ay nagset ako ng rules and regulations ko. 4 na buwan na lamang ay magtatapos na ang taon. "Class,  since sa susunod na linggo ay iyong christmas party, ano ang magandang plano natin?" tanong ko sa mga bata. 

"Sir, sasabihan ko si daddy na kami na ang bahala sa friend chicken ng buong klase."  boluntaryong wika ng student kong lalaki.  Siya si Lorenz. 

"Sir,  baka pwedeng ako nalang ang magdadala ng spaghetti para sa lahat. Masarap kasi magluto ang papa ko Sir."  wika ni Althea na isang cute na babae. Maganda sigurado ang ina nito.

"Salamat sa inyo Lorenz at Althea. Maliban sa spaghetti at Fried chicken, any other food na dadalhin pa?

Halos lahat na students ay nangako na magdadala sila ng iba ibang pagkain. Nagagalak ako dahil may kaya ang pamilya ng halos sa mga students ko sa advisory. Nangako ako na magdadala ng lechon at sabihan ang magulang na kasama sila sa araw ng christmas party.

Araw ng Christmas Party,  di ko inaasahan na may daratnan akong nag aayos ng classroom ko.  Yung homeroom PTA secretary kasama ang dalawa nitong katulong.  Shock ako dahil hindi ko inaasahan na maganda ang ayos ng aking silid aralan.

"Sir Joe, ako po si Mrs. Mathilde Bueza ang parents secretary ng advisory class mo.  Yung anak ko kasing lalaki ay nakiusap na mag ayos kami dito sa classroom kaya isinama ko ang aking mga katulong sa bahay." wika nito.

"Mrs. Bueza, sino po ang anak mo? Pasenya na po kung hindi ko kilala ang anak mo. Baguhan palang ako sa school at noong isang linggo palang ako nag aadvisory class sa 1- Galathea."

"Oo nga po sir nabanggit sa akin ni Marcus. Bago daw ang kanilang advisory teacher. Sir, matatapos na namin ang pagdecorate, papunta na dito ang mister ko kasama si Marcus, hindi ako makakasama sa okasyon ninyo dahil may meeting ako sa opisina mamaya." pagiinporma sa akin ni Mrs. Bueza. 

"Mrs. Bueza, ako po ay labis nagpapasalamat sa tulong ninyo.  Napakaganda ng pagkakaayos ng classroom.  Gusto ko po sana andito kayo mamaya para makilala ko lahat na magulang ng mga estudyante ko." wika ko rito.

" Sir Joe, gustuhin ko man kaso naiset ko na aking meeting sa aking downlines. Next time na magpatawag kayo ng meeting ay ako na ang dadating hindi na ang tatay ni Marcus." wika ni Mrs. Bueza. Tantiya ko ay nasa 34 palang ang ginang, maganda ito at sexy. 

"salamat po ng marami Mrs. Bueza." wika ko rito ng nasa labas kami ng aking silid aralan. 

"Sir Joe, ikaw na po sana ang bahala kay Marcus, ang study habit kasi ng anak ko ang problema ko. Spoiled siguro kasi nag iisa lang kasing anak namin. Medyo may katigasan din ang ulo." wika ng ina ni Marcus.

"Hayaan ninyo mrs. Bueza ay titingnan ko kung paano ko matutulungan ang anak mo."

Alas 4 ang simula ng okasyon ng christmas party.  Halos kumpleto ang attendance ng mga studyante ko, lahat may kasamang magulang at guardian. Bilang adviser ay nagpakilala ako sa mga nanay at tatay ng mga mag aaral ko. Andun yung kaba dahil  lahat sila nakatingin sa akin. Pagkatapos kung magpakilala ay ang mga students ko na ang nagfacilitate ng palaro. Yung mga magulang ay nanonood lamang.

Bigla na lamang.... 

Tatay ni Marcus ang may hawak ng microphone. "Kids,  magpahinga na muna kayo at kami naman na matatanda ang maglalaro." utos nito sa mga bata kaya naman ay naupo muna ang mga estudyante ko.

"Teacher,  dito ka sa tabi ko pls." wika ng daddy ni Marcus na inilahad ang kamay sa akin. Lumapit ako sa tabi nito. "Sir, ano pong gagawin?" tanong ko rito. Tila hindi ako narinig sa halip ay nagsalita ito.

" dear parents, magbibigay ako ng papremyo sa magulang na magiging winner sa paper dance. Kasama ninyo ang anak ninyo sa larong ito." kita ko ang paglapit ni Marcus habang ibinibigay ang nakatiklop na diyaryo sa ama nito.

"Sir Joe, kayo ni Marcus ang partner. Ako ang judge at ako rin ang magbibigay ng premyo." wika ni Mr.  George Bueza, ang ama ni Marcus. Hinila ako ni Marcus sa gitna habang nakatapak kami pareho sa diyaryo.   Mula sa 18 na pares ay kumunti, 8  pares na lang ang natitira dahil ang ilan ay natumba habang karga ang mga anak nila.  Kaya automatic out na sa laro. Kami ni Marcus ay kasama pa rin sa di pa na out. karga ko na si Marcus.  5 agad ang nabawas ang natira kami ng anak ni Mr. Bueza. Kita ko ang gulat sa mukha ng tatay ni  Marcus na nakaupo sa balikat ko ang anak niya habang nakakintid ang paa ko. Maliit na papel na lamang ang natatapakan ko.

Second kami sa nanalo. Sina Lorenz at ang tatay niya ang nagwagi. 2 thousand ang ibinigay ni Mr. Bueza kina Lorenz at 1 thousand sa amin ni Marcus. Mula sa sariling bulsa ni Mr. Bueza.

After ng ilan pang parlor games ay pinangunahan ko na ang pag kain. Naglead ako ng prayer at inaya ko na ang mga magulang na kumain na rin.  Di ko maiwasan mamangha na ganito kaalwan ang christmas party sa klase namin. Nalaman ko sa magulang ni Althea na nakaplano na ang christmas party ng mga bata bago pa man umalis ang dating adviser. Ang buong akala nila ay january pa ito aalis.

Alas 9 ng gabi, iilan na lamang ang natitira sa classroom dahil ang iba kong students ay kasama ng kanilang magulang umuwi.  Lumapit sa akin ang daddy ni Lorenz. 

"Sir joe,  Anthony Santos, daddy ni Lorenz. " pakilala nito sabay lahad ng kamay na agad ko naman tinanggap ang pakikipagkamay. Subalit di ko maintindihan ang ikinilos nito habang hawak ang kamay ko. Tiiningnan ko ito at tanging pagngisi lamang ang sagot. Umalis na ito kasama ang anak. Naiwan ako sa classroom ko para mag ayos ng mga gamit.

Pauwi na ako. Nasa labas ako ng school namin naghihintay ng tricycle na dadaan. Alas onse na nang gabi. Inayos ko pa kasi ang classroom dahil bakasyon na simula bukas. Isang motor siklo ang tumigil sa harap ko.  Ang tatay ni Marcus ang driver.

"Sir Joe, saan ka ba nauwi? Hatid na sana kita." wika ni Mr. George Bueza.

"Sir, sa luwasan ng barangay ang bahay namin.  Saan po ba kayo galing? tanong ko rito.

"Galing ako sa bar. Chineck ko ang stock namin na alak." sagot nito. "Pwede kitang idaan doon sir Joe para makapagpahinga ka na, alas onse na mahigit."  wika pa nito. Kahit nahihiya man ay pumayag na ako na sumabay sa kanya pauwi sa bahay namin.

Sa likod ako ni Mr. Bueza ay di ko maiwasan na maamoy ang pabango nitong gamit.  "Sir hulaan ko ang birthday mo." wika nito na nagpabalik sa akin sa realidad dahil inaamoy amoy ko ito.

Nakita ko ang pagngisi nito ng makita ko ito sa side mirror ng motorsiklo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "nasa 23 palang ako Sir." agad kong wika. 

"Yown...iyon sana ang hula ko." sabay kindat sa akin habang nakatingin ako sa side mirror.

Di ko maiwasan magtaka sa ikinikilos ng ama ni Marcus. Kanina yung ni tatay ni Lorenz tapos ito naman si Sir George, ang daddy ni Marcus. Pagkarating namin sa bahay ay agad akong bumaba.  Nagpasalamat ako at nakipagkamay sa ama ni Marcus subalit gaya ng ginawa ni Anthony, yung tatay ni Lorenz ay kapareho ng kilos ng tatay ni Marcus.  Agad akong napabitaw sa kamay nito at agad pumasok ng bahay na walang lingon. Narinig ko ang pagharurot ng motor nito na nagmamadali.

"Sheet ano yun.... gusto ba nilang makipagsex sa akin?" nausal ko habang papasok ako sa bahay. Di ko nagawang magpasalamat.






WHEN I LEARN TO PLAYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant