KINA UMAGAHAN
8 A.M na. Dito kami sa Starbucks ni Kence mag kikita. I don't know pero may butterflies akong nararamdaman and I'm so effin egsoyted. Saan kaya ako dadalhin ni Kence? Baka sa bar niya na naman at ipapakita sa akin ang ka-ewan-an nilang dalawa ng babae niyang si Sunny daw.
Kagabi diba nag isip muna ako ng isusuot ko? Well final na to. Naka stripe black and white stripe ako na pinatungan ng jumper na skirt at doll shoes at syempre hindi mawawala ang nerdy eye glass ko. Hello? Pag wala ko nitong eye glass ko pano na si Diana? Naisip ko din naman, aanhin ko pa si Diana eh maayos na kami ng tuklmol na si Kence. Yun nga lang hindi pa alam ng bff kong si Clare. Paano na din pala si Russel? Hays bahala na, ayoko munang isipin yang mga bagay na yan. Mag papa kasaya muna ako.
After ilang minutes of waiting for Kence ay dumating na siya. Hmp, ako pa ang nauna. Red flag to ah? Pumasok siya at binati naman ako. Inakay niya ako sa kotse niya at nag simula ng mag drive. In-on niya ang mp3 niya and music on.
[Playing music. Ikaw at Ako by TJ Monterde]
Sumasabay sa kanta si Kence. Ang ganda ng boses niya, nakaka kilig. At kapag sumusulyap ako sa kanya, lagi siyang naka tingin. OmyGee. Matutunaw ako sa kilig pramis!
"Ikaw at Ako~ Diane" last words niya. Patay na ko +_+ Sa kilig ! Kyaaaah.
After that. Nasa amusement park kami. Madaming tao, madaming couples, family bonding basta maraming mga tae, este tao. Yung ibang babae napapa tingin sa kasama ko. Ikaw ba naman ang may kasamang gwapong nilalang, hindi ka mapapatingin.
Pag ka pasok palang namin, tinanong na ako ni Kence kung saan kami unang sasakay ng rides. Sabi ko kahit saan nalang, hindi naman ako takot sa mga matataas na rides. I'm not innocent kahit sa tingin ng kasama ko ay nerd ako. Mas gusto ko pa nga yung matataas na rides eh, lalo ng yung mga roller coaster, ferris wheel basta lahat. May gangster bang takot sa rides? Baril nga hindi ako takot, rides pa kaya.
Pero nang mapahinto kami sa kinakatakutan ko. Oo na, I admit, may fears din ako. SA HORROR. Waah. Nakapasok na kami sa Horrror booth na to. Nakaka takot. Kumapit lang ako kay Kence.
"Hahahaha" Ang loko, kung maka tawa wagas. Ayan na, nag lalakad na kami sa dilim at
"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH~" May lumabas na pugot na ulo at may dalang knife. Kakatakot >.<
Yung tukmol kong kasama tawa ng tawa. Nag lalakad pa kami sa madilim na lugar na to ng "WAAAAAAAAAAAAAAAAH". May humawak na malamig sa kamay ko at isang Zombie na buhay.
"Waaaah.! MOMMY MOMMY MOMMY GET ME OUT OF HERE! KYAAAAAAAH"
Iniwan ko si Kence dahil naka kita ako ng liwanag. Mamatay ako sa lugar na yon. Buti nalang maikili yung booth na yun kundi ako na talga ang mananakot sa tao dahil bangkay na ko pag labas.
"HAHAHAHAHAHAHA. Ang epic ng face mo nerd. HAHAHAHAHHAHAHAHAH" Nakakainis tong lalaking to!
"Ewan ko sayo!" at nag martsa na ko paalis dun. Ayoko na.
Sinundan naman ako ng panget na kasama ko. "Hahaha. Sorry na. Kala ko pa naman kasi hindi ka takot, kanina nag sasalita ako kung papasok tayo sa booth na yon, tango ka lang ng tango tapos ngayon? HAHAHAHA"
Pinag sasabi nito? Ako tatango? AISH ! Pre occupied nga pala ang isip ko kanina kaya napa OO nalang ako sa kalokohan niya.
Hinigit niya ang kamay ko at dinala sa food court. Nagutom mga anaconda ko kaka-sigaw sa walang yang horror booth na yun.
Pagka tapos namin kumuna ay bumalik na ulit kami sa mga rides. Nakasakay na kami sa Roller coaster, Anchors away, Extreme tower, at lahat ng rides. Mag gagabi na pala, alas siete na. Last na sasakyan namin ang ferris wheel na sobrang taas at laki. Naka pila na kami at kami na ang next na sasakay. Nang makasakay na kami agad namang umandar to.
"Diane, thanks at sinipot mo ako. Ang saya ko ngayon" then he hugged me. Kinikilig ako?
"W-welcome Kence. Masaya din ako ngayon kasama ka" I smiled at him.
"Sana maging tayo hanggang sa dulo. Kahit ano man ang dumating sa atin, kahit hindi pa tayo ngayon, sisiguraduhin kong sa altar pa din ang bagsak nating dalawa." sabi niya. Hindi ito pangako, pero ayaw kong mapako sa wala ang mga salitang binitawan niya.
I sighed, si kuya Dwayne ang pumapasok sa isip ko kapag nakaka rinig ako ng ganyan. "Basta magiging matatag tayo, magiging maayos ang relasyon natin" I said.
Nasa tuktok na pala kami.
"Look! Tingin ka sa baba, ang ganda diba? Parang ikaw" then he chuckled.
"I know na maganda ako." I said then laughed.
Oo nga, maganda dito kapag gabi. Parang christmas lang, makukulay na ilaw ang nasa baba. Natatanaw din ang mga maliliit na tao, mga nag lalakad.
NATAPOS ang araw na 'to na sobrang saya ko. MASAYA ako kasama si Kence. Sana maging maayos ang lahat kapag nalaman ko kung anong dahilan ni kuya Dwayne kung bakit niya ako pina palayo kay Kence, pero hindi ko malayuan si Kence dahil MAHAL ko siya.
Sabi nga nila, mag tiwala ka lang sa sarili mo. Kung maganda ka, maganda ka. Pero kung pangit ang nasa puso mo at yun lagi ang tumatakbo sa utak mo, tanggapin mong PANGET ka talaga. HAHA. Anong connect? PAKI connect.
BASTA, masaya ako ngayong araw na. I'm happy with Him.
===============================================================================================================================================================================================================================================================
MAHABANG UD PARA SA INYO. :D MAHAL KO KAYA KAYO :*
VOTE VOTE VOTE VOTE NAMAN DIYAN OH. SHARE NIYO NA DIN.
AGAIN, SOON ULIT ANG PAG UUD KO, HINDI PA TAPOS ANG EXAM NAMIN KAYA STUDY HARD MUNA AKO.
YUN LANG. -CLN
YOU ARE READING
Ms. Nerd Transformation
Teen FictionDefine Nerd? Isang katawa tawa sa school. May makapal na salamin, buhaghag na buhok at manang manamit. Yan ang nerd. Si Diane ay isang Nerd. Palagi siyang binu-bully at pinag tatawanan. Wala siyang kaibigan kahit isa. Inaasar din siyang "Panget na...
x26 With Him
Start from the beginning
