Challenge # 11

79.3K 2.9K 376
                                    

Natuloy na rin ng matagal ko nang pinaplanong bakasyon namin ni Bernice Anne --- iyon nga lang, kasama ko ang buong barkada kaya hindi ko rin siya masosolo nang ganoon, ang mahalaga lang naman ay ang magkasama kami. Nagtaka nga ako noong nakaraan dahil napaaga ang balik niya. Kinabuksan ay naroon na kaagad siya sa aking tabi, nakayakap at tila hinihintay akong magising. I was actually happy to see her pero saglit lang iyon, mas nangibabaw sa akin ang pagdududa dahil sa mga sinabi ni Judas sa akin. Noong nakaran ay naisip ko na hindi ako dapat nagtitiwala sa kanila -- pero sanay na akong nagtitiwala sa mga kaibigan ko at kahit kailan ay hindi naman nila ako pinahamak.

Pero ang pinag-uusapan kasi dito ay ang babaeng mahal ko...

"Axel..."

Bahagya pa akong nagulat nang tawagin niya ako. Nakayap na pala siya sa akin, hindi ko man lanh namalayan. Nasa bus pa kami noon na pag-aari ng hotel ng pamilya ni Azul at kasalukuyan kamin nasa byahe papunta sa privat resort ni Ido. Si Ido yata ang pinakamayaman sa aming lahat. Magaling magpaikot ng pera sa Ido ---marami na siyang naipudar at hindi lang halata pero mayaman na talaga siya.

Ako, sa kayamanang ibinahagi sa akin ni Azul ay may mga naipundar na rin ako, may sarili na akong mga bahay. Mayroon sa Batangas, sa Palawan at may property rin ako sa Bataan. May mga legal din naman akong negosyo, mayroon akong taxi company, may maliit na transient inn at may isang bar. Nakakatuwa dahil kapag naiisip ko, malayo na pala talaga ang narating ko...

"Anong iniisip mo?" Tanong niya sa akin. Inakbayan ko siya tapos ay hinakgan sa noo.

"Ikaw, tayong dalawa. Hindi kita iiwan." Wika ko. Napansin kong nakatingin sa amin si Ido na napapailing. Hindi naman na ako kumibo hanggang sa makarating kami sa resort. Magkasama kami ni Bernice sa silid. Pagpasok pa lang namin ay agad na siyang nahiga. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong palagi siyang may iniisip. Panay kasi siyang tahimik at walang kibo, minsan ay nahuhuli ko pa siyang tulala.

Minsan ay tinanong ko siya kung anong iniisip niya. Ang tanging naging sagot niya ay pagod siya. Alam kong mas malalim pa roon ang dahilan nang ipinagkakaganoon niya. Gusto kong malaman. Aware na rin ako sa mga kilos niya. Tulad ng sinabi ni Ido noon ay kailangan kong maging alerto dahil baka tama sila, baka kasama si Bernice sa mga taong nanghahabol sa amin. Ayoko naman nang magbulag-bulagan. Hindi naman ako tanga.

''Axel..."

Tinawag niya ako. Nilingon ko naman siya. Nakapikit siya pero alam kong gising siya.

"Paano kapag nalaman mo na may isang taong malapit sa' yo ang nagsinunglaling sa'yo? Mapapatawad mo ba siya?"

Ngumuso ako.  "Depende sa klase ng kasinungalingan..."

"Hind ako si Pamela Anne..."

Dumiretso ang tingin ko sa kanya. Kunot na kunot ang noo ko. Niloloko niya ba ako? Paanong hindi siya magiginh si Pamela Anne? Ngumiti siya sa akin.

"Siyempre, joke lang iyon. Pero paano kung ganokn kalaking kasinungalingan? Mapapatawad mo pa ba iyong tao?"

Tinabihn ko siya sa kama at saka bumuntong - hininga, kung gaanon kalaking kasinungalingan, siguro ay hindi ko mapapatawad iyong tao, napakalaki noon.

"Hindi siguro. Pamela Anne, katumbas ka ng buha ko, hindi ko mapapatawad ang pagsisinungaling na katumbas ng buhay ko..."

Yumakap lang siya sa akin na para bang nanginginig ang buo niyang katawan. Natatakotnba siya? Para saan? Hindi ko talaga maintindihan. Siguro ay isa na naman ito sa mga pinadadaanan ng mga babae buwan-buwan. Napangisi ako. Kung meron siya, sayang naman at hindi kami nakabuo. Gusto ko sana na magkaroon na ng anak at wala akong ibang nakikita sa imahinasyon ko kundi si Bernice bilang ina ng mga anak ko. Sa ganoong posisyon na siya nakatulog, habang tinitingnan ko siya ay nagsisimula na akong bumuo ng mga pangarap na kasama siyang muli --- siya at ako. Kaming dalawa hanggang sa huli. Kung may naniniwala man sa forever, siguro ay ako iyon, naniniwala ako na kaming dalawa ni Bernice Anne hanggang huli...

Axel John: The Studly Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon