Challenge # 01

123K 3.5K 489
                                    

Martin Ricardo – all out interview. Ang panig ni Martin sa hiwalayan nila ni Bernice Anne.

'Di umano ay niloko ni Bernice Anne ang nobyong si Martin Ricardo. Ayon sa actor, nahuli niya ang dating nobya na may kahalikang ibang lalaki sa loob mismo ng dressing room nito sa set ng "Kung ikaw ay akin..."

My face reddened. Sa inis ko ay naibato ko ang tabloid na hawak ko. Ang kapal ng mukha ni Martin! Siya na nga ang nanloko sa akin tapos ako pa ang palalabasin niyang masama! I caught him cheating on me with that sixteen year old little girl in the set! Siya pala ang nakabuntis sa co-star ko na iyon. Matagal na pala niya akong niloloko. Hindi ko na nga pinalaki pa ang isyu ng pakikipaghiwalay sa kanya. Kapag may press ay palagi kong sinasabing no comment kahit na gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko sa mundo sa kanya. I kept quiet but now this?!

Ang kapal ng mukha niya! Hindi pa man nagsisimula ang araw ko ay sira na kaagad! Anong karaptan niyang sirain ang buong pagkatao ko? Hindi niya ako kilala! Hindi niya dapat sinisira ang pangalan kong pinaghirapan kong buuin.

Sa inis ko pati ang tasa ng kape na nasa harapan ko ay ibinato ko. Walang karapatan si Martin na gawin sa akin ito. Nagkaroon siya ng pangalan sa industriya ito. Nangingigil ako sa kanya at gusto ko siyang mamatay.

"Bernie, halika na at may interview ka pa sa Kris TV ngayon." Napatingin ako sa P.A. kong si Pamela. She was a petite girl with a chubby figure. Ngumiti ako sa kanya at tumayo na. Napansin niya ang basag na tasa sa lapag – tinawag niya ang maid para utusang linisin iyon. Mabilis pa sa alas kwatro na sumakay ako sa kotse at nagbutong – hininga. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. Kung anuman ang sinabi ni Martin sa press, papatunayan kong mali iyon sa interview ko kasama si Kris Aquino.

I am one of the bankable stars of a very popular TV network at hindi ko hahayaang masira ang pinaghirapan ko mula noon hanggang ngayon dahil lang sa pagsisinungaling ni Martin. Pagpasok ni Pamela ay may dala agad siyang latte para sa akin. Kinuha ko iyon ay inamoy lang.

"Bern, 'wag mo nang isipin ang interview ng ex mong gago." She said. I just sighed. Mahina ako sa ganito. I don't like intrigas. Ayoko nga ng nasasali ang pangalan ko sa mga petty issues. Pinasibat nila ang kotse. Nakatingin lang ako sa labas at iniisip ang mga salitang sasabihin ko sa mga tanong sa akin ni Kris Aquino. Taklesa pa naman siya at nakakabigla but I will try my best to tell her everything about my break up with Martin. Napapailing na talaga ako.

We were stuck in traffic. Nakatingin lang ako sa labas. Iniisip ko kung anong buhay ang meron ako kung sakaling kasama ko si Martin ngayon. Walong buwan na kaming wala. Dapat ay ikakasal na kami pero nahuli ko siya. Hindi ko kayang masikmura ang mga ginawa niya sa akin. Hindi ko kayang tanggapin na ginawa niya iyon dahil lang sa hindi ko kayang ibigay ang gusto niya.

I am a virgin. I am thirty years old still a virgin. Dapat ay regalo ko iyon kay Martin pero dahil sa hindi ko maibigay iyon sa kanya kahit binigyan na niya ako ng singsing ay hindi pa rin ako kampante. Nakatingin lang ako sa labas nang bigla akong mapangiti. I saw a man in a red suit in his Ducati. Tulad namin ay na-stuck rin siya sa traffic. I smiled widely. Pinakatitigan ko ang lalaki and there's something oddly familiar about him. Tumingin siya sa direksyon ko. The man looked stud. He had a clean face but some angst in it. He was wearing big aviators. Napakalinis niyang tingnan pero bakit kaya siya naka-red suit.

Napatingin siya sa direksyon ko. Tinted ang sasakyan ko kaya hindi niya ako nakikita pero nakakatuwa siyang tingnan. Umusad ang traffic. Magkapantay pa rin kami. Habang umaandar kami ay bigla na lang nagpreno ang driver ko. I looked in front. Nanlalaki ang mga mata ko. Kinakabahan ako. Nerbyosa ako. Ayoko ng aksidente.

"Ako na.. Stay here." Wika ni Pamela. Tumango ako. Lumabas si Pamela at nakipag-usap sa labas. Nanonood lang ako sa kanila but when the man in the red suit mingled with them, I knew that I had to get out of the car. Nanginginig ang mga kamay kong lumabas ng sasakyan. I just want to meet him and ask why he was wearing a red suit.

Axel John: The Studly Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon