zzZZ

zzZZ

zzZZ

zzZZ

zzZZ

zzZZ

"MS. REYES!"

Ang ingay naman! Nu ba yan!

"MS. REYES!"

Nagising ako sa ingay. Agad akong umupo at tinignan ko ang prof namin na nambulabog sa pagtulog ko.

"Ms. Reyes for your information, nasa classroom ka at wala ka sa kwarto mo para matulog at---"

magsasalita pa sana yung prof namin kaso inunahan ko na sya agad, nakakaumay yung boses eh.

"nandito ka sa school para magturo, hindi para pakialaman ako" pagpuputol ko sa kanya.

Nagpipigal ng tawa si Dos dahil sa nakikita nya ngayon.

"Ang bastos mo talaga Ms. Reyes, hindi mo na ako nirespeto"-prof

"Hindi ako nakahubad, para maging bastos" then i smirk, nabwisit ata si prof at pumunta na lang sya sa harapan namin at pinagtpatuloy yung lesson nya.

Nakinig na lang ako sa lesson nya dahil hindi na ako makakatulog nito ulit kasi naistorbo na tulog ako.

Tuloy tuloy lang ang klase namin hanggang sa uwian na. Pumunta muna ako sa locker ko para iwanan yung mga libro ko para walang sagabal sa lakad ko mamaya.

Tinawagan ko yung driver namin na hindi ako magpapasundo dahil may pupuntahan pa ako pero pagsisinungaling ko lang yun kasi gusto kong mag isa at pinabili ko sya ng bagong alarm clock.

Nagstart na akong maglakad palabas ng campus at nadaanan ko yung isa pang gym ng school. Dalawa kasi yung Gym dito eh, para sa basketball ang isa.

Ang daming mga babae sa labas ng gym. Sigurado ako nyan sinusubaybayan naman nila yung mga crush nila na mga basketball players.

Nevermind.

Naglakad na lang ako hanggang sa makalabas na ako ng school.

Ito kasi ang gusto ko, ang maglakad. Para feel ko ang presence ni mother earth kahit puro usok ng jeep ang nalalanghap ko.

Pumunta ako ng luneta at kumain ng mga favorites ko.

Kwek-Kwek, Fishball at Palamig!

Ang sarap talaga ng kwek-kwek at fishball pag sinawsaw mo sa suka.

Umupo muna ako sa bench habang kumakain ng mga favorites ko.

Sinusubaybayan ko yung mga nagdidate dito sa luneta, at ang haharot po nila.

Pinagmasdan ko rin yung mga magkakapamilya na namamasyal at nagpipicture picture dito sa luneta.

Ang sasaya naman nila, ang sarap nilang pagmasdan. Naiinggit tuloy ako sa kanila, sana buo pa rin yung pamilya ko, marami pa sana akong plans para sa family ko, yung tipong mag a-island hopping kami, yung tipong ganto na namamasyal kmi sa luneta, yung tatlo kaming nagmamartsa pag graduation ko.

Pero malabo pa na mangyari yun sa kin.

I lost my DAD.

Nahagilap ng paningin ko yung babaeng bumubuntot dun sa dalawang magkasintahan na naglalakad. Siguro bestfriend ata nung babae yung lalaki kasi nakita kong lumingon yung lalaki sa babae na nandoon sa likuran nila at may binigay na payong yung babae dun sa lalaki na bestfriend nya at pinayungan naman nung lalaki yung girlfriend nya at kinilig naman yung girlfriend nya at agad na kumapit sa braso ng lalaki at lumingon ulit yung lalaki sa babae na nasa likuran nila at nagpathank you.

Ms. Varsity Player ^^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon