Chappy 6

77 1 0
                                    

Chapter 6

Nagsisimula pa nga lang 'yung story ko ay puro dramahan na. Ano ba 'yan! Hoy, author! Ayus ayusin mo naman ang pagsusulat mo dyan! Hoy! Sagutin mo ako! Pati ba naman ikaw author, hindi ako pinapansin? Edi sige! Invisible na ako! Peste.

Oo, aaminin 'kong OA ko masyado kagabi. May pa takbo takbo pa ako sa kwarto at paiyak-iyak. Tss. Kadiri. Sobrang bakla na yata ako. Pagkagising ko kasi kaninang umaga ay hindi na ako pinapansin ni Karl. 'Yung 'bang wala ako.

Pinaghandaan ko pa nga siya ng almusal at pinainom ko siya ng gamot at tubig pag-gising niya dahil sa dami ng naubos niyang brandy kagabi.

Pero peste naman oh. Hindi niya ako pinansin, kinuha niya lang yung inabot 'kong gamot at tubig sa kaniya at nilagpasan na ako. "Ay? Di mo ko nakita?" Napasabi na lang ako bigla at sinundan siya sa kusina.

Hindi ko dapat ipakita sa kaniya na nasaktan ako o mahina ako dahil dapat ipakita ko sa kaniya na malakas ako at kaya ko siyang alagan. Medyo nakakadiri na nga yung pinagsasabi ko sa ngayon eh kaya hindi ko na papahabain pa.

Nandito ako ngayon sa mall. Half day lang kasi 'yung klase namin dahil may meeting yung mga teachers namin para sa nalalapit naming graduation. Ang bilis talaga ng oras. Isang buwan na lang bago ako mag-college. Grabe!

Magmimeet kami ni Meg dito para pagplanuhan ang step one ko. Kelangan ko ng bumuo ng plano para mahulog ang loob ni Karl sa akin. Bwahahahaha! Tapos kapag nahulog na siya sa akin ay hinding hindi ko siya papakawalan! BWAHAHAHAHAHAHAHA----

"HOY, BRUHA! MUKHA 'KANG EVIL WITCH DIYAN!" Nabalik tuloy ako sa realidad pagkatapos akong sigawan ng bruhang Meg na to. "Ikaw talagang babae ka! Wala ka talagang pinipiling lugar! Ang sakit ng tenga ko dahil sa sigaw mo!" Nakakahighblood 'tong Megan na to.

"Eh sa mukha ka talagang evil witch sa itsura mo kanina. Para 'kang nagievil laugh diyan sa imagination mo." Tamang hula ni Meg. Bestfriend nga naman.

Nilakihan ko na lang siya ng mata at hinila na siya papasok ng coffee shop. Dito dapat para peaceful at para makapagisip talaga kame ng sobrang effective na paraan para maseduce ko si Karl. Oo. Tama kayo ng basa, iseseduce ko si Karl at siguradong lalaglag ang panga at kapag nangyari 'yun ay tiyak na----"Hoy. Ano ba?! Magpaplano ba tayo o magtutulaan na lang dito?! Ano! Pumili ka!" Nanlilinsik na ang mata niya.

"OA ka Meg ha. Iniimagine ko lang naman kung ano 'yung mangyayari kung magtagumpay tayo."

"KUNG magtagumpay tayo. 'Yun ang point. 'YUN!" Ano 'bang problema nitong babaeng 'to? "Bakit ba mainit 'yang ulo mo ha? LQ?" Nacucurious 'kong tanong. Ang daming commercials bago kami makabuo ng plano.

Tiningnan ko ng maigi si Megan. She's doing a grimace. Nagsimula ng mamula 'yung mga mata niya. Tatanungin ko na sana siya kung ano 'yung problema niya ng bigla na lang siya umiyak ng malakas. Shet naman oh. Nakakahiya sa mga katabi naming nakaupo. Actually hindi lang basta katabi kundi buong coffee shop!

"Huhuhuhu! Jess!" Todo iyak pa rin niya. Inikot ko ang paningin at nagbubulong bulungan na ang mga tao. Mga chismosa rin 'tong mga panget na 'to. "Oh? Ano? Tutunganga na lang kayo sa amin? Nagprapractice kami para sa play!" Sigaw ko at tumayo para umupo sa tabi ni Meg.

"Shhhhh. Tama na, bes. Tahan na. Okay ka lang ba?" Mahinhin 'kong taong sa kaniya at hinawakan ko pa 'yung likod niya. "Mukha ba akong okay, ha? Umiiyak na nga ako ng dugo, eh!" Turo niya sa sarili niya at tuloy pa rin sa paghagulgol.

Mahina 'kong sapak sa ulo niya. "Gaga. Dugo ka diyan. Kwento na. Dali. Next time na lang natin pagusapan ang step one ko. Ikaw muna ang bida ngayon." Mahinhin 'kong saad. Di ko muna siya sisigawan ngayon tsaka na kapag hindi siya umiiyak.

Married To An All In One Guy ~KP~ (COMPLETED)Where stories live. Discover now