Danielle:
Shut up ka nga dos

Sereia:
Kausapin mo na lang kambal mo si Uno HAHAHAHA

Danielle:
Uno dos tres, triplets yan sila pffftt

Dos:
Lucky number ko yan Uno at Tres

Ang dami na nilang message sa group chat namin at natatawa na lang dahil sa mga pinagsasabi nila. Nakaramdam ako ng antok kaya naman binab ko na ang phone ko at nilagay sa side table, bumangon muna ako para mag palit ng pajama and after that bumalik agad ako sa pag higa and then I turn off the lampshade.

My day is so tiring, ang dami namin ginawa kanina at walang pahinga. Kaya inaya kami nila Dos na mag bar kanina, so ayun pumayag naman kami. We're taking business management course at sabay-sabay kami nila Danielle, Sereia, Dos, at Rei. Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa nakaramdam ako ng antok.




The day comes, nandito na ako sa school at hinihintay namin ang dalawang lalaki na ang dumating. It's already 7:35 am at magsisimula ang klase namin ng exactly 8 o'clock, we're here sa labas ng gate at naghihintay sa dalawang mokong na ang dumating.

"Excited na ba kayo makilala ang new prof natin?" Tanong ni Danielle, "medyo. Parang kinakabahan ako, baka terror yun!" Sereia said.

"Pero okay lang basta pogi siya aackk!" Dagdag niya, dumating na si Dos at Rei kaya naman pumasok na kami sa loob.

"Ang tagal-tagal niyo para kayong mga pagong." Reklamo ni Danielle sa dalawa, "Ikaw ba naman ma-traffic" - Dos

Nagsimula na naman sila mag bangayan kaya hinayaan na namin silang dalawa, lumapit sakin si Rei at bigla akong inakbayan, he smiled at me at ganon din ako sakanya. Rei is handsome, at nasa kanya na ang lahat, every girls wants him. Nung high school pa lang kami, he always received love letter, chocolate, and many more. Inaamin ko din na nagka-crush din ako sakanya, hindi ko sinabi kahit kay Danielle and Sereia.

Habang naglalakad kami may biglang bumusina sa likuran namin dahilan para magulat kami. Pag-lingon namin we saw a white bmw car, tumagilid kaming lima para makadaan ang kotse.

"Grabe naman yun kung bumusina" Danielle said "ikaw kasi eh nasa gitna ka talaga ng daan," Dos said to Danielle kaya kinurot siya ni Danielle sa braso.

Nakarating na kami sa classroom namin at nandoon na lahat ng mga klaklase ko, tabi kami umuupo si Danielle at si Sereia, Dos, at Rei naman magkatabi sa likuran namin.

"Ano sa tingin mo yung bagong prof natin?" Bulong ni Danielle, "okay lang." Tinaasan niya ako ng kilay at hinawakan ang braso ko.

"Wala ka bang nafe-feel na pogi yung magiging bago natin professor?" Tanong niya pa, "bakit ba yan tinatanong mo? Imbis na isipin mo na baka masungit yung bagong prof eh, Ikaw talaga." I said.

"Pero pag pogi ba gagawin mong crush?" Tanong niya

"Malay mo totoo yung sinasabi ni Dos na malaki ang tiyan," natatawang sambit ko.

"Grabe ka naman, hindi niyo pa nga name-meet eh." Aniya

"Bakit na-meet mo na ba?" Tanong ko sakanya at umiling naman siya saka ngumiti.

The Professor Obsession | TLS 1Where stories live. Discover now