Camera 7 - Couple's Day Out (2)

Začít od začátku
                                    

"Maraming salamat sa inyo," nagagalak na saad ng ina ng bata, "gumawa na lang kayo ng baby, mag-asawa naman kayo, di ba?"

Nabilaunan ako sa narinig ko habang tumawa naman ng malakas si Vivi, "Sige po, magdodouble time po kami ni Kengkoy para magkaroon din ako ng super cute na baby tulad niya."

"Thesis, umayos ka," mahina pero mariin kong saad.

"Oh? So what did I do now?" nagpanggap siyang nagulat pero halatang hindi dahil sa gikgik niya pagkatapos niyang magtanong.

"Alam kong inaasar mo ako," nagkunwari akong nainis.

"Oi,"she poked my hand, "minsan nga lang ito eh. Ngiti na diyan, please?" saad niya na may puppy eyes pa.

"Sige na nga," ngumiti ako sa kanya.

"So ano ang gagawin natin pagkatapos nating kumain? May tatlong oras pa tayo bago pumunta sa yacht di ba?" tanong niya sa akin.

"Sabi ni Roger magshoshopping daw tayo," sagot ko.

"Shopping?" napakunot ang noo niya, "bakit tayo magshoshopping?"

"Gusto kasi nina Roger na tayo ang pumili sa mga susuotin natin para sa dinner date natin mamaya. Pagkatapos natin magshopping, didiretso ka na raw sa salon para mag-ayos," sagot ko.

"Ang boring naman nun," bumagsak ang balikat niya.

"Hindi ka ba masaya? Halos lahat ng babae nag-eenjoy magshopping," saad ko.

"Masakit sa paa ang magshopping," ipinatong niya ang baba niya sa kamay habang nakapatong naman ang siko niya sa mesa, "alam ko yan dahil pagkasama ko ang mommy ko, lahat na atang shops pinapasukan at lahat atang nakadisplay na damit, sinusukat."

Natawa ako sa narinig ko, kakaiba pala itong asawa ko. Parang hindi babae dahil lahat ng babaeng alam ko ay ganun umasta. Wala man akong kapatid na babae, nasanay naman ako dahil lagi ko namang sinasamahan ang mommy ko kapag nagyaya itong lumabas.

"Eh wala tayong magagawa, ito ang nakasaad sa schedule natin," nagkibit balikat na lang ako.

Napailing ako dahil mabilis siyang nakapili ng susuotin niya saka ibinigay niya ito sa akin para babayaran ko.

"Hindi mo ba isusukat?" tanong ko.

"Kasya yan sa akin," saad niya, "bayaran mo na."

"Paano ka nakakasiguro na kasya to sayo?" tanong ko.

"Alam ko ang size ko dahil lagi naman akong sa on-line bumibili kaya bayaran mo na," sagot niya saka umupo sa katabing sofa, "pumili ka na."

May naisip akong pilyo kaya lumapit ako sa kanya at hinila siya patayo, "ikaw ang gusto kong pumili ng susuotin ko," saad ko. Dahil ayaw niyang magshopping, naisip kong mapilitan siyang gawin yun para sa akin.

*Viv's POV*

"Ikaw ang gusto kong pumili ng susuotin ko," saad niya.

"Seryoso ka?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Gusto ko ikaw ang pumili ng susuotin ko dahil ikaw ang ka-date ko," ngumiti siya ng matamis sa akin, "I want to look my best for you and the only way to do that is to make sure that you like what I wear."

"Ayeee!" maliit na hiyaw ni saleslady sa tabi ni Kaz, "ang sweet niyo! Nilalanggam na ako."

Nahihiyang ngiti ang iginawad ko sa saleslady. Kung wala lang siguro ang saleslady, iisipin kong nakakakilig ang ginawa niya kaso alam kong nagpapanggap lang siya sa kasweetan niya. May parte sa akin na nangarap na sana totoo na lang yung sinabi niya pero malabo yun. Ilang beses na akong umasa, ayoko nang umasa pang muli.

"Sige," saad ko saka tumungo sa men's section. Totoong nakakatamad magshopping dahil kadalasan lagi lang akong nakabuntot sa mommy ko. Lagi na lang siya ang pumipili ng lahat na bibilhin para sa akin pero iba ang shopping na nangyayari ngayon. Na-eenjoy ko kasi ngayon, ako ang pipili, malaya kong nagagawa ang gusto ko.

"Ahm, Kengkoy?" nakayuko akong humarap sa kanya, "kung sakaling may makita akong ibang damit na magugustohan ko, hindi ka ba magagalit kung susubukan ko ito?"

"Bakit ako magagalit? We have the whole afternoon para magshopping," saad niya habang namulsa.

"Sigurado kang ako talaga ang papapiliin mo ng susuotin mo?" tanong ko.

"Oo," lumapit siya ng konti, yung halos magkadikit na ang mga noo namin, "I'll let you choose for me."

Tumalon ang puso ko na para bang sandali itong tumigil sa pagtibok. Ang sweet niya at natatakot akong malunod sa mga salita niya. Mag-eenjoy na lang ako sa mga ginagawa niya habang naeenjoy ko pa, pero lagi kong tatandaan na hindi niya ako mahal at lahat ng ito ay pawang pagpapanggap lamang.

Ilang oras kaming palibot libot para makapili ako ng mga gagamitin namin pero wala akong reklamong naririnig sa kanya. Sinusukat niya lahat ng napili ko habang matiyaga naman siyang naghihintay sa labas ng dressing room kapag ako na ang nagsusukat.

"Akala ko ba ayaw mong magshopping?" natatawa niyang saad nung nasa counter na kami para bayaran ang mga pinamili namin.

"Boring dati kasi lagi lang akong nakabuntot kay Mommy pero ang saya pala kapag malaya kang nakakapili ng bibilhin mo," magiliw kong sagot, "Kengkoy, thank you," bulong ko sa kanya.

"Thank you para saan?" tanong niya.

"Thank you for making me feel important today. Salamat dahil pinaramdam mo na may halaga ang mga opinyon ko," saad ko. Hindi ko namalayang napayapos na pala ako sa leeg niya at wala sa sariling hinalikan siya sa kanyang labi.

________________________________

AN: Meron pa pong part 3 ang couple's day out nila Vivi... sana abangan niyo ang huling installment ng date nila.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Kde žijí příběhy. Začni objevovat