The Birthday. Tada!~~~~~~~ Part 2

2.8K 51 25
                                        

Eto na talaga guys. Birthday na ni NIckababes natin. :""> Yiiie. Excited na ba kayo sa regalo ni CLarence? At sa pag amin ni CLarence? Aberrrr, kung gayon basahin nyo na itooooo. :) Enjoy.

Decicated to: @RossaneMarieCaragdag. Thanks sa pag popost sa message board ko. Ya!Ya!Ya! :)

---

Nicka's

Pag kauwi ko, naligo na agad ako. Mas matagal kesa sa una kong ligo. Aba syempre, birthday party ko na mamaya eh. Papalagpasin ko ba yun? Syempre hindi no? 16 na ko eh. Kaya sulitin na. ;)

Pagkatapos nun, kinuha ko na yung dress kong oh so pretty. :"> Sky blue kaya ito.

(See previous chapter para makita yung dress ni Nicka. 2 yun, di ko alam kung ano mas maganda eh. Bahala na kayo.) 

Nagmake up na ko at kinulot yung buhok ko. 2:30 na ko natapos so, nagbihis na ko. Dahan dahan baka masira padala pa naman sakin to ni Mama galing London. Kaya ingat Nicka ingat.

Medyo binilisan ko na yung kilos ko. 3 magsstart party so kailangan ko ng makarating doon agad.

---

CLarence's

Pag katapos ko maready yung damit ko. Naligo na ulit ako. Syempre kailangan to para mabango ako pag nagkita kami ni Nicka.  

Maaga din naman ako natapos. Nagsando muna ako kase medyo maaga pa naman.

Tinawagan ko na siya.

Yes! Ready na lahat. Sana matuwa si Nicka sa present ko.

Since invited naman ako sa birthday ni Nicka, hindi niya agad mahahalata na ako si ST. Kase kung hindi ako invited, malamang magtataka siya kung bakit ako pumunta diba? Great Clarence. Great.

Sinuot ko na yung light blue long sleeves ko at pants. Nag pabango na din ako. Syempre, dagdag pogi points yun no.

Dumiresto na ko sa clubhouse. Marami na ding tao. Karamihan sa section ni Nicka. Wala nga palang relatives niyang invited, syempre wala ang parents niya. Tanging si manang lang ang nandito.

"Pare" sabay patong ng kamay niya sa balikat ko.

"Oh, Migs. Ikaw pala. Wala pa ba si Matt?" 

"Wala pa eh. Maya maya pa yun. Pwede ba tayong mag usap?" Sht. Kinakabahan ako sa ganto eh. 

"Uh-ocge" pagdadalawang isip ko. 

Pumunta kami sa may bandang garden.

"Tungkol saan ba pag uusapan natin." Wag mong ipakitang kinakabahan ka Clarence. Kalma.

"Uhm, pare. Sana alagaan mo si Nicka ha?"

"Bakit mo sinasabi yan?" nagtataka kong tanong.

"Pinapaubaya ko na siya sayo, pare. Isusuko ko na siya sayo. Tutal, mukhang masaya naman siya eh. Wala na kong pag asa pa." sabi niya habang nakatingin lang sa langit.

"Pare."

"Clarence, sana wag mo siyang paiyakin. Pag ginawa mo yun, babalik ako. At hinding hindi ko na siya ipapaubaya sayo dahil sisiguraduhin kong sa akin na siya."

"Wag ka mag alala Migs. Hinding hindi ko siya papaiyakin. Salamat pare."

"Psh, wala yun. Basta, usapan yan ha?"

"Oo ba."

---

Nicka's

Naku. 3:15 na. Marami na kayang tao doon? Aish. Dali dali akong sumakay sa kotse. Syempre, kahit malapit ang clubhouse sa amin magkokotse ako no. Alangang mag lakad ako ganto suot ko. Ma-kidnapped pa ko eh. Saan na si manong? -.-

TEXTMATE + CRUSH [EDITING]Where stories live. Discover now