"Isa pang roll ng mata mo, tutusukin ko na yan." Nagpout ako. ang meanie nya talaga.




"Meanie! Baka nakakalimutan mo, marunong akong magmartial arts, taekwon--"




"Yeah yeah. And to remind you, sabay nating inaral yung mga yun." Di talaga sya nagpapatalo. Tss.




"Fine. Ganito na lang, atleast pabayaan mo ko inside the campus. Kung anu man ang meron sa loob ng campus, magiistay dun. Tsaka remember? Wala dapat makapansin na magkakilala tayo. So, ayun. Gets mo di ba?" I heard her sigh.




"Fine. Pero yun lang ang mabibigay kong favor."




"aye!"




~~~




Nauna akong lumabas ng sasakyan ni Julia. Tulad ng sinabi ko kanina, wala dapat makaalam na magkakilala kami. At dahil mahaba pa naman ang oras bago magstart ang klase ko, naglibot-libot muna ako sa buong campus. Malaki nga talaga ang FM Academy. Isang malaking college building per course. One room per Org. Malaki at fully airconditioned na library. Malaking cafeteria. Audio visual room. Computer building. air-conditioned gym. Swimming pool. At malaking mini-forest.




Natangahan ako dun sa mini-forest. Mini forest ang nakalagay na name pero sobrang laki nya! Tss. After kong mag-ikot-ikot, tumambay muna ako sandali sa lobby. Yeah. May lobby sya. at itong lobby na to ay kadugtong ng cafeteria. At wag kayo! Free wipie XDD (wifi).




Habang nag-eenjoy ako sa pagwiwifi, biglang nagtext si Julia. Nasa klase na daw sya at sabay daw kaming uuwi mamaya. Tss. Mas paranoid sakin ang isang yun. At dahil wala na din akong magawa, pupunta na din ako sa room ko! Em so eggzoited! First time na di kami magkaklase ni Julia. Ang course kasi niya ay accountancy while engineering sakin. Oh well.




Palabas na ko ng lobby ng may biglang magtilian. Ay. Anung meron? Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong nagkumpulan sila dun sa may entrance. May artista? Enrique Gil? Daniel? O baka mas gwapo pa dun? Ay syems! At dahil gusto ko talagang makita, nakisali ako sa kumpulan. Maya-maya lang may pumasok na (kung di ako nagkakamali) sampung lalaki na ang gugwapo talaga! As in gwapo! Sayang wala si Julia. Di nya nakita tong mga to. BWAHAHA! Iingitin ko sya mamaya. Kahit alam kong wala syang pakielam. K.

I Kissed Her GoodbyeWhere stories live. Discover now