"Ang landi mo! Alam mo ng may asawa 'yong tao, papatulan mo pa?"
"Hindi ko alam...."
Ano ang gagawin mo kung huli na pala ang lahat ng malaman mong may asawa pala ang taong mahal mo? Itutuloy mo pa ba o iiwan siya? Paano mo siya maiiwan kung magbubunga ang inyong pagmamahalan? Makakaya mo ba itong lagpasan?
"Mahal kita, Vice... At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawawala ka."
"Anong magagawa ng pagmamahal mo kung ngayon ay dinudurog mo na ang puso ko?"
Paano mo ilalaban ang inyong mga puso't damdamin para sa isa't isa kung alam niyo namang hindi na tama ito?
"Hindi kita tinuruan ng gan'yan! Wala akong anak na isang kabit!"
Paano kung pati ang sarili mong pamilya ay hindi ka matatanggap sa pagkakamaling iyong nagawa, susuko ka na lang ba o lalaban?
"Kaya mo 'yan... Nandito lang ako para suportahan ka sa iyong mga desisyon at gagawin. Kakayanin natin 'to, bubuhayin natin ang anak mo kasama 'ko. Hinding-hindi kita iiwan, Vice."
Paano kung sakabila ng iyong kasalanan mayroong isang taong nagmamahal at tatanggap sa iyo? Tatanggapin mo ba siya o hindi kung alam mo naman na wala kang nararamdaman para sa kanya?
"Mommy, bakit mo nilihim ang lahat ng 'to. Naging crush ko pa ang sarili kong ama?"
Date Started: 08-25-2024
Date Ended:
VOUS LISEZ
TADHANA
Roman d'amourAno ang gagawin mo kung ang taong mahal mo ay hindi na pala para sa'yo, lalayo ka ba o handang ipaglaban siya? "Mahal na mahal kita, Vice" "Kung mahal mo ako, bakit mo ako na gawang saktan? Anong klaseng pagmamahal 'yan? Niloko mo 'ko!" Sa pag-ibig...
