"Paunahan tayo! Mahuli manlilibre!"
Ilang taon palang ba tayo neto? 4? 5? Simula pagkabata mukha mo na yung nakikita ko araw-araw.
Pero ewan ko ba, parag hindi ako nagsasawa sa pagmumukha mo.
"Aray!"
"Woy? Napano ka?"
"Nadapa ako eh! Huhuhu."
"Wag ka ngang umiyak! Ang mga lalake hindi naiyak!"
"Owwkay! Salamat Gab, buti nalang andyan ka."
"Hindi ako laging nandito kaya wag kang lampa."
"Alam ko namang hindi mo'ko iiwan eh."
At ngumiti ka ng sobrang lapad.
'Yang ngiting yan na nakakapag pabilis ng tibok ng puso ko mula noon hanggang ngayon.
"Hoy! Wagas ka kung makatitig ah?! Crush mo ko nooo?"
"Kapal mo oy! Tinitignan ko lang kung gaano ka kapangit. Feeler mo."
"Grabe ka naman saken. Ang pogi ko kaya! Kunwari ka pa! Alam kong crush mo din ako."
"Wala akong gusto sayo. Mangarap ka mag-isa mo."
Sinungaling. Ang galing ko pala talagang magtago ng feelings. Haha.
Grade 5 tayo nung tinanong mo ako tungkol dito. Kahit ilang beses kong ikaila, alam kong crush na kita nung mga panahong yon.
Pero wala akong lakas ng loob na aminin sa'yo kase natatakot ako.
"Gab! Bukas nga pala may sasabihin ako sayo. Importante 'tong malaman mo."
1st year high school nung sinabi mo yan. Andaming pumasok sa isip ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Nagbabaka sakali na pareho tayo ng nararamdaman. Na baka may sabihin kang ikakatuwa ko ng sobra sobra.
"Gab. Si Cynthia, GIRLFRIEND ko."
Sa limang salita na sinabi mo na halos nagpadurog ng puso ko.
Dun ko narealize kung gaano ako ka-tanga.
Buong gabi kong inisip kung anong sasabihin mo. Kung anu-ano yung naiimagine ko, pero dun ko napatunayan na sobrang sakit palang 'mag assume' ka ng sobra sobra.
Sa tagal na nating magkasama. Napaka daming pagkakataon na dapat nagtapat na ko sayo. Kaso natatakot ako.
Natatakot akong baka pag umamin ako, masira yung ilang taong pagkakaibigan naten.
At ayokong mawala 'yon.
Siguro nga Torpe talaga ako.
Isang babaeng ubod ng katorpehan.
Basta alam ko. Balang araw masasabi ko ang nararamdaman ko.
Balang araw...
******
Author's Note:
Okay lang ba? Hihi :') Medyo lame pa, pero sundan nalang natin yung story. Malay natin magustuhan mo ^.^
Please Vote and Leave Comments. Thankies~♡
