AIAH X READER

2.8K 59 19
                                        

PLOT: You and Aiah had a fight over the ATM.

VYNEXIA

"Paspasan mo naman ang kilos mo, Vynexia! Ihahatid mo pa itong kapatid mo sa eskwela!" Sermon ni mama mula sa labas.

Parang kasalanan ko pa na 'yung butihin kong kapatid ay mas inunang mag concert sa cr, bago ako nito hayaan na maligo matapos niyang magsawa sa loob.

"Nagbibihis nalang po mama!" giit ko habang pigil hiningang sinara ang butones ng pants ko.

11 years ko ng gamit 'to kaya masasabi kong mas matibay pa ang relasyon namin kaysa sa... ano.

Lumabas na ako mula sa kwarto ko, at mabili na kinuha mula sa lamesa ng kusina namin ang susi ng motor ko.

"Hoy, Aurora Boulevard! Lumabas ka na nga d'yan sa kwarto mo at aalis na tayo!" asik ko habang sinusuklayan ang buhok ko at nakatayo ako malapit sa pinto nito kung saan nakasabit ang salamin namin.

"Eto na ate!" lumabas na ito mula sa silid at niyakap ako.

Pinandilatan ko naman siya ng mata at ginamit ang kaliwang palad ko para ilayo ang mukha niya mula sa mukha ko. "Tigilan mo'ko, Aurora. Alam na alam ko kapag may kailangan ka."

"Eh ateee, sinasama ako nila Michelle papuntang Baguio. Nakakahiya naman kung ako lang sa magkakaibigan ang hindi pupunta diba?" pangmimilit nito.

Inirapan ko naman siya na naging dahilan kung bakit inalis niya na ang pagkakayap saakin.

"Aurora, hindi nakakahiya na ipakita mong hindi sa lahat ng bagay ay makakasali ka. Mayaman ang mga kaibigan mo, tayo hindi. As simple as that. Napagbigyan ka na last week, kakagaling mo lang sa Tagaytay, tapos ngayon Baguio? Eh ako nga---"

"Psst! Vynexia, ikaw ang nakakatanda. Eh ano naman ngayon kung napuntahan na ng kapatid mo ang mga lugar mo na hindi napuntahan?" nakapamewang pa na asik ni mama habang nakatingin ito ng masama saakin. Lumapit ito kay Aurora.

"Nak, sige pinapayagan na kita. Kakausapin ko nalang ang ate mo pag uwi." sinabi ni mama habang hinahagod hagod niya pa ang likod ni Aurora.

"Umalis na kayo at mag ingat kayo, mag uusap pa tayo mamaya, Vynexia." Paalala ni mama.

Napatungo nalang ako ng tango kay mama. Hindi ko alam kung bakit binebaby niya masyado si Aurora samantalang ako ang nag papaaral kay Aurora at sumasalo ng gastusin dito.

Dalawa lang kaming mag kapatid pero parang ako ang may buhat at ambag sa babay na'to.

NANG lumabas ako, nakita kong nakaupo na si Aurora sa motor kong si Bambi.

Yellow at Black ang combination nito dahil 'yun ang paboritong kulay ko. Bambi rin ang tawag ko dito dahil para siyang si Bumblebee. Motor nga lang.

"Let's go na ate! Excited na ako for tomorrow! Baguio, here I come!" saad nito habang abala sa pagtatype ng update niya para sa mga kaibigan niya.

Hindi naman masamang makiuso, pero kung kaya mo lang sabayan ang mga ito. Eh ang siste, hindi nga kami mayaman. Lahat ng gamit niya gusto niya bago, ultimo tissue gusto niya hiwahiwalay na para sa kaniya.

"Bakit hindi pa tayo umaandar ate? Malelate na ako oh!" Inarte nito.

NANG makarating kami sa eskwelahan ni Aurora, agarang bumaba ito at pinaalis na ako agad para hindi daw malaman ng college friends niya na motorsiklo lang ang gamit na pang hatid sakaniya.

At least si Bambi makinis, eh yung mga kaibigan niyang maarte?

Napailing na lang ako sa inasta ni Aurora. Day off ko tuwing friday hanggang sunday.

BINI X READER ONESHOT COLLECTION (OPEN FOR REQUESTS)Where stories live. Discover now