#1 killer eyes o hysterical eyes.
-ito yung mata lang talaga ang nagalaw para Hindi halata Kay teacher

#2 The giraffe
-yung tipong ayaw magpakopya ng katabi mo pero desperado ka na talaga, hahaban mo ang leeg mo para makita lang sagot sa papel niya.

#3 uy may kuto ka
-kunyari nagkakamot ng ulo pero simpleng tingin sa papel ng katabi

#4 The daydreamer
-yung kinokopyahan mo nilipat, ngayon ay tititigan mo yung papel niya kahit malayo tapos magkakasagot ka

#5 signal
-ito yung may sign sa A,B,C at D

#6 lumingon ka please
-Tititigan mo o sisitsitan mo yung kakopyahan mo para malaman niya na kaylangan mo siya atsaka sasabihing "anong sagot sa #"

#7
-para sa mga professional ito, yung pasahan na ng papel kaya hahablutin mo yung papel ng kakopyahan mo at kokopyahin hanggang sa matapos para sabay kayo magpasa.

Hindi ko na nilista ang mga iba sa akin nalang yown. For sure talaga papasaya ko sa exam.

"Guys ah yung pinagusapan natin wala ng kopyahan sa exam" biglang sabi ni yelena, genius siya.

Walang kopyahan sa exam.

Walang kopyahan sa exam.

"Ha? Paki-ulit nabingi ako dun"

"Ang sabi niya wala ng kopyahan sa exam" -ramir.

Mangiyak ngiyak na ko "wala naman akong narinig na pinagusapan natin yun?!"

"Tulog ka kasi nung araw na yun" -Coleen.

"Basta wala ng kopyahan" -Mico

"PAANO NA KO NYAN?!"

"Magreview ka" sabay sabay nilang sabi sakin.

"Hindi ka pa ba nagrereview?" Tanong ni Yelena.

"Obvious ba? Hindi ko gusto ang pagrereview" sagot ko.

"Dalawang araw nalang oh" -Mico

"Magreview ka mamayang Gabi" -jef

Magrereview ako? Try ko bat ba kasi nauso ang pagrereview? Kapag ako naging president gagawa ako ng batas na bawal ang magreview para Hindi mahirapan ang mga estudyante.

Nagsiuwian na lahat kami pagkatapos namin kumain ng mga tinapay. Masarap rin pala ang tinapay.

Habang naglalakad ako pauwi, ang pagrereview lang ang laman ng utak ko.

Kinagabihan, hinanda ko na lahat ng mga gamit sa pagrereview. G na G ang Lola mo magreview!

"THEA!"

"Mamaya na ma nagrereview ang tao e"

"Anong nagrereview? Basang-basa na nga ang papel mo sa laway mo kasi ang sarap ng tulog mo diyan, tanghali na gumisisng ka na diyan!"

Binuklat ko ang mga mata ko, napatayo pa ko, binuksan ko agad ang bintana ko

"Umaga na?!"

"Oo, bumaba ka na at kakain na tayo" umalis na si mama

Ahehe Nakatulog ako...

Pagkatapos ko gawin ang dapat gawin bumalik na agad ako sa kwarto. Hindi ako Magrereview wala na ko sa wisyo magreview baka makatulog nanaman ako :(

"Nakareview na kaya si chanubabes ko?"

Tinext ko siya, may number niya na ko huehue.

Chanu nagreview ka na?

Unexpected Neighbors [iKON FF]Where stories live. Discover now