CHAPTER ONE

61 2 9
                                    

"Grabe!"


"Ang pogi!"


"Siyete pesos ang hot niya!"


"Ang sarap siguro niya!"


"Lalo na yung *SPG* niya."


"Kyah! Ano kayang lasa nun."


"Ano ba yan. Hello, may kumakain po dito." Sigaw ko.


Ang babastos. Mga kababaeng tao nag-iisip ng mga ganung bagay. I mean natural naman na mayroon kang pinag-nanasaan, pero yung tutungtong sa ganung level? Nakoh mas matindi pa sa aming mga lalaki. Ako, lalaki ako, siyempre mayroong oras na nag-iisip ako ng ganun pero i-broadcast mo pa sa iba hindi lang sa mga kaibigan mo, as in sa ibang tao. No way!


"Makapag-sintabi ka naman, totoo naman ah. Yum kaya si Fafa France." Sabi ni Aimee at dinilaan pa ang labi.


Yuck.


Eww.


Eww.


Yuck.


Wait, nasabi ko na ba yung Eww, kasi Eww talaga eh.


Kadiri, kababaeng tao. Tsk. Henerasyon nga naman ngayon. Nasaan na ang "Pag-asa ng Bayan"? Oh baka naman hanggang mag end of the world ay maging quotation lang yan.


"Oo nga, makapag-sintabi ka diyan ah. Dapat nga magpasintabi ka sa pagmumukha mo eh." Sabat ni Celine.


"Huwaw! Ito ipagsisintabi ko?" Sabay turo sa kaguwapo guwapo kong pag-mumukha.


"Oo. Kakaumay kaya." Sabi ni Aina, at nag-tawanan ang lahat. Idagdag mo pa ang magagaling kong kaibigan na nakisalo.


"Kung ang mukha ko nakakaumay, ano pa kaya yung mukha ng Fafa France niyo, nakakasuka?" Tumawa ang iba kong kaklase. Mostly ay mga lalaki lang. Habang ang mga babae naman ay sinamaan ako ng tingin.


"Huwag mong idadamay si Fafa France dito, kung ayaw mong sumuka ng dugo." Lumapit sa akin si Daniella. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at sabay irap. Ipinahihiwatig niyang wala akong karapatan upang pagsalitaan ang kanila "Fafa" France.


Ikaw ba naman lait-laitin mo ang pinaka-sikat, pinaka-guwapo, pinaka-sexy, pinaka-hot at pinaka-mayamang lalaki sa St. Charles Academy. Buti nga head-to-toe at irap lang ang ipinatikim nila sa akin eh. Kung nagkataong wrong timing ako at bad mood sila "Patay kang bata ka." Ang tanging masasabi ng mga kaibigan ko sa akin.


Lumapit at pinaligiran ako ng iba ko pang kaklaseng babae at tinutunaw ako sa masasamang tingin. Tinignan ko naman ang bestfriend kong si Camille upang humingi ng tulong kung hindi nga lang niya ako sinalubong ng masamang tingin.

Falling inlove with Fransisco (boyxboy)Onde histórias criam vida. Descubra agora