Chapter 12

470 10 0
                                    

....................................

Pagsilip ulit ni Julie sa may binatana ng chopper ay natanaw na niya ang isang isla na nasa gitna ng bughaw na dagat. Tnana na niya ang putting buhangin samay dalampasigan ng islang iyon at maging ang isang malaking puting bahay na nasa may gitna at ang mataas na puting lighthouse sa may kabilang banda. At napangiti siya nang marealize niyang medyo hugis susi ang islang iyon.

"Wow, ang ganda." Saka niya nilingon si Elmo na nakatinign din sa binatan. "Sa inyo ba iyan isla?"

"Oo. Diyan nakatira ang mommy namin."

"Ibig sabihin, hindi talaga magkasama ang parents niyo?"

"Bata pa kami nang maghiwalay sila. I grew up with my dad, Eli, with mom."

"Kaya hindi kayo lumaki nang magkasama."

"Yeah. Pero nang maaksidente si mommy, dad started controlling Eli's life, our lives." Tinitigan ni Julie si Elmo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I don't really want to talk about that now, Julie. Kung curious ka, kay Eli ka na lang magtanong." Pagsusungit ni Elmo. Hindi na lang nagtanong ulit si Julie saka bumaling ulit sa bintana. Pababa na sila sa isla s amga sandaling iyon.

Nag-land ang chopper sa isang mababaw na patag sa taas ng isang maliit na burol kung saan mula doon ay tanaw na tanaw ang malaking beach house sa islang iyon. Unang bumaba si Elmo, sumunod si Julie.

"Elmo!" sinalubong sila ni Jorge.

"Kuya Jorge!"

Napatigil si Julie at pinanood sina Elmo at Jorge nang magyakapan ito't magbatian. Napangiti si Julie nang Makita niyang ngumiti si Elmo at bakas sa mukha nito ang saya nang Makita nito muli ang malapit na kaibigang si Jorge. She felt glad and sad at the same time. That was the first time she's seen him smile again like that ever since he came back.

"Kumusta ka na kuya?"

"Ayos naman. Ayos lang ang lagay ko dito. Ikaw? Kailan ka pa bumalik?"

"Last month lang."

"Ang laki na ng pinagbago mo ah!" nakangiting sambit ni Jorge. "Binatang-binata ka na talaga!" napangiti rin si Elmo. "Teka, sinong-" napatigil si Jorge nang makita niya si Julie sa may bandang likod. Napabaling siya kay Elmo at napatingin ulit kay Julie, halatang nagulat siya nang makita niyang magkasama ang dalawa.

"Kuya Jorge, kumusta?" nakangiting bati ni Julie.

"Julie!" lumapit si Jorge sa dalaga. "Ayos lang. Ikaw? Bakit magkasama kayo ni Elmo?"

"Okay lang din kuya. Ahm, sa kumpanya nila ako nagtatrabaho. Assistant ako ni, sir Eli."

Hindi nakawala sa panisn ni Julie ang pagkabigla ni Jorge. Napalingon ito kay Elmo na nakatingin lang sa kanila. Jorge turned to Julie again and he tried to smile naturally. "Talaga? Nakilala mo na rin pala si Eli."

"Oo. Nagulat nga 'ko eh, may kakambal pala si Elmo."

"Oo. Hindi sila lumaki nang magkasama kaya hindi alam ngmaraming tao ang tungkol sa kanila. Pa'no, tayo na!"

Sumakay sina Julie at Elmo sa saskayan ni Jorge, isang blue beach truck. Inaliw ni Julie ang mga mata niya sa pamamasaid sa napakagandang tanawing nadadaanan nila. Hindi mainit ang sikat ng araw sa lugar na iyon kaya't nakakaenjoy ang mag-sight seeing. Nakaupo si Elmo sa may unahan, katabi ni Jorge and he could see Julie's beautiful smile through the rear view mirror in front of him. And he admits, that smile made the view even more beautiful to watch.

Napatingala si Julie sa malaking puitng beach mansion kung saan sila danala ni Jorge. "Kanina ka pa hinihintay ni Ma'am Eve, Elmo. Nung tumawag ka kanina, hindi na siya mapakaling makita ka." Sambit ni Jorge.

GravityWhere stories live. Discover now