Chapter 8

451 11 0
                                    

...........................

Flashback.....

Diretso lang na naglalakad sa may hallway si Julie habang bitbit ang isang maliit na kahon. Pansin niya ang mga matang nakatingin sa knaya at dinig din niya ang mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng madaanan at makasalubong niya. Patungo siya sa may libraryat daraanana niya ang mga locker cabinets kaya't naisipan niyang ilagay muna doon ang kanyang bag.

Napahinto siya s apaglalakad nang makita niyang abala si Elmo sa paglilinis ng locker nito. Malapit na kasing matapos ang first semester kaya marahil ay nagtitingkop na ito ng mga gamit.

Lumapit siya sa binata. "Psst!"

Pabiglang napalingon si Elmo sa kanya. "Julie!"

Natawa si Julie sabay kunot-noo. "Ang oa mo namang magulat." Simula nang matapos ang University pageant ay naging madalas na ang pag-uusap nilang dalawa. Naging magkaibigan na rin sila sa wakas at natanggap na rin ni Julie ang tuwang nararamdaman niya para kay Elmo. mabait ito at totoong tao at masaya siya dahil naging sincere ito sa kanya. Maging kay Aye ay okay na rin siya kahit may mga pagkakataong kontrabida pa rin sila sa isa't isa.

"Ano iyang bitbit mo?"

"Ah, mga lumang books. Ido-donate ko sa library natin." Napatingin si LEmo kay Julie na may bahid din ng pagkagulat.

"Ido-donate mo?"

"Oo! Bakit?" at saka inis na sumimangot si Julie. "Teka nga, bakit ba nagulat ka? Kahit nung nagbigay ako ng tulong sa club niyo, pati dun nung tinulungan ko kayo ni Aye sa pagso-solicit, parang hindi kayo makapaniwala. Nang-iinis ba kayo ha?"

"Ha?" ngumiti si Elmo. "Hindi ah. Hindi lang talaga kami sanay." Nakasimangot pa rin si Julie. "Akin nay an." Kinuha ni LEmo ang kahong bitbit ni Julie. "Tulungan na kita."

Sinamahan ni Elmo si Julie sa library. Natuwa ang librarian nang makita ang librong binibigay ni Julie, kahit ito'y medyo nabigla din dahil hindi nito akalaing gagawin iyon ng dalaga na kilala bilang isa sa mga matatapobre at antipatikang mayamang estudyante sa school na iyon. Nagprisinta na rin sina Elmo na sila na ang mga mag-aayos ng libro sa shelf.

"Ayos 'tong mga books na 'to." Sambit ni Elmo habang nilalagya niya ang mga iyon sa patungan at si Julie nama'y nakasandal lang sa may kabilang shelf at pinapanood lang siya. "Binabasa mo pala ang mga ito."

"Oo naman noh." Napangiti si Elmo. "Bakit ba hindi ka na lang magsuot ng contact lense?" tanong ni Julie. "Ang kapal ng salamin mo, ang laki-laki pa. bakit hindi mo palitan? Saka iyang suot mo, mayaman ka naman 'diba? Bakit hindi mo i-try ibahin ang fashion statement mo?"

Tumingin si Elmo sa kanya. "Bakit? masama ba 'kong tignan?"

"Huh?" napatitig si Julie sa binata. "Ahh..uhm..hindi naman. Niloloko ka kasi nila dahil sa ayos mo eh, nakakasawa na kasi."

"Okay lang iyon, komportable kasi ako sa ganito. Iyong kapatid kasi ng papa ko, sobrang old-fashioned kaya pinamana sa 'kin ang hilig niya." Lumapit si Julie at sumandal siya sa shelf kung saan nag-aayos ng libro si Elmo.

"Hoy." Tinignan ulit siya nito. "Thank you ah."

"Huh? Saan?"

Napabuntong-hininga si Julie saka siya nagbaba ng tingin. "Sa lahat. Sa lahat ng mga bagay na ginawa mo na hndi ko naman hiningi at sa lahat ng mga bagay na ginawa mo na lihim kong ginusto. For being my friend, for being really nice to me." Natawa si Julie sabay iling. "I'm not really good at this. Basta, thank you." Pagtingin niya kay Elmo, nakangiti ito at patuloy pa rin sa pag-aayos ng mga books.

"Thank you din." Saka to lumingon sa kanya.

Pagkatapos nila sa library at sabay na silang pumasok sa klase nila. Nakipalit ng desk si Julie kaya ngayo'y magkatabi na sila ni Elmo. sa kanilang magkakaklase ay silang dalawa lang ang magkaibigan at walang tigil din silang pinag-uusapan ng mga kasama nila sa classroom. Sabay din sila kung mag-lunch, kasama si Aye. Madalas pa rin silang magsungitan ni Aye pero at the end of the day, they make it a point to be in good terms.

GravityWhere stories live. Discover now