Chapter 1

741 13 0
                                    

"Wow, congratulations!" nakangiting bati ni Issa kay Julie.

"Salamat! Hay nako, sa tinagal-tagal ko din ng paghahanap ng trabaho, sa wakas natanggap na rin ako."

"Kailan ka daw mag-uumpisa?"

"Bukas na! excited na nga ako eh."

"Ano daw bang posisyon ang ibibigay sa iyo?" tanong ni Issa.

"Hindi ko pa alam pero sana naman maayos na trabaho iyon. Maayos naman ang mga requirements na binigay ko eh."

"Nako, for sure, magiging okay yung work na bibigay sa iyo."

Ngumiti si Julie. "Sana nga." Roommate niya si Issa at nakilala niya ito nang tumira siya sa boarding house na iyon two months ago. Ito ang naging pinakamalapit sa kanya. Nagtatrabaho ito bilang bookkeeper sa isang kumpanya sa Makati.

"Oo nga pala, may bago tayong kasama dito sa boarding house, alam mo na ba?"

"Talaga?"

"Oo. At ang narinig ko, nag-aral din siya sa school kung saan ka nag-graduate at MassComm din ang course niya. baka kilala mo siya."

"Talaga? sino kaya iyon?"

"Sa may third floor siya, room 35, kasama niya don si Alelie. Try mong batiin baka kilala mo nga iyon."

Lumabas si Julie sa room nila at saka siya umakyat mula sa second floor papuntang third floor. Kumatok siya sa into ng room 35 at maya-maya'y may nagbikas na ito. Napatigil siya nang makita ang babaeng nagbukas ng pinto.

"Julie?"

"Aye?"

Umakyat silang dalawa sa may rooftop ng boarding house nila na may tatlong palapag. Isa iyong malaking bahay na maraming kuwarto na tama sa dalawang katao, kaya't ginawan iyon ng may-ari na boarding house ng mga babae.

"Dito ka rin pala nakatira." Sambit ni Aye.

"Oo, two months na. simula nung nagumpisa akong maghanap ng trabaho." Sagot ni Julie.

"Narinig ko sa isang batchmate natin ang nangyari sa family mo." Nagbaba ng tingin si Julie saka siya ngumiti. "Nung una nga ayokong maniwala."

"Ganun talaga, siguro, ganun tlaga iyong nakatdhanang mangyari sa daddy ko at sa negosyo niya." Tumango-tango si Aye. Tinignan siya ni Julie. "Aye."

"Hm?"

"May...balita ka ba kay Elmo?" Tinitigan siya ni Aye.

"Wala. Simula nung umalis siya, wala na 'kong narinig mula sa kanya."

"Ganon ba."

"Huwag kang mag-alala, kapag nagkabalita ako, sasabihan kita. Pa'no, may pupuntahan pa 'kp kailangan ko nang umalis."

"Sige." Pero bago pa man tuluyang makalayo si Aye, "Aye!" Huminto ito at nilingon si Julie. "Sorry ah. Hindi ko 'to nasabi sa iyo noon, pasensya ka na."

Ngumiti si Aye. "Wala ka namang kasalanan sa 'kin eh, bakit nagso-sorry. Hindi naman ako galit sa iyo Julie, at kung inis man ako sa iyo, noon pa iyon. Isa pa, sa iisang bahay na rin tayo nakatira ngayon kaya mas mabuti nga siguro na, once and for all, maging magkaibigan na tayo."

Ngumiti si Julie at saka nita tinanguan si Aye. Pag-alis nito, humugot ngang malalim na buntong hininga si Julie at minasdan ang view na makikita mula sa rofftop na iyon. Pagkatapos ay bumaba na rin siya.

Kinabukasan, maagang nagising si Julie para mag-prepare sa unang araw niya sa trabaho. Sa isang malaking business firm sa Makati siya nakahanap ng trabaho at masayang-masaya siya na sa loob ng dalawang buwan niyang pagja-job hunting ay natanggap din siya.

GravityWhere stories live. Discover now