Introduction

1.2K 15 0
                                    

"Ugh!" Isang malakas na suntok ang nagpabagsak kay Elmo sa lupa. Pakiramdam niya'y nadisporma ang kanyang panga sa lakas ng suntok na iyon.

"Gagawin mo ba iyong technical paper namin oh hindi?!" mayabang na pananakot ni Kian sa kanya. Nasa likod sila ng Laboratoty building at kasama ang mga kabarkada niyang sina Obet at Tyron, dinala nila doon si Elmo at inupakan.

Dinampot ni Elmo ang salamin niya't sonuot iyon at saka siya tumayo. "Halos nagpapagawa na sa 'kin ang buong klase baka..hindi ko na matapos yung sa inyo." Sagot ni Elmo sabay punas sa ilong niya na nagdugo dahil sa suntok ni Kian.

"Eh ano namang pakialam namin dun? Problema mo na iyon!" saka niya hinagis kay Elmo ang tatlong folder na tumama sa mukha nito. "Tapusin mo iyan ah! Kung hindi," at saka pa niya ito sinuntok sa sikmura. "Alam mo na gagawin namin sa iyo." Napaupo si Elmo at napahawak siya sa sikmura niya habang nagtatawanan sina Kian. Saka na siya iniwan ng mga ito.

Napapikit si Elmo sa sakit na bingay sa kanya ng mga kaklase niya. saglit siyang nagpahinga pagdaka'y tumayo na siya sabay dampot sa tatlong folder na galing kina Kian.

Alam niyang pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nakakasalubong niya dahil sa pasa niya sa muka at sa nalukot at nadumihan niyang polo. Pero hindi na lang iyon pinansin ni Elmo total ay sanay na siya sa ganon. Simula nang mag-college siya'y wala na siyang ibang naranasan kundi ang i-bully at gulpihin ng mga kaklase niya. ginagawa pa siyang katatawanan at palagi siyang napipiling pagtripan. Namanhid na nga doon si Elmo pero sa tuwing nabubugbog siya'y ramdam pa rin niya ang sakit.

Hindi kasi siya tulad ng ibang mga college students sa school nila lalo na sa College nila. Magbi-bente anyos na siya'y baduy pa rin siyang manamit. Sinauna ang hairstyle niya't para siyang nanggaling sa 60's sa ayos niya. malaki rin ang salamin niyang kulay black ang frame at sa tuwing makikita siya sa school ay walang araw na wala siyang bitbit na mga makakapal na libro. MassComm ang kinukuha niyang course at mahilig siyang magbasa at magsulat. Siya rin ay isa sa mga top students sa klase nila ngunit dahil likas siyang mabait at mahina, siya ang laging pinupuwersang gumawa ng mga reports at technical papers ng mga kaklase niya. ganun ang naging buhay niya mula nang mag-college siya at ngayong wala nang isang taon ay ga-graduate na siya, handa siyang tiisin na lang ang lahat.

Binuksan ni Elmo ang locker niya't isa-isa niyang kinuha ang mga librong naroon. "Blag!" bigla siyang napatigil at napalingon nang biglang isinara nang pabgsak ang pinto ng locker na katabi nang sa kanya. Bahagya niyang isinara ang pinto ng locker niya, sapat para msulyapan niya ang taong nakatayo sa may tabi niya't gumagamit ng katabing locker.

"How can you be so stupid, Aaron?! Nakakasawa na! wala ba talagang laman iyang utak mo?! Ayoko na, huwag na huwag mo na 'kong kukulitin okay?! Buwiset!" Inis na inis na binaba ni Julie ang cellphone niya. Huminga siya nang malalim para ikalma ang sarili. Saka siya napalingon at tumingin sa lalaking nakatingin sa kanya. Galit ang mukha niya kaya't mabilis na nakaiwas ng tingin si Elmo.

Ni-lock ni Julie ang locker niya saka na siya naglakad paalis. Pero hindi pa siya nakakalyo, bigla niyang nabitawan ang isa niyang bag at nagkalat sa sahig ang mga pampaganda niya. mabilis na lumapit sa kanya si Elmo at tinulungan siya.

"Sinabi ko bang tulungan mo 'ko?" pagsusungit ni Julie sa kanya. "Umalis ka nga diyan!" at inis niyang binawi ang dinampot na lipstick ni Elmo. Inisnab niya ito at mabilis niyang ibanlik sa bag ang mga gamit niya at saka na siya naglakad palayo.

Pinulot ni Elmo ang isang ballot ng tissue na hindi napansin ni Julie. "Teka, Jul-" napatigil si Elmo nang mabilis na nawala si Julie sa paningin niya.

"Ang suplada talagaa ng babaeng iyon." Napalingon si Elmo at nakita niya si Aye, ang nag-iisang kaibigan niya sa school.

"May pangalan iyong tao, Julie." sambit ni Elmo.

GravityWhere stories live. Discover now