"Kanina kapa nakatulala, you're not reading naman" saad ni Jasper at bakas sa boses nito ang pag-aalala. I can say na close kami ni Jasper kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang.
Bahagya itong natawa bago ginulo ang buhok ko. "Tara kape tayo dun sa bagong bukas na shop" pagaya niya sa akin. Nag-isip pa ako pero kalaunan ay sumangayon din.
Maybe I need to distract myself, wala naman kasi akong magagawa. He's straight, tyaka ngayon paba ako papaapekto? Kay Jasper nga madali akong naka move on e.
Nilingon ko si Jasper na perming naglalakad at nakatingin sa unahan. "Jasper, hindi ba magagalit ang girlfriend mo?" tanong ko dito kaya napalingon ito sa akin na nakakunot ang nuo.
"Ha? hindi naman" saad nito kaya kumunot naman ang nuo ko pero napatigil ako sa sunod nitong sinabi. "Kasi wala naman ako nuon" saad nito at natawa pa.
"A-akala ko...s-sabi ni-" hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil napagtanto ko na pinagtripan nanaman ako ni Adrian.
He's not good for my mental health, he's ruining my inner peace. Siguro this is a great sign for me to avoid him as much as possible. Kung kinakailangan mas gusto kong galit ang maramdaman ko sa kaniya. After all he always bad tripping me, make fun of me, and ruin my mood.
Ngumiti ako kay Jasper at agad na hinila siya papunta sa Coffee Shop na bagong bukas katabi ng Books Store.
"Jasper, bakit wala kang girlfriend?" tanong ko dito at humigop sa kape ko bago bumuklat ng panibagong pahina sa libro.
"Walang time, tyaka I have someone I admire." Sagot nito kaya nahinto ako sa pagtingin ng mga pictures sa libro. "Talaga? since when?" tanong ko dito. Nakita ko naman ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
"Hindi ko alam, basta isang araw iba nayung tingin ko sa kaniya" saad nito while smiling ear to ear and I can see happiness in his eyes.
Nakakainggit! Kung sino man yun ang swerte swerte niya. Kasi isipin mo, si Jasper may gusto sa'yo? Like Jasper Martinez? Dibaaaaa?
Oo at crush ko siya before pero hindi ko mapigilang maisip na sana ako nalang yun. Kasi hindi naman mahirap mahalin si Jasper e, he's kind and ideal talaga.
I look at him only to realized he's looking at me. Umiwas naman agad ako ng tingin dahil sa hiya.
"May chocolate ka sa tip ng nose mo" saad niya at mahinang natawa kaya agad ko itong pinunasan ng tissue at mas naginit pa ang muka ko. Kakahiya grabe! Ano ba'to!
Pabalik na kami sa school nang makasalubong namin si Adrian papasok sa coffee shop.
Agad naman akong kinabahan at napakapit pa ako sa laylayan ng jacket ni Jasper. "Oh pre, dika nasagot sa call ko san ka galing kanina?" saad ni Jasper kay Adrian pero hindi ito sumagot.
Inangat ko ang tingin ko at para akong na istatwa dahil sa kakaibang binibigay na tingin sa akin ni Adrian. Nagtama ang mata namin saglit at dumako iyon sa kamay kong nakakapit sa laylayan ng jacket ni Jasper.
"Sa cafeteria lang" seryosong saad nito na hindi parin inaalis ang tingin sa akin.
Napairap naman ako sa sagot nito. Sa cafeteria? Bakit pa siya pupunta sa cafeteria kung busog na siyang laplapin si Jelai?
Hinila kona si Jasper at nilampasan namin si Adrian. "Tara na Jasper, baka malate tayo" saad ko dito at nagmamadaling naglakad palabas.
Narinig kopa ang tawag ni Adrian pero hindi ko ito nilingon at tuloy na naglakad.
"Nagaway ba kayo ni Adrian?" tanong sa akin ni Jasper nang makaupo kami sa loob ng classroom. Tiningnan ko naman ito at tumawa, sana hindi halatang peke.
"Aasarin lang ako nuon kaya hinila na kita paalis." Maikling sagot ko at pilit na ginawang inis ang tono.
Ang totoo niyan iniiwasan ko siya
"He look at you as if he wanted to say something else" saad ni Jasper sa mahinang tono pero rinig ko ito. Clearly and vividly.
"Nakaisip siguro ng bagong pang-asar" sagot ko at maya-maya ay dumating na ang last prof namin for today.
Napabuntong hininga nalang ako. Guess I need to forget my feelings towards him. Bukod sa walang patutunguhan, sasaktan kolang sarili ko.
ESTÁS LEYENDO
Invisible String
Ficción GeneralAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...
Chapter 13
Comenzar desde el principio
