"Paano niya nalaman?" pangungulit na tanong nito sa akin. Napakamot ako sa tongki ng ilong ko. "Sinabi ko?" saad ko sa bored na tono.
Hindi naman nag tagal ay patapos nadin ang lunch break kaya tiningnan ko ang relo ko, malapit na ang last subject ko.
Sinuot ko ang earphones ko at pinatugtog ang Huling El Bimbo dahil ito ang madalas na patugtugin ni Lolo sa tahanan nuon sa probinsya.
I was humming while walking sa tahimik na hallway papunta sa third floor kung saan ang room ng RPH.
Pagpasok ko sa classroom ay wala pang studyante kaya umupo na ako sa usual seat ko sa may tabi ng bintana.
Mahina ang boses kong kumakanta nang may maramdaman akong nakatitig sa akin. Kaya nagpalinga-linga naman ako pero wala akong nakita na tao.
Wala sa sariling napasandal ako sa upuan ko at tumingala. I met a pair of eyes na matamang nakatingin sa akin at bahagyang naka ngiti.
Umirap ako sa kaniya at umayos ng pagkakaupo bago tinanggal ang earphones na suot. "Hi, Elijah" saad nito na kinalingon ko sa kaniya. Tumango lang ako sa kaniya bilang pagbati at binalik na sa unahan ang atensyon.
"Ansungit, parang hindi kinilig sa akin." Saad nito nakina bwesit ko. "Durian, manahimik ka pwede?" inis na saad ko dito at mukang sinunod naman siya or so I thought.
"Uy Crush" saad nito kaya agad na naginit ang pisnge ko. Seryoso ba talaga siya? Panigurado nantitrip lang ito.
Hindi kona ito pinansin kaya tila napagod nadin hanggang sa dumating na ang iba pa naming kaklase ay nanahimik na ito.
Nilingon ko ito pero agad akong napaiwas ng tingin dahil nakatitig ito sa akin. At nuong magtama ang tingin namin ay kumindat ito sa akin kaya hindi ko mapigilang paginitan ng pisnge.
Ano banaman to ngayon pa ako natatae sa gitna ng klase? Natatae ba ako? para kasing binubulate ang tyan ko.
Napahawak ako sa bandang dibdib ko nang maramdaman ang pagkabog nito. Ano bang nangyayari sa akin? May sakit ba ako sa puso? Okay naman ito kanina e. Kailangan ko atang pumunta sa clinic mamaya.
Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta sa clinic. Si Nurse Alex ang nanduon kaya magaan ang loob kong pumasok sa clinic. Mabait kasi siya at pala ngiti.
"Para po kasing lalabas yung puso ko e" saad ko kaya naman gumamit ito ng stethoscope at chineck ang heart rate ko.
"Tapos po ano pong gamot sa parang binubulate ang tyan? Wala naman po akong hinahawakan na madumi hindi naman po ako nag lalaro ng lupa pero para pong may bulate sa tyan ko." Paliwanag kopa dito na kinatango-tango niya.
"I have one question for you, El" saad nito at nakangiti ito sa akin kaya diko maiwasang mapangiti din. "Ano po yun, Nurse Alex?"
"Alam moba kung kailan mo yun nararamdaman?" tanong nito sa akin kaya napatigil ako. Wala namang pumapasok sa isip ko kapag kumakain ako ng mga usual foods ko, wala din naman akong maisip na dahilan sa mga usual na gawain ko sa buhay.
Bigla naman naginit ang pisnge ko nang maalala ang nangyari nuong nakaraang gabi. Ang muka niya ay biglang lumitaw sa isip ko at parang bomba nanaman na kumabog ang dibdib ko kaya naman napailing-iling ako.
Tiningnan ko si Nurse Alex na ngayon ay mahinang natatawa sa akin. "Alam mo for a psychology student, manhid ka" saad nito na kinataka ko. Teka naoffend naman ako?
"Nurse Alex?" pagtawag ko sa pangalan nito sa tonong halata ang pagiging offended sa tinuran niya. "Oh" saad nito at mahinang natawa. "Don't get me wrong, you're a great student at alam kong matalino ka pero what you feel is normal" saad nito kaya nakahinga naman ako nang maluwag.
"Normal po? Pero bakit ganuon?" naguguluhan kong tanong. "Sinong pumasok sa isip mo at namula ka kani-kanina lang?" tanong nito sa akin kaya napatutop ako sa labi ko.
"Bakit po? anong kinalaman niya duon?" saad ko at hindi makatingin kay Nurse Alex. Nahihiya ako dahil alam kong namumula ang muka ko. "May sakit ka" saad nito sa seryosong tono kaya nanlulumo akonh tumingin dito.
"P-po?" nauutal kong tanong dito. Kabado akong nakatingin sa kaniya idagdag pa ang seryoso nitong ekspresyon. "Crushie Syndrome" maikling sagot nito na kinakunot ng nuo ko. "In short, meron kang crush sa certain person kaya ka nagkakaganiyan" sambit nito bago tumawa.
Tulala akong nakatingin sa kisame ngayon iniisip kung totoo nga ba talaga ang sinabi sa akin ni Nurse Alex. Imposible, si Jasper ang crush ko e.
YOU ARE READING
Invisible String
General FictionAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...
Chapter 10
Start from the beginning
