CHAPTER 1

39.1K 406 11
                                    

CHAPTER 1

-Chaine Saavedra's Point of View-

“Chaine, umuwi ka ng maaga ha” sabi sa akin ng mama ko.

“Opo” nagsimula na akong maglakad papunta sa school.

“Bestfriend!” sigaw ni Allison siya ang aking bestfriend since kinder.

“Oh kamusta ang weekend?” tanong ko.

“Haay as usual maghapon lang ako sa bahay.” sabi niya tapos nag buntong hininga pa malas kaya yun sa umaga, hindi ako chinese ah! ewan ko ba dun sa mama ko ang hilig sa mga pamahiin nahahawa tuloy ako wala namang nananalaytay na kahit 000000000000000.1% na pagka-chinese sa dugo ko.

“Ouch! tama bang batukan ang napaka ganda at ubod ng ganda mong bestfriend?” pagrereklamo ni Allison.

“Masama magbuntong hininga kapag umaga, kaw talaga” sabi ko.

“Hay naku bestfriend, ayan ka na naman sa mga pamahiin mo” at nag-rotate na naman ang mata niya 360 degrees.

Usap-usap kami ng mga kaklase ko kasama na din ang pagpapatawa ni Allison.

Syempre habang naghihintay kami biglang may dumating na lalaki, gwapo, matangkad at may killer smile!. anu pa ba ede lapitan naman ang mga kaklase kong haliparot, pero ako dito lang ako wapakels ako. Oo kakasabi ko lang gwapo siya pero wala akong balak muna magka-bf ngayong panahon na to, pero hindi ako NBSB no! wala akong balak maging manang, kumbaga gusto ko lang muna mag-focus sa pagaaral ko.

“Tyler daw pangalan niya!” sabi nung mga nag-uusap sa likod ko.

“Kinikilig ako pag ngumingiti siya!” sabi na naman ni girl 2 .

“Muka namang chickboy!” girl 3.

“Teka teka ano yung buong pangalan niya?” girl 2.

“Drew Tyler Ellares” girl 1.

“Mag-ingat kayo dyan , hindi maganda nararamdaman ko sa kanya.” girl 3.

Natapos ang klase namin pero si Drew lang ang nadagdag sa amin. grabe ang daming nadagdag no?  May nakita akong umiiyak sa gilid paglabas namin sa campus.

“Wait lang Allison” sabi ko, tapos nilapitan ko yung batang naiyak.

“Bata ba't ka naiyak?” tanong ko dun sa bata.

Hindi niya ako pinansin.

“Naliligaw ka ba?”

“San ka nakatira?, hahatid na kita sa bahay niyo.”

I'm Already Married?! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon