"MMMmmm!!" Hindi ako makasigaw. Itinutulak ko siya papalayo, pero masyado siyang malakas kumpara sa akin. Maging ang vase na hawak-hawak ko ay naagaw na rin niya.


Bakit parang ang gwapo naman yata ng nilalang na 'to? Ba't malayo ang hitsura niya sa isang nakakatakot na magnanakaw?


Naaaninag ko kasi ang mukha ng lalaki sa kaunting liwanag na naroon. Ramdam ko ang well toned body niya, dahil nakayakap siya sa akin. Napakalapit pa ng mukha niya, kaya naman naaamoy ko ang mabango niyang hininga.


Na-curious tuloy ako kung masarap ba siyang humalik?


Ano ba naman 'yan! Tama bang pagpantasyahan ang isang magnanakaw? Nagawa ko pa talagang lumandi kahit nasa panganib.


"Hey! Sshh! Don't scream," utos niya sa akin. "I will take my hands off you, but don't scream. Hindi ako masamang tao, okay?"


Tumango ako. Ilang saglit pa ay bibitawan na sana ako ng lalaki.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sisigaw na sana ako nang akmang aalisin na niya ang kamay sa bibig ko. "Saklolo! Magna—Mmmm..." Gulat na natigilan ako.


Nataranta siguro siya sa ginawa ko, kaya hinalikan niya ako sa labi para hindi ako tuluyang makasigaw.


Teka lang! Ninakawan ako ng halik? First kiss ko 'yon!


Bahagya na siyang umatras at lumayo sa kinatatayuan ko. Pero naka-smirk siya nang tumingin sa akin. "Tss! Napatahimik din kita. Hindi ka kasi marunong pakiusapan!" nakakalokong sabi pa ng estranghero sabay alis palabas ng kusina.


Samantalang ako naman ay nasa state of shock pa rin sa mga sandaling iyon. Natulala ako sa ginawang paghalik ng bastos na lalaking 'yon.


Mabuti na lang at dumating na si Manang Flor. "Vianca, nariyan ka lang pala. Puntahan mo na si Ma'am Angela sa sala, kadarating lang niya. Sige na, ihahanda ko muna ang hapunan n'yo," saad nito.


"Siya nga pala, nagkita na ba kayo ni Mitsui? Nakita ko siyang nanggaling dito sa kusina."


"Opo..." lutang na sagot ko naman.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Where stories live. Discover now