|•|PROLOGUE|•|

29 6 0
                                        

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

*°*°*°*°*


It has been nearly eighteen years since the Oracles were wiped out and vanished.

The rise of Azareya was not easy due to the deeds of the Vladerians.

King Edgardo of Azareya decided to establish a school with the help of various kingdoms.

Sa pamamagitan nito ay matutulungan niya ang mga bata na mahasa at maging bihasa sa tinataglay nilang kapangyarihan.

Isa rin sa dahilan kung bakit nila ito pinatayo ay upang makapaghanda sa mga di inaasahang paglusob ng mga Vladerian.

Ngunit hindi alam ng mga Azaranian na may natitira pa palang Orakulo ang nakatakas.

Sa kabilang mundo naman kung saan naninirahan ang mga mortal ay nakatira ang nagiisa at natitirang Orakulo ng Azareya.

Siya si Akasi Kaison Galen, hindi niya kilala ang tunay na pagkatao niya. Sa edad na labing isa ay nagsimula siyang mawalan ng interes sa Fairytales at Fantasy.

Simula nung mawala ang mahahalagang tao sa kaniya ay nagbago ang kaniyang paniniwala sa buhay, maagang naging matured ang kaniyang isipan.

Pero sa patuloy na pagtakbo ng oras at panahon ay hindi naman niya aakalaing ang mga bagay na hindi niya pinaniniwalaan ay magkakatotoo.

Hindi niya inaasahang makakakita siya ng mga bagay na akala niya ay walang katotohanan. Mga bagay na magpapabago sa kaniyang paniniwala.

Hindi niya rin inaakala na bigla na lang magkakaroon ng mga pangyayaring magpapagulo sa kaniyang isipan.

Mga bagay at pangyayaring hindi niya akalaing nag-e-exist sa kasalukuyan.

Paano niya ito ha-harapin?

Paano niya ito ta-tanggapin?

Paano niya hindi mamaliitin ang kaniyang sarili sa kakayahang hindi niya akalaing tinataglay niya?

*°*°*°*°*°*°*

✨Writers note:✨

Hello guy's sana ay magustuhan niyo at suportahan ninyo ang aking kaunaunahang story na tatapusin. Ilang beses na kasi akong nagtatry na magsulat ng mga kwento pero hindi ko natatapos, kaya sana ay pumasa sa inyong panlasa ang takbo ng i-storyang ito. Kung kayo naman ay BL and Fantasy lovers ay tiyak akong magugustuhan ninyo ito. Kung meron naman kayong mga katanungan ay sabihin niyo lang sa akin at ito ay aking sasagutin.Mwah!!

The Last Oracle Where stories live. Discover now