VI - Vacation?

102 4 0
                                    

"Nga pala Ferge, you have work this weekend. You need to attend a meeting/seminar at Isla Borduha this Friday 'til Sunday."

"NO."

"Kambal naman.."

"Bakit ako? You know that I don't like going to sh*tty boring seminars."

"Maganda ang island na yun sira. After naman ng meeting pwede ka nang maghappy-happy. Mageenjoy ka din doon, I promise."

"Eh di ikaw na lang ang um-attend" Ayoko nga talaga kasi sumama. "Dito na lang ako sa bahay. Mas enjoy ko pa dito." Dagdag ko pa.

"Look, kailangan mong pumunta doon para malaman mo kung paano gumagalaw ang business natin. Help me with this one Ferge, please?" He said with his unique paawa effect face. Nakakatawa na ewan yung mukha eh.

"Oo na! Ka-badtrip ka." Ang nasabi ko na lang.

Kita ko naman na ngumisi siya ng nakakaloko.

I THINK ATTENDING THIS MEETING IS NOT A GOOD IDEA.

**

"Prepared na ba lahat ng gamit mo? Nakapagimpake ka na ba nang pang one week?" Untag sakin ni Grew na ikinaduwal ko, kita ko naman na maski siya nagulat sa sinabi niya. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch dito sa mansyon at ang saya dahil siya ang nagluto. (Sinigang na Hipon FOREVER! Woot!)

"Anong one week sinasabi mo jan? Akala ko ba two days and three nights lang?" Sabi ko habang nainom ng tubig.

"Hala siya. May sinabi ba kong one week? Ang sabi ko kung okay na ba yung mga susuotin mo for your weekend meeting! Bingi mo 'bal." kita ko naman si Nanay Det na nakangiting wagas.

"Mukhang may di ako nalalaman dito ah." Inis kong saad dito at tinawanan lang ako ng kurimaw kong kambal.

"Mag-iingat ka doon anak hah? Nako sana hindi ka masundan noong nangii-stalk sa iyo. Tumawag ka kaagad pagkarating mo dun." Nabigla naman ako sa sinabi ni Nanay Det. Oo nga paano kung alam niyang may pupuntahan akong meeting?

"Hindi yan 'nay. Private island naman daw iyon kaya wala ka na pong dapat ipag-alala."

"Ay ganoon ba. Oh sige na, humayo na kayo at magparami."

"Ano ba yang sinasabi mo jan 'Nay. Parehas kayo ni Grew, para kayong ewan na dalawa." Sabi ko na ikinatawa niya.

"Basta mag-iingat hah. Wag mo muna isusuko.." Pahabol ni Nanay bago umalis sa sala na ikinanoot ng noo ko.

ANO DAW?

Ang sinabi sa kin Grew ay halos lahat ng shareholders ng aming company ay pupunta. Kung hindi man sila ay may ipapadala silang representative for the said meeting. Ginawan niya ako ng notes din para di daw ako masyado mangapa. Nag-suggest din ako na isama ang secretary ko na si Aica para naman di ako magmukhang ewan. At sa sinabi kong 'yun, napakunot bigla ang noo niya at hindi pumayag, baka kung ano lang daw ang gawin ko kay Aica doon. Natawa naman ako sa takbo ng isip ni Grew, ang talino talaga. Sinabi ko na kasing dapat siya na lang dahil baka pumalpak ako pero hindi daw pwede dahil mas importanteng siya ang maiwan sa office dahil sa gatambak na paperworks at may mga meeting pa with investors. Sinabi niya na ayos na daw ang lahat at wala na akong pproblemahin pa pero..

"Where's my airplane ticket? Don't tell me pagbabarkuhin mo ko, sasakalin talaga kita jan!" Inis kong saad dito, natawa naman siya.

"Sira! Sino ba may sabing magbabarko ka? May susundo sayo.."

"Yun, buti na't nagkakaintindihan tayo. Alam mo namang may mahihiluhin ako sa barko or bangka."

"Oo, alam ko. Kaya nga kay-..."

"Nandito na yung sundo mo Ferge!" Sigaw ni Nanay Det mula sa may gate ng mansyon.

"Oh pano 'bal? Enjoy your seminar slash vacation!" Sabay yakap niyang mahigpit tumugon naman ako. "Kung makayakap ka naman parang ang tagal kong hindi makakauwi."

"Ito naman, naglalambing lang eh." Sabi niya biglang kalas sa pagkakayakap ko, sabay talikod papaakyat sa 2nd floor. Hinatak ko naman agad ito. Talaga namang 'tong si kambal ang bilis magtampo. Tsk

"Joke lang naman e. Para ka talagang bata. Yakap mo na ko ulit.." Pa-cute kong sabi kay Grew natawa naman siya.

"Eh sino ngayon ang parang bata? Ikaw talaga. Lika nga dito." Sabay yakap niya sakin.

"Ehem!" Nabigla naman kami ni Grew sa gumawa nun kaya napahiwalay din kami kaagad.

BRET?

Don't tell me siya yung susundo sa akin?

Napatingin ako bigla kay Grew at tumitig na parang sinasabing.. so-siya-pala-yung-sinasabi-mong-susundo-sakin?-sabi-ko-na-nga-ba-may-di-ka-magandang-balak-bwisit-ka! look. Nagkibit-balikat na lang siya sa sa titig ko sabay sabing.. "Bret. Ikaw na bahala sa kapatid ko, ok? Enjoy kayo and ingat sa byahe! Yung mga binilin ko sa'yo don't forget!" Paala nito na lalong ikinanoot ng noo ko.

Napatingin ako kay Brent, ngumiti lang ito at tumango tapos naglakad papunta sakin. "So, let's go? Where's your luggage ako na magdadala." Nung nakita na niya, agad niyang kinuha at binibit.

"Bret, hindi naman ako babae kaya kong dalhin yan!" May inis kong sabi habang sinusundan siya papunta sa kanyang sasakyan.

"Di ba I told you na ipaparamdam ko yung love ko sayo? This is one of my ways, wala pa nga 'to eh." Sabay bukas ng pinto sa passenger seat. Napakuyom na lang ako ng kamay at sumakay, nilagay na niya yung gamit ko sa back seat katabi ng kanya. We have the same brand ng luggage iba lang ng design. Hmmm...

We're heading to Pampanga sabi niya dahil nandoon ang sasakyan namin pa Isla. Hindi sinabi sakin ni Grew yung oras ng flight namin tapos wala pa yung plane ticket ko kaya tinanong ko si Bret.

"Nasayo ba yung plane ticket? Walang binigay si Grew eh."

"We don't need that." Sabi niya na napa "Huh?" naman ako.

Narating nami ang isang malawak na landing and take-off place ng mga airplane pero nakakapagtaka kung bakit walang katao-tao.

"Let's go, babe." Sabi niya na ikinanuot ng noo ko. Nagiging habit ko ang pagkunot ng noo tuwing kasama ko 'tong kumag na 'to. Mapapadali ata ang pagtanda ko.

"Gago. Babe ka dyan. Bakit walang tao dito?"

I saw him smirked na ipinagtaka ko.

"As you can see may mga staff naman so.." Pamimilosopo niyang sabi.

"Di mo aayusin ang sagot mo?"

"I was just joking ikaw naman. Wala talagang ibang tao dito because..

I own this place."

Nabigla ako sa sinabi niya pero di ko na lang pinahalata. Yes, we're rich but not as rich as this bastard na may private jets. I was stunned at the moment tsaka ko pinalibot ang paningin ko sa kabuuan ng paliparan, ang laki kasi nito. Nabalik ako sa ulirat ng akbayan ako ni Bret.

"Everything you see will be yours 'pag naging Mrs. Montemayor ka na." Sambit niya sabay kindat. Sa sinabi niyang parang nagsi-akyatan lahat ng dugo sa ulo ko. Iniwas ko na lang ang aking tingin dahil panigurado sobrang pula na ng mukha ko.

"Dami mong sinasabi tara na nga!" Sabay lakad patungo sa jet na may stairs na nakadikit na paakyat direcho sa pinto.

Isa pala itong G6 na cinustomize para lalong maging elegante ang loob. Umupo na ako at tinabihan ako agad ng ulupong.

"Ang daming vacant seat at ang laki nito para magtabi tayo Bret. Lumipat ka."

"Ihhhh. Don't wanna." Pababy nitong sabi na ikinatawa ko.

"Pffft. Hahahahaha" Munggago lang. Hahaha

"Ayan tumawa ka na. Mas gwapo ka 'pag nakangiti, mas lalong akong naiinlove sa'yo." Baka namumula na naman ako. Lintek.

"Ah. Okay." Ang nasabi ko na lang sabay labas ng ipod at plug ng earphones sa aking tenga. Maya-maya'y nakaramdam na ako ng antok at nag slouch ako para matulog. Naramdaman ko na lang na kinumutan ako ni Bret at may kung anong malambot na dumapo sa noo ko pero di ko na pinansin.

Hanggang sa tuluyan na kong binalot ng dilim.

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon