II - That's Him?

147 6 0
                                    

Maaga akong gumising para makabawi kay Grew. Hindi ko kasi kayang nagtatampo ito sakin kaya lahat gagawin ko para maging maayos na kami. 7AM pa ang pasok namin sa opisina pero gumising ako ng 5AM para magluto ng breakfast. Hindi ko na din ginising si Nanay Badet dahil gusto ko kasi ako lang ang magluto ngayon. Maya't-maya akong napapahiyaw sa sakit dahil sa talsik ng mantika. Hindi naman kasi ako sanay magluto, kahit magprito di ko alam kung paano. Nasa kasagsagan ako ng paghiyaw este pagluluto nang makita ko si Nanay Det sa pinto ng dirty kitchen na may hawak na walis tambo na parang manghahampas.

"Jusmiyo Ferge ikaw lang pala yan. Akala ko may nakapasok ng masamang loob!" Ngitian ko lang ito at bumalik ako sa pagluluto.

"Ano ba yang ginagawa mo bata ka. Bakit hindi mo ko ginising?" Sabi niya habang tinitignan ako habang nagluluto ng fried rice.

"Eh kasi Nay si Grew, galit sakin gusto ko lang bumawi. Kaya heto nagluluto ako ng breakfast para sa kanya."

"Ano na naman bang kasing ginawa mo't nagtampo na naman sa iyo ang isang yon?"

"Basta Nay." Sabi ko na lang habang inaayos ang dining table.

Time check 5:40AM. Tinakpan ko muna ang mga niluto ko at umakyat para maligo.

Sakto 6:30 ang baba lagi ni kambal kaya bumababa na din ako. Sabay kaming lumabas ng aming mga kwarto at nagtagpo ang tingin namin pero blanko ang expression ng mukha nito. Nagtatampo pa din ang loko. Tsk!

Sinundan ko siya sa kitchen at nang buksan niya ang takip, nagulat siya dahil lahat ng favorite niyang pagkain for breakfast ay nakahain. Kita ko naman ang biglang pagsaya ng mukha nito. Napahagikgik na lang ako.

"Nay Badet ikaw nagluto nito? Bakit parang kakaiba itsura?" Pagtatakang tanong niya dito.

Hindi sumagot si Nanay Det at tumingin na lang ito sa akin na tila sinasabing.. "hindi ako ang nagluto niyan kundi ang kakambal mo. Ginawa niya yan para makabawi sa iyo." At mukhang nakuha ata nito ang pagtitig sakin ni Nanay Det at nagbago na naman ang hilatsa ng mukha nito.

"Sa office na lang ako magbbreakfast nay. Nawalan ako nang gana bigla." Sabi nito sabay tayo papalabas ng bahay pero kaagad ko itong nahawakan sa kamay at pinigilan ito.

"Kambal naman." Sabi ko kay Grew. Tinitigan lang ako nito sabay bitaw ng isang buntong hininga.

"Ano ba talagang gusto mo mangyari sa buhay mo Ferge? I don't know what to do to you anymore. Ang tigas ng ulo mo. Malaki ka na at dapat alam mo na ang mga responsibilidad na nakapataw sa mga balikat mo. Hindi lang ikaw ang magsu-suffer sa mga pwedeng mangyari pag pinabayaan mo ang trabaho mo. Please be responsible enough and do your work." Mahabang litanya nito sa akin.

"Promise. I will be good and No more playing around with girls." Sabi ko dito pero ang isang kamay ko ay naka crossfinger sa likod ko. Hindi ko ata kaya yun! Walang sex?
NO WAY IN HELL!

Sa tingin ko naman sa ngiting binigay sakin ni kambal ay ayos na kami. Mag-iingat na lang ako sa susunod para di na ako mahuli! XD

After office hours ay nagpasya akong mag unwind. Agad akong dumiretso sa bar na malapit lang dito.

"One Black Label please." Sabi ko sa bartender at ibinigay naman ito kaagad sa akin.

Nasa kasagsagan ako ng nang mapansin kong parang ilag ang lahat ng tao sa akin dito sa bar. Tila ba isa akong bagay na nabili na kaya't walang pwedeng humawak. Parang ganon yung feeling.

Almost 11PM na din kaya minabuti kong umuwi na dahil baka pagalitan na naman ako ni Grew.

Kinabukasan ay naging maayos ang trabaho ko. Sakto Friday naman kaya niyaya ko ang tropa na gumimik.

For Your Eyes OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon