Chapter 37

4.2K 128 9
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

(GEENE ROTH)

Namilog ang aking mga mata nang makita ko si Vladimir, nakatayo siya sa harap ng malaking capsule, sa loob niyon ay may isang babae na nakasuot ng puting bestida, tahimik lang ito na nakahimlay sa loob ng capsule.

Marahan sinara ang pintuan at napatuptop sa dibdib habang nakasandal doon. Bakit nandoon siya? Pero kitang-kita ko noon na inilibing ito!

Nagsimula na naman umalsa ang galit ko, hindi kay Salvia kundi kay Vladimir. How can he do this to me? I'd been loyal to him pero anong ginawa niya?Binalewala lang niya ako.

Nanginginig ang buong katawan ko at mariin kinagat ang mga labi dahil sa ginawa ko ay hindi ko namalayan na nasugatan na pala ako. I could even taste my own blood. Nanatili lang ako nakasandal sa pintuan at sa mga sandaling iyon ay napapitlag ako ng muntikan na akong matumba ng naramdaman ko na wala na akong masandigan. "You saw it...?"

Marahas na humarap ako kay Vladimir, blanko ang ekpresyon na nakatitig ang mga mata niya sa akin.

Umatras ako ng kunti palayo sa kanya, kung noon ay gustong-gusto ko na lumapit sa kanya ay ngayon ay parang may nag-udyok sa akin na umalis sa naturang lugar. Napansin ko kasi na ibang-iba kasi ang aura ni Vlad kesa noon.

Napalunok ako nang isang beses at naglakas loob na magtapat.

"I don't get it, bakit nandito ang katawan ni Salvia, Vlad? Hangang ngayon ba ang may gusto ka parin sa babaeng iyan?! Argh!" Tili ko nang sinakmal niya ako. Mangiyak-ngiyak ako habang pilit na alisin ang kamay niya sa pamilipit sa leeg ko. "Vl—" Napasadsad ako sa sahig nang sa wakas ay agad niya akong binitiwan.

"Huwag na huwag mong sasabihin ito kanino man." Iyon lang ang sinabi niya bago bumalik sa loob ng lab habang ako ay naiwan luhaan.

(DOLL)

Sukat na sabihin ni Leisi iyon sa akin ay tumayo ako ng tuwid at tinitigan siya. "Hindi ko magagawa iyon, Leisi."

Naningkit ang mata ni Leisi na ginantihan ako nang tingin. 'Ayaw mo ba sa suhestyon ko, Doll? Bakit?'

"Malaki ang utang na loob ko sa'yo, Leisi, at binigyan mo ako ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito subalit nabubuhay lang ako sa isang layunin at iyon ay protektahan si Savannah. Kahit na lumayo ako dito ay ano naman ang gagawin ko dito? Wala. Tanging nagbibigay lang ng saya ko ay masigurong ligtas siya lalo na't ikaw. Bakit ba ngayon mo lang naisipan na gawin ito, Leisi? Kung pinili mo si Demetria ay sana...sana ay ngayon ay buhay ka na."

'Dahil hindi pa naman iyon takdang panahon para mabuhay ako sa panahon ito, Doll. Lahat ng nangyari dito ay nakaayon sa kanilang kapalaran. Wala akong magagawa doon. Hindi pwedeng pilitin ng isang tao na ibahin ang kanilang kapalaran kagaya ko noon...' Dumilim iyong mukha niya ngunit dahil sa sobrang bilis niyon ay hindi ko maisip kong namalikmata ba ako o hindi sa nakita. Medyo nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Hindi naman kasi palakwento itong si Leisi at kahit na subukan kong mag-usisa ay iniiba niya ang kwento.

"Ibig sabihin, iyong pagkawala ng libro nang human modification?"

'My, naging mausisa ka na ngayon, Doll, pero sasagutin ko parin iyan. Oo at alam ko din na gagamitin iyon sa kasamaan. Afterall, that book is...Teehee!' She giggle as she vanish into thin air, leaving me dumbfounded.

Hindi man lang niya tinuloy iyon!

Napakamot ako sa buhok saka bumalik uli sa ospital. Hindi talaga ako mapakali kapag pabayaan ko na lang ang dalawang iyon.

(SAVANNAH BLACKSHIRE)

"Welcome back!" Masayang bati nang kambal sa amin. Nginitian ko silang dalawa at yumuko para kintalan ng halik ang kambal. Sabay na humagikgik sila, ganun pa man ay hindi iyon nakatulong para maibsan ang inis ko para kay Blake. Mula nang magising siya ay pinilit ko siyang umuwi na kami. Wala naman sigurong masama gumamit siya ng teleportation para makauwi di ba? Hindi naman siya mabibinat o kung ano pa man.

Crimson Night (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon