Chapter 14

11.4K 214 6
                                    

Blaze's POV

Two weeks na ang nakalipas mula ng mangyari ang lahat. I tried to control myself na lapitan si Rian pero hindi ko nagawa. Kaya ayun, two weeks na rin ang running-and-chasing na set-up namin. Magaling syang umiwas sakin. Hindi ko sya matyempuhan na lumabas ng school. Palagi syang sumasabay sa maraming tao kapag naglalakad at bago pa ako makatingin sa kanya, agad na syang nawawala.

Kaya iniba ko ang style ko ngayon. Hinayaan ko na sya. Pero susundan ko sya hanggang sa makauwi sya. Hindi para kulitin na makipag-usap kundi para siguraduhin na safe sya.

At ayun nga, hindi pa sya nakakarating sa bahay, may humarang na black sedan sa daraanan nya. I know Rian do karate well. But not this time. Baka hindi nya kayanin na kalabanin ngayon ang humarang sa kanya. Medyo nagmenor ako para hindi mahalata ng sakay ng black sedan na sinusundan ko sya.

Maya-maya pa ay bumaba ang isang lalaking hindi makilala ang mukha dahil sa suot na baseball cap. Pilit nitong pinalabas ng kotse si Rian.

Now, I know what to do.

Rian's POV

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Eto na ba ang sinasabi ni daddy na panganib? Anong gagawin ko?

"Baba dyan!" pero dahil nga sa takot, hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung saan na napunta ang skills ko sa karate.

"Sinabi ng baba e!" galit na sigaw ulit ng lalaki. Napatingin ako sa side mirror. May nakita akong sasakyan na medyo mabagal ang andar. Teka, kotse ni Blaze yun a. Bahala na nga.

Nanginginig man ang mga tuhod ko, bumaba pa rin ako ng sasakyan. Nakita kong ngumisi na parang gutom na leon ang lalaki..

Maya-maya pa ay nakita kong bumilis ang andar ng kotse ni Blaze at agad na bumukas ang pinto ng kotse nya sa passenger seat habang umaandar.

"Rian, sakay!" hindi ko alam kung paano ko nagawa yun pero naramdaman ko na lang ang sakit ng bumagsak ang katawan ko sa upuan ng sasakyan. Agad kong sinara ang pinto at pinatakbo naman ng mabilis ni Blaze ang kotse nya. Narinig ko pa ang putok ng baril na hindi ko alam kung saan tumama.

Nanginginig pa rin ako. Pero mas mahirap ang sitwasyon ko ngayon na nandito ako sa loob ng kotse ng taong pinakaayaw kong makita sa panahong ito. At ang masama pa, niligtas nya pa ako.

"B-blaze.." i wanna thank him. Kahit na naguguluhan ako kung anong ginagawa nya sa lugar na yun

"Don't try to talk. Magpahinga ka muna dyan." sabi nya at pinagpatuloy na ang pagda-drive

Belle's POV

I'm on my way to Tagaytay Fontaine Villas. I used to live there before bago ako lumipat sa condo.

Hindi muna sana ako uuwi dito pero kailangan kong kunin ang canvas na naiwan ko sa dati kong kwarto.

Ms. Prim and Mr. Improper™(COMPLETED)Where stories live. Discover now