Chapter 10

12.5K 273 5
                                    

Rian's POV

It's a bright morning. Hindi bagay sa upset kong aura ngayong araw. I was expecting na makikita ko sila mommy sa dining ngayong umaga pero katulad ng parating set-up, wala sila. I asked nanay lisa about it, and she told me na umalis din daw sila kaninang madaling araw dahil my urgent meeting. What else do I expect from them? Our business is more important than me.

Nagprepare na ako papunta sa school. Kahit papaano, gumaan naman ang pakiramdam ko ng maalala ko ang weekend getaway namin ni Blaze kahapon. He's such a gentleman. Hindi ko naramdaman ang pagkainip kahapon habang nasa kung saang lupalop kami ng Pilipinas.

I was on my way to school. Sumasabay pa ako sa kanta sa loob ng kotse ko. Kahit papano, nakakawala rin naman ng stress ang pagkanta. Banayad lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan. Hindi tulad ng dati na para akong nakikipagkarera.

Pero sa may nakita akong kotse sa likuran ko na sobrang bilis ng pagpapatakbo. At bago pa ako nakapag-isip, humaging na sya sa may sasakyan ko na kung hindi ko bahagyang nailiko ay malamang na tumalsik na ako. Tumigil muna ako sa pagda-drive habang hingal pa rin at hindi makahuma sa nangyari.

Balak ata ako patayin nun a. Pero sino naman ang gagawa nun? Wala naman akong kaaway.

Nang medyo makarecover ay pinatakbo ko na ulit ang sasakyan. Gusto kong makausap si Blaze. Maybe you're wondering kung bakit sya ang hahanapin ko. Well, he has this effect on me that i couldn't resist. At binabawi ko na ang sinabi ko dati na hindi ko sya type. I like him now dahil mas nakilala ko na sya. And he's kinda special to me.

I parked my car at the parking area and I walked inside the campus. My eyes searched Blaze. And there! I saw him under the mango tree near the Aviation Building.

Kissing?!

What the-----?

No! That can't be!

And before I knew it, parang may biglang tumusok sa dibdib ko and tears started to fall. I ran through the rest room at doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko.

Then I realized, I'm in love with him. I'm in love with Blaze. I'm in love with the ultimate playboy and casanova of this school. And once, again, naiwan na naman akong luhaan at nag-iisa sa gitna ng sakit na to.

Kakalabas ko lang sa cubicle when my phone rang. It was Belle.

"Hello.." I tried to hide my husky voice pero mukhang nahalata nya pa rin

"Tell me the truth, you're crying?" walang paligoy ligoy na tanong nya

"How'd you know?" may kapangyarihan ba to?

"I saw you earlier. Where are you? Pupuntahan kita." narealized ko na hindi pa naman pala ako nag-iisa. I still have Belle.

"Thanks, Belle but I'm okay now. I'll see you later instead." matapos kong magbigay ng assurance, i ended the call and start fixing myself.

Ms. Prim and Mr. Improper™(COMPLETED)Where stories live. Discover now