Prologue

29.2K 361 10
                                    

Kwarto. School. River Bank. Garage.

Dun nyo ako madalas makikita. What do you expect for a loner like me?

Well, favorite spot ko sa bahay ang kwarto ko. Kapag nasa bahay ako, dun ko inuubos ang oras ko maghapon. Bakit? Sabi nga ni Big Brother, malalaman nyo sa takdang panahon. 

School. I'm a nerdy-like. But not so nerd katulad ng iniisip nyo. I still got styles naman kahit papano. 

River Bank. Kapag wala ako sa kwarto kapag weekend, pwede nyo akong hanapin sa river bank sa likod na bahay namin across the forest. Yep. Medyo kagubatan ang likod ng bahay namin. At mga 100 hakbang makikita nyo ang ilog. Dun ako madalas tumambay habang hawak ang sketch pad. 

Garage. I got fascinated by luxury cars at hindi nagtagal ay naging hobby ko na ang mangulekta ng ibat ibang model ng sasakyan. I got 15 luxury cars and 1 red Ducati 848 motorbike in my very own garage. If you want to see it, feel free to visit my kingdom.

Libro. Laptop. Cellphone. Sketch pad. Business. Coffee.

Yan ang mga bagay na madalas kong kasama at pagkaabalahan sa araw-araw.

Book. I'm a book worm. At hilig ko talaga tuklasin ang bagay bagay. Ewan ko. Pinanganak na yata akong curious. I love school at gustong gusto ko ang mag-aral. 

Laptop. The most reliable device for me. Dito umiikot ang mundo at buhay ko. 

Cellphone. For emergency purposes only. Kapag tiningnan nyo ang phone book ko, wag kayong magtataka kung bakit dalawang contacts lang ang naka-save dun. My mom and dad's contact (na napilitan pa akong ilagay). 

Sketch pad. My best-friend. Dyan ko binubuhos lahat ng emotion ko. Sa pagdo-drawing. 

Business. Kung may most reliable at best-friend ako, ito naman ang passion ko sa buhay. Ang negosyo kong clothing line. On line business for the shopaholics out there. 

Coffee. My forever pet dog. Isa syang toy poodle na binili ko last year sa isang pet shop na nakita ko sa Global City.

I'm sure you're thinking that I'm one of the weirdest people in the whole world. Yeah. Maybe I am. But you can't blame me. No one can.

I know many girls on the same age like me will automatically grab the chance to be in my position. Well, who else doesn't want to?

I'm rich. No. Let me rephrase that. My family is rich. Not just rich. Isa kami sa kinikilalang pinakamayaman sa mundo. I'm smart. I go to one of the prestigious schools here in the Philippines. I got a palace-like house. A lot of cars in my garage. A princess-like room. I can get anything I want in just a snap of my finger.

Should I be happy?

I should, right?

And in the age of 18, I can say that I'm a successful young woman already. With my business running smoothly and a life like this is like heaven.... to others. But not me. Oo, nasasabi ng marami na nasa akin na ang lahat. Pero hindi nila ako kilala. No one knows me well. Not even my mom, my dad, my nanny o kung sino man. Akala kasi ng marami, porque mayaman kami, ok na ang lahat. Pero isang malaking mali iyon. I got everything. Yes. THING. Mga bagay lang na lahat nabibili ng pera. Wala akong pakialam dun. Pero bakit kung ano pa ang mas kailangan ko, yun ang hindi ko makuha?

Pamilya. Masaya at kumpletong pamilya.

Totoong kaibigan.

At pure happiness.

Yan ang mga bagay na wala ako. Hindi mabibili ng pera kahit na gaano kami kayaman. I have a family. But not the normal one. Hindi kami masaya. Hindi kami nagkikita. At wala kaming oras sa isat isa. Ay mali. Sila ang walang oras sakin. Palaging nasa out-of-the-country meeting ang parents ko. Once in a blue moon lang sila kung umuwi dito sa Pilipinas at kung nasa bansa naman sila, hindi sila dito sa bahay tumitira. Sa isang bahay namin sa Manila. Kung uuwi man sila dito sa Tagaytay, hindi para kumustahin ako kundi para kumuha lang ng mga gamit na kailangan sa negosyo.

Parang hindi kami magkakakilala sa isang bahay. They just deposit my allowance in my savings account every 15th and 30th of the month. Parang sweldo lang no? Sa 18 years kong nabubuhay sa mundo, ni hindi sila nag-aksaya ng panahon sa kin. Kahit bday ko o christmas day. Mga katulong lang sa bahay ang parati kong kasama. At least sila, kahit hindi ko kadugo, mas pinipili mag-stay kasama ko sa importanteng araw na yun.

In my childhood days, nagkaroon naman ako ng kaibigan. Masaya kasi may makakasama ka at makakausap maliban sa mga katulong sa bahay. Pero lahat ng yun, nawala rin ng parang bula ng malaman kong, kinaibigan lang pala nila ako para lang makilala rin sila sa society. How pathetic! Manggagamit na lang, nagpahuli pa sakin. Kaya mula nun, aloof na ako sa tao. Hirap ako magtiwala at ayoko na makipagkaibigan. Mukhang wala rin naman may gustong maging kaibigan ako.

I also had a boyfriend before. Pero katulad ng fake kong kaibigan, ginamit nya lang din ako para sa negosyo ng pamilya nila. What a pathetic me! Pinanganak ba ako sa mundong to para lang gamitin ng kung sino sino?

Ok na rin siguro yun.

Less attachment.

Less love.

Less pain.

Less regret.

Kaya hindi nyo ako masisisi kung bakit ako ganito. Lahat may dahilan.

Ooopss.. Forgive my manners. Kanina pa ako nagkukwento sa inyo, hindi pa nga pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Abrianna Beatrix Monteverde. Sabi ni yaya dati, noble and happiness daw ang ibig sabihin nun. Funny. Happiness? Wala nga ako nun kahit .1% e. Rian ang tawag sakin sa bahay, ng media people at kung sino sino pa. But you can call me anything you want. I dont really mind.

----------------------

Chapter 1 coming up!!!

Enjoy reading.

 -- Cassandra210

Ms. Prim and Mr. Improper™(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon