"Lasing ka na naman Marcelo! Kailan ka ba hihinto sa pag-inom? Halos araw-araw nalang ba?" Tila ba nawalan na ng buhay at pag-asa ang binata, magmula ng mawala ang kanyang kasintahan.
Para bang huminto ang oras para kay Marcelo, tumigil ito noong oras na malagutan ng hininga ang kasintahan sa mismong harapan niya.
"Kasalanan ko lahat, ako ang may sala kung bakit wala na si Sebastian!" Nag uunahang tumulo ang mga luha sa mga mata niyang walang kabuhay-buhay.
Niyakap siya ng kanyang ina, labis rin itong nasasaktan na makitang nagkakaganito ang kanyang anak. "Mama, kasalanan ko, wala na si Sebastian, wala na siya, paano na ako?"
"Anak, minsan may mga bagay na hindi talaga para sa atin, marahil ay naka tadhanang hindi kayo magkatuluyan, lalaki kayo pareho, alam mong hindi tanggap ang pagmamahalan niyo." Tanging pag tangis lamang ang tugon ni Marcelo sa sinambit ng ina.
Iniisip ni Marcelo kung darating ba ang panahon na matatanggap ng mga tao ang pagmamahalan nila, matatanggap ng lipunan ang relasyon ng mga katulad nilang kapwa lalaki rin o babae ang gustong makasama nila sa habang buhay.
Naglakad patungo sa labas ang binatang halos wala na sa kanyang sarili dahil sa labis na kalasingan, paroroon siya sa may bakuran, walang tigil ito sa pagtangis para sa kasintahang namayapa na.
Isang pigura ng tao ang naaninag ng kanyang mga mata, at narinig niya ang boses ng isang matandang babae. "Nais mo ba siyang muling makita?" Hindi maaninag ni Marcelo ang taong nasa harapan niya, malabo ang kanyang paningin dahil na rin sa dami ng alak na kanyang nainom.
"Tutulungan mo ba akong buhayin siya?" Tanong ng binata a misteryosong matanda sa kanyang harapan.
"Wala akong kakayahang bumuhay ng mga taong namayapa na, subalit ika'y aking tutulungan upang muli siyang makasama, narito ang bagay na makakatulong sa iyo, kuhanin mo. Nawa'y maituloy niyo ang naudlot niyong pagmamahalan." Biglang naglaho ang matandang kausap niya, akala niya ay talagang wala lang siya sa katinuan at nakakakita siya ng mga bagay bagay dahil sa labis na kalasingan, ngunit may iniwan itong gintong orasan sa kanyang mga palad, labis ang pagtataka ng binata dahil paano naman makakatulong ang bagay na ito para makita niyang muli ang kanyang minamahal?
Napatingin si Marcelo sa kalangitan, magt-takipsilim na, hindi niya sadyang mapindot ang orasan, sa hindi malamang dahilan tila ba kusang gumalaw ang kamay niya, maya maya pa pag lubog ng araw kasabay nito ang biglang pagliwanag na para bang nilamon siya nito ng buo, nang imulat niya ang kanyang mga mata, ay wala na siya sa kinagisnan niyang mundo—
Ang binata ay napadpad sa kasalukuyang panahon, kung saan tanggap na nga ba ng lipunan ang mga katulad niya?
Disclaimer:
Ang mga nakasulat dito ay galing lamang sa imahinasyon ng may akda anumang pagkakahalintulad ng sa pangalan ng tao buhay man o patay, lugar, negosyo at pangyayari ay nagkataon lamang. Ito ay pawang gawa gawa lang ng sumulat ng akdang ito.
Main Characters:
Lee Minho as Marcelo Andrada
Kim Seungmin as Sebastian / Aeron Sandoval
Supporting Characters:
Lee Felix as Felix Andrada
Seo Changbin as Chandler / Thiago Cortes
Bang Chan as Juancho Estrella
Yang Jeongin as Lucas Martinez
Han Jisung as Dalton Sandoval
YOU ARE READING
Takipsilim - 2min
FanfictionPaano kung hindi napunta si Lorenzo (hyunjin) sa kasalukuyang panahon, bagkus ito ay ang kanyang matalik na kaibigang si Marcelo? (leeknow) Dito nakilala niya ang lalaking kamukhang kamukha ng dati niyang kasintahang si Sebastian (seungmin) sa katau...
