3

7 0 0
                                    

Possesive siya masyado marami siyang ayaw at gusto na dapat susundin mo.

Marami akong.sinakripisyo para sa kanya. Ultimo yung pinaka malapit na mga kaibigan ko nilayuan ko wag niya lang pagselosan. Ganun ko siya inintindi kasi alam kong mahal niya ako.

Naging smooth ang daloy ng relasyon namen. Ang akala ko nga okay na eh..

Pero hindi pala, pinagkatiwalaan ko siya inulit nanaman niya.

Ang sakit sakit sobra halos gabi gabi akong umiiyak ng dahil sa kanya.

Bagong babae nanaman. Sabi ko nga naglolokohan na lang ba kami?Magtitiwala ako tapos ano?Lolokohin nanaman ba ako?

Kaya nag desisyon ako na hiwalayan siya at manahimik.

Isang buwan ang lumipas nalalaman ko sa mga kaibigan at pamilya niya na kinakamusta niya ko at iniistalk niya ko sa facebook para malaman kung may iba na ba ako.

Alam niya kung gaano ako nasaktan kaya alam kong pinagdudusahan niya.

May tuwa akong naramdaman ng malaman ko mula sa kapatid niya na mahal niya pa rin ako na kaibigan niya lang daw yun at walang namamagitan.

Hindi ko alam kung paano pa ba ako magtitiwala pero mahal ko siya.

Napagdesisyunan namen na mag usap ng maayos at gusto ko na sa bibig niya manggaling yung katotohanan.

Ang tagal din nameng di nagkita at nang makita ko siya gusto ko siyang yakapin sobrang miss ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin yun.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako naluluha siya sa harapan ko dahil gusto niyang ibalik ako sa buhay niya.

Pinagpaliwanag ko siya at naliwanagan ako. Kitang kita ko kung gaano niya talaga ako kamahal kaya naman pinatawad ko siya.

Alam ko kasing hindi na ko magmamahal ng iba at siya lang wala ng iba.

~~~


Dedicated to my Fav. Author of all FG you really amazed in so many ways po :D Thank you so much :)

What about loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon