Ng makarating na ako don agad akong nagtanong kung san ang office ni Den. Sinabi naman nila , syempre ako pa . Madaming kaekekan ang gagawin bago ka papuntahin sa office kaya nagpanggap ako na pinsan niya. Haha Pinsan?! XD whatta Alibi? Haha

Nakita ko na siya, may kasamang lalake sa loob ng office, ay di pala lalake, jombading pala. Haha

Denn! - sabi ko nung pagkabukas ko ng pinto .. napatingin naman siya
End of FlashBack.

Denn! .. - sabi ko,.. tinignan naman nya'ko

Ly? - sabi nya sakin at nakakunot ang noo.

Sorry Den.. Di ako nakapagtext sayo pinatawag kasi ako ni Kuya sa office niya .. Tapos nawalan naman ako ng load kaya di ako nakapagtext. . - sabi ko

Di naman siya kumibo kaya tuluyan na akong lumapit sakanya .

Den, flowers for you. Sorry talaga. Di ako nakapag paalam. Di na mauulit. - sabi ko habang hawak ko ang kamay niya.

Girlalu!? Humihingi na ng sorry si Valdez oh? Tama nga yung say mo igop siya . Yieeee! - sabi nung kasama niya na parang iniihan ng pusa. Sa kilig -_-

Kung ayaw mo. Akin nalang siya.Haha Ang hot mygawwwd! - sabi pa niya habang hawak hawak yung dibdib ko tapos nakakapit sa kamay ko. Pakshet na bakla ito . ●﹏●

Hoy! Rex Intal! Lumabas labas ka nga sa office ko. Nakakirita ka! - sabi ni Den in serious talaga. Bumitaw naman siya sakin agad agad.

"Lagot ka. Haha May period pa yan ngayon .. " bulong ko sakanya at inismirkan

Osige. Den. L-labas na ako. - sabi niya at lumabas na nga yung bading/damulag. ()_()

Naiwan naman kami ni Den na tahimik. Inakap ko naman siya at sumusubsob ako sa balikat niya.

"Den.. sorry na.. May pinuntahan lang talaga ako . " bulong ko sakanya. Tumayo naman siya kaya napabitaw na rin ako sa pagkakayakap.

Fine. Sa susunod. Magpapaalam ka. - sabi niya at humiga sa sofa niya.

Opo. - sabi ko sakanya at kiniss sa forehead.

Masakit pa ba yung loins mo? - tanong ko sakanya. Tumango naman siya,..

Hmm. Sige pahinga ka muna. Ako muna magbabantay ng office mo. - sabi ko sakanya. Nakita ko naman na nakapikit siya kaya ako umupo naman sana may table niya at nagbantay.

Habang nagbabantay, naisip ko naman yung future ko kasama si Den syempre. Naisip ko paano kaya pag kami talaga ang nagkatuluyan? Magkaroon ng sariling pamilya? Mga anak? Masarap siguro mga 2 anak lang tapos lalake at babae. Nakss. :)

Sarap siguro sa feeling! Syempre yung naiisip mo yung future mo tas biglang magkakatotoo pala. Di naman imposible diba? Hahaha

Napapangiti nalang ako sa mga naiisip ko. Syeet..

Hoy! Mr. Valdez! Para kang baliw dyan Ngingiti ngiti. Where's my LandLord? May naghahanap sakanya. - Sabi ni Rex Bakla. Nakakagulat naman ito. Bigwasan ko kaya baka sakaling bumalik sa pagkalalake. ●﹏●

Hmm. Nagpapahinga siya. Sino ba yung naghahanap? - tanong ko

Nick pangalan eh. - sabi niya. Nick? As in Nicole Tiamzon?

Sige. Papasukin mo dito. - sabi ko. Tinawag naman niya ito. Ilang saglit lang ay dumating na rin..

Nick?!/Alyssa? - parehas naming sabi. Si Nicole Tiamzon nga ..
Bakit ko kakilala? Classmate ko siya sa States non . Tapos sabi niya, nung tapos na kami. sa Baguio muna daw siya. Kaya nung umuwi kami dito sa Pilipinas 1 yr na siya sa Baguio. Gets?? Dude ko rin yan

Oh bakit naparito ka? Kamusta? - tanong ko. Actually transgender din yan eh, nauna lang siya.

Ok lang naman. Ikaw? May lovelife na ba? - sabi nya na nakangiti.

Actually, nililigawan. Haha - sabi ko

Who's that girl? - sabi niya na di pa rin naaalis ang ngiti

Si Den. Dennise Lazaro - sabi ko. Bigla naman nag iba ang aura niya.

Den? Si Dennise Lazaro talaga? - sabi niya di makapaniwala.

Oo. Alam mo, siya pala yung babaeng nasa panaginip ko. Babaeng minamahal ko ng diko alam. Siya pala yun. Kaya gusto ko ulit maging kami. Dahil mahal ko. Swerte nga mutual pa. - sabi ko

Ahh. Haha ganon ba? Congrats Tol, naalala mo na. Eh nasan naman siya? - tanong niya

Hmm . Nagpapahinga eh. May red tide. - sabi ko

Sige .. Sa susunod nalang. May itatanong sana ako eh. -sabi niya at akmang aalis.

Hmm. Ano ba yon? Sasabihin ko nalang sakanya. - alok ko sakanya pero tumanggi siya

Di na. Haha Sige Bro! Una na ako. - sabi niya at umalis na.

Nakakapagtaka naman yun. Bigla nalang nagiba yung aura nung sinabi kong nililigawan si Den. At gulat na gulat pa ah. Shett. Bahala na nga..
Tinignan ko si Den ..

"Hinding hindi na kita papakawalan ngayon. Di na kita hahayaang maagaw ng iba. Ipaglalaban kita kahit buhay ko man ang nakataya. Basta eto lang masasabi ko. Mahal na mahal kita ".. sabi ko
███
Goodafternoon :) Late na naman. Sorry..

Ano nga ba nangyayari kay A tska kay D? Bakit parang wala silang kibuan na nagaganap? Tsk. Wag naman sana. T.T

A/n:
Ano nga ba ang role ni Nick sa buhay ni Aly at Den? Isa ba siya sa gugulo o mag aayos ng nakaraan nilang dalawa?

ABANGAN,..

I'll be the OneWhere stories live. Discover now