Chapter 61

3.6K 62 1
                                    

Den's Pov
Nakakatawa talaga si Raven. Wala masaya lang syang kasama. Parang feel ko gusto ko sya laging makasama. About kay Aly? Ayon, Cold kami. Di ko alam, simula nung nangyari ang aksidente ni Kuya Alfred, ayon parang tinabangan ako. Ewan ko di ko maipaliwanag ang dahilan. Basta nung time na yun biglang dumating si Raven,

Flashback..
Nandito ako sa Starbucks magisa , trip ko lang. Namimiss ko na kasi si Aly. Nakakainggit yung mga ibang couple. Habang nakadukdok ako may naramdaman ako na umupo sa harap ko.

Miss? Are you ok? -pagtatanong nya.
Tumingala naman ako, at tinignan sya.

Ahmm.. Yeah I'm ok - sagot ko.

Are you sure? - Tanong nya ulit. Ang kulet lang neto nakaroyal yata. Badtrip na nga babadtripin ka pa -_-

Oo nga. Ok lang ako. - sabay dukdok ko ulit. Hay aly aly .. Miss na kita *sigh*

I'm Raven Gonzales. You what's your name? - Sabi nya. Woaa. Nakuha pang magpakilala ah? Tskk

And I'm Dennise Michelle Lazaro, Denden for short. - sabi ko. Tsk pero infairness macho pala sya ah. Pogi pa. Haha :3 hay nako Den taken ka na! -_-
.
Pwede ba tayong maglibot? Mukhang badtrip ka kasi eh? - pagyaya nya. Wooooa! Pigilan mo'ko pigilan mo'ko! Nagulat naman ako sa sinabi nya. Ano sasama hindi sasama? Sama nalang wala naman akong gagawin eh.

Hmm. Sige - sabi ko.
Lumabas na kami ng starbucks.
And nganga hang ganda ng lamborghini shet! Nakakainlove.

Dineretso nya yung kotse papunta sa mall. Ayos na rin 'to.

So kumain ka na ba? - tanong nya.

B-busog pa ako eh. Yaan mo na. - pagtatanggi ko.

Are you sure? - tanong nya ulit.
Apaka kulit -_-

Yeah. - sabi ko nalang..

Ayon, masaya naman pala kasama. Joker din. Naglaro kami sa Timezone. Galing magbasketball don ah. Nganga ako. Tska pagkatapos humabol kaming kumain ng merienda at hinatid na nya ako.

See you next time, Den *wink* - Sabi nya.

Sige. Thanks :) - Sagot ko naman at umalis na nga sya.
END OF FLASHBACK..

Tapos nagtuloy tuloy ang pagkikita namin ni Raven, hanggang si Aly naman nasa Batangas. Wala lang parang naghanap ako ng kasiyahan habang wala si Aly. Pero di ko ibig sabihin na pinagpalit ko si Aly. :3 Ewan ko ba. Wala ng sparks sa pagmamahalan namin ni Aly.

Nasa cafeteria ako ngayon. Sabi kasi ni Raven pumunta na daw akong mauna dahil malalate sya ng ilang minuto. Kaya naghihintay ako. Naghihintay ng text.. nya..

One message received.

From: Aly
Babe? Nasan ka? Sabay tayong kumain. :)

Akala ko pa naman text ni Raven Text pala ni Aly. Pagkatingin ko non pinatay ko na ulit yung phone ko.

Lumipas pa ilang minuto at dumating na sa Raven hanep ah ang tagal.

Den, sorry n-nalate ako - hingal na sabi nya.

Ok lang :) pahinga kana ako nalang ang o-order. :) - Sabi ko naman.

A-ako nalang .. k-kaya ko - Pagpipilit nya

Hindi ako nalang. Magpahinga ka nalang dyan - pagpipilit ko naman.

Di naman na sya nakakibo kaya ako nalang ang umorder.
Pumunta ako sa counter at nag order ng madalas namin kainin in short, favorite namin..
Pagkatapos kong umorder, pumunta na ako sa table namin at kumain na.

Sorry talaga huh? May ginawa lang kasi ako eh - Raven. Ang sweet nya. Hihihi kahit walang kasweet sweet sa sinabi nya. Sa way ng pagsasalita nya.

Ok lang . Maliit na bagay Haha - sagot ko naman.

So how's the day? - pagbungad nya ng topic..

Ok lang. Nakakapagod. - sagot ko naman.

Ah.. Pagkauwi mo sa hapon magpahinga ka agad ha. Makakasama sayo yung sobrang pagod. - sabi nya.

Di naman na ako nakakibo, tumango nalang ako at pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain.

Kwento lang sya ng kwento, di naman nakakasawa yung pagkwekwento nya . Dahil ang sarap pakinggan ng boses nya. Yieeee <3

So paano? Pasok ka na. Baka malate ka oh? - Sabi nya.

Hmm.. Oo nga.. Haha sige - sagot ko.
Tumayo naman sya at kiniss nya ako sa cheeks.. ako naman. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha, ramdam ko na namumula ako..

Ingat ka huh? Sorry di kita maihahatid ngayon rush eh. :) - Raven. wag kang magalala ako na magbabayad. -dugtong pa nya.

Tumango nalang ako at nagayos na ako.

One message received..

From: Aly
Siguro busy ka? Busy kay Raven na nasa cafeteria. Ako nalang kakain magisa .

Text nya sakin. Lumingon ako sa daan at nakita ko ang pagharurot ng isang sasakyan. Patakbo akong lumabas ng cafeteria at nakita ko ang sasakyan ni Aly.

"Sya nga yon" bulong ko sa sarili.
Bigla naman nagiba mood ko, may part na nasasaktan ako kasi diko sya sinamahan may part din sakin na ok lang yan. Ang gulo!

Den?! There's something wrong? - Sabi nya mula sa likod ko.

W-wala. Sige mauna na ako ha. Bye. Thanks! - sabi ko at patakbo na akong umalis ..

Nasa gate na ako ng Ateneo, binuksan ko ang phone ko dahil kanina ang may mga unread message.

From: Aly
Babe nasan ka ba? Sabi ni Besh Ella, umalis ka daw agad.

Received by: 12:23pm

From Aly:
Babe? Reply ka naman.

Received by: 12:45pm

From BeshElla:
Besh, hinahanap ka ni Aly nasan kaba? Sabay daw kayong maglunch.

Received by: 12:30pm

From Aly:
Babe? :((

Received by: 12:52pm

Mga basa ko sa text. Nagalala ako kay Aly na di ko mawari. Ang gulo ng damdamin ko. >_<

Nandito na ako sa room. Muntik pang malate. Nakita ko si Ella na nakakunot ang noo. Tumabi nalang ako sakanya ng walang kibuan.

Besh? San ka ba galing huh? Hinahanap ka ni Aly. Magkasabay ba kayong kumain? - bungad nya agad sakin.
Umiling nalang ako sakanya means na hindi kami magkasabay kumain.

Ano?! Bakit hindi?! Kanina kapa hinahanap non! - sigaw nya bigla. Bigla naman akong nagising sa katotohanan. Iniisip ko si Aly baka kung ano mangyari don.

Bigla ko naman syang inupo agad. Scene maker. Tsk -_-

Besh?! - sabi ko

Miss De Jesus? There's something wrong between you and Lazaro? - Prof.

W-wala po.. - sabi ko..
Besh mamaya nalang.. Ok? - sabi ko naman kay Ella.

Nakita ko yung mukha nya na di mawari, kahit pinakamagaling ng pintor sa buong mundo hindi kayang ipinta mukha nya.

Ok? Let's start the class. - Prof.

Nagsimula na nga yung klase. Isinantabi ko muna yung pagiisip ko kay Aly. Bahala na. Nakakasawa na.
██████
Goodmorning. Di ako nakapag UD kagabi, nakatulog eh. Sorry :)

I'll be the OneWhere stories live. Discover now