Chapter 93

5.4K 76 2
                                    

Aly's Pov
Umuwi kami kagabi, mga 11 na siguro yun. Don na rin ako natulog dahil di ko na rin kaya yung antok pero don ako sa sofa. Iniwasan ko talaga na wag matulog sa kwarto ni Den.

Nung nagising naman ako saktong tumawag si Kuya Allen, sinabi na may bisita nga daw ako sa office niya.

FlashBack.

Goodmorning Bunso, Punta ka ngayon sa office ko. Teka nasan kaba ngayon? - sabi niya.

Goodmorning din Kuya. Hmm. Dito sa Quezon, Subdivision. (kunyari may Subdivision don) - sabi ko

Ok sige. Papasundo kita kay Manong Ernie. Gumayak kana. May gustong kumausap sayo. - sabi ni Kuya Allen. Grabe ang aga aga usap agad? Tsk

S-sige Kuya . Gagayak lang ako.. - sabi ko at ibinaba ko na ..

Gumayak na nga ako . Mabilisan na rin. Nakita kong bumaba na rin sila Dzi at Gretch ..

Oh san lakad? - tanong ni Dzi

Hmm. Pinapatawag po kasi ako ni Kuya Allen sa office nya eh. - sabi ko habang nag aayos ng buhok

Lumipas ang ilang minuto at may bumusina na sa labas.

Dzi Gretch alis na ako. Nandyan na po yung driver namin eh. Sige po mamaya nalang. - paalam ko at lumabas na.

Habang nasa daan kami, naalala ko na wala man lang akong iniwan na sulat kay Den. Baka maghanap yun??

Kinuha ko yung phone ko at nagtype ng sasabihin. Saktong isesend ko na saka nagtext yung 8888.

"Pakshet! Na cut pa unli ko.. " irita kong sabi.

Di rin naman ako makakapagpaload dahil tuloy tuloy si Manong Ernie. Nakakahiya tska, baka importante yung kakausap sakin kaya yun nalang muna pinili ko. Kakausapin ko nalang si Den.

Pumunta na ako sa office ni Kuya at may kausap siyang lalaki.

Kuya. - sabi ko . Lumingon naman silang dalawa. Ngumiti naman ako.

Bunso. Alika dito, umupo ka. - sabi niya. Umupo naman ako. Katapat ko yung kausap niya.
Nakita ko pang nagsesenyasan pa sila.

Ly, meet Rick Lazaro. Denden's Father. - sabi niya.
Tinignan ko naman yun . Oo parang natatandaan ko siya/familiar.

Kaya siya naparito dahil sakin. Sinabi ko ang nangyari about sayo. And may sasabihin din siya sayo. - sabi niya. Di naman ako kumikibo.

Hmm. Alyssa? Gusto kong humingi ng tawad dahil sa nasaktan ka ng anak ko non. Pero alam mo nung akala niya na namatay kana? Halos di siya kumakain , umiiyak palagi. Tulala. At umabot na rin sa punto na muntik na rin siyang magpakamatay.Kaya Ako na ang humihingi ng tawad sayo sa mga nagawa niya.. - saad niya.
Whatt? Muntik ng magpakamatay si Den?? Nabigla naman ako.

Hmm. G-ginawa ko lang po yun dahil mahal ko ang anak nyo. Ayoko po siyang masaktan kaya ako nalang po ang nagparaya. Di baleng ako nalang po ang laging nasasaktan kesa po siya. - sabi ko naman sakanya. Woo. Intense!

Salamat Ly. Sa kabila ng ginawa niya mahal mo pa rin siya. Pero eto lang ang di mo alam kung bakit niya ginawa yun sayo. - sabi niya. Ginawa sakin? Yung sumama siya sa lalaki si ano nga ba yun. Si Raven ba?? Nagtataka ako

A-ano po yun? - tanong ko sakanya

Kaya niya ginawa yun dahil sa hindi ka niya mahal. Ginawa niya yon dahil hindi raw niya maibibigay yung sinasabi mo na magkakapamilya kayo. Na isang pamilya. Mabubuhay ng normal. Dahil nga sa lagay niyo non. - sabi niya.

I'll be the OneWhere stories live. Discover now