56

581 61 77
                                    

#MNLYwp

welcome back 🐻‍❄️🤍 thank you for waiting! 🩷

• • •

56

IMESSAGE

Sainte >
July 23, 8:32 AM

Grabe traffic
Maiiyak na ako hahahaha
Nasa HDM ka na?
Delivered

Pasabi kina Basty sila na lang mag-asawa mag-breakfast
Tangina na-late ako gising hahahahaha
Delivered

9:02 AM

Later pa ako hahaha
Around 12 :)
Read

9:23 AM

HDM na ako hahahaha hanep na traffic yon
➥ | Around 12 :)
Bakit???
Agahan mo na hahaha ngayon pa lang kami mag-breakfast
Sabay ka na
Dali

I really can't hahahaha I'm in QC
Kayo na lang

Sus hahahaha
Read

Ano yan?
Bago na namang condo????

What? Hahahahaha
What will I do with another condo?

Aba malay HAHAHA
Collectibles mo yan e hahahaha

No, hahaha I'm in Julienne's.
Read

I can't stand up hahaha. Julienne's hugging me.
Baka magising ko.
Read

[ Typing... ]

Gago?
Hindi ka naman nagsasabi?????
Baliw ka talaga hahahahaha

Wag ka na nga sasabay ulit sa amin
HAHAHAHAHAHAHA

Ayaw ka pauwiin? Hahaha
Read

Huwag ka na umuwi HAHAHA
Wag ka na rin pumasok hahahahaha
Diya'n ka na muna
Na-miss ka niya'n
Read

Dito ba sa HDM mag-practice si Ginny?
Sana dito na para sama-sama na ulit tayo

I'll ask her later hahahahaha
I hope so, too. Basty will get sad kung sa iba si Ginn.

Sana dito na nga.
Para sabay na kayo uuwi at papasok hahahaha
Nang mauwian niyo naman 'yung ke laki-laki niyong bahay kapag weekends at walang trabaho
Read

Oh ano
Napag-usapan niyo na ba yun???

Not yet
I don't think Julienne's comfortable talking about it pa.
She'll keep on saying sorry. I don't want to mention the house again.
Read

Hindi niya naman kasalanan 'yun
Kailangan siya ni Tita Che sa NJ e
'Di ba 'yun dahilan ba't siya nagtagal doon?
Read

Huy hahahaha puro read 'to ano ba 'yan
Wala na nga akong kausap naglalandian 'yung mag-asawa sa harap ko hahahaha 😔
Wala pa pagkain namin 😃

I just remembered
I think Ginn wants to talk to the three of you one of these days.

Ha?
Tungkol saan?
Read

[ Typing... ]

Dahil ba ano
Hindi siya naka-attend ng wedding nina Khali?
Read

Ay nako 'tong si Ginny hahaha
Wala na yun 'ka mo
Naintindihan naman noong dalawa
Hindi naman nagalit sina Sebastienne

Ilang beses umiyak si Ginny noon 'di ba? Na hindi siya makakauwi noon
Tawag nang tawag kay Basty, sorry nang sorry

| Ilang beses umiyak si Ginny noon...
I didn't know
I haven't heard from her during those months

[ Typing... ]

But it's more than that
Really
Read

Subukan niyo lang maglapag ng separation papers sa harap namin
Ako unang magwawalk out sinasabi ko sayo hahahahaha

Kinakabahan ako ha hahahaha
Ano ba yun?
Mamaya paiyakin niyo pa ako HAHAHA
Read

I'll ask Ginn later when
But it's probably happening one of these days

O sige
One call away naman ako hahahaha
Basta kung ano man 'yun

Wala naman siyang kasalanan
Walang nagalit sa loob ng apat na taon
Jusko
Mahal na mahal natin 'yan e hahahaha bunso natin 'yan

Si Sebastienne pa sus hahahaha kahit mataray 'yun sa iba hindi 'yun magtatanim ng sama ng loob kay Ginny
Read

| Si Sebastienne pa sus hahahaha...
I know hahahaha

[ Typing... ]

Sainte
I just hope
She's finally staying here in the Philippines this time.

Sainte I don't think I can handle seeing another scene of her leaving again.
The first time

Was enough to scar me for life.
Read

No words
The whole months of August to November
I wouldn't wish that pain on anyone else.
Read

9:40 AM

Wala.
Wala nang aalis
Santiago
Tandaan mo yan ha?
Read

[ Typing... ]

It's a long way to go
Pero tatlo kaming nandito para sa inyong dalawa

➥ | The whole months of August to November
Hindi na mauulit
Hindi namin hahayaan maulit ha?
Read

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

IMESSAGE

👥
matcha truthers 🍵
July 30, 10:23 AM

Ginny
Hiiii
@Khali Alexandro
@Sainte Mariano
@Sebastienne Louise

Ginny
Free kayo today?
Let's have a dinner lang sa condo ko here in QC? Okay lang?
Quick dinner lang promise ☺️ I'll just say something.

Ginny
Reply kayo sa break times niyo in between work hours
🥰
Love you threeee. 🤍
Read by Santi

More of Nothing, Less of YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang