Chapter 31 - Cold Kimberly?

5.2K 88 34
                                    

Pasensiya na po sa matagal na di pagUD....ngarag ako sa highschool...kaya pasensiya na po...special mention sa dalawang Team Demanding na lagi akong kinukulit na mag UD...kay Gaby at Duday!! Kahit pinessure niyo ko loves ko pa rin kayo!! Hahaha

Anyways dedicated to sa inyo...saka din kay Jomarie!! Hi sissy!!

Enjoy reading!!

-Dianne

**********************************************

Xian's POV

It has been a long two weeks. Sobrang excited na ako makauwi ng Maldonia para makapiling ang aking prinsesa. As much as I can, tinatawagan ko siya. During my first week of stay in Hongkong, everything seems to be okay naman when I call her. Pero nung second week na dumalang na kami magkwentuhan over the phone. Sabi ni manang naging busy na daw siya sa mga gawain sa St. Nicholas.

Sa wakas nakalapag na rin ang eroplano. Habang naglalakad kami ni Manong Murdock papunta kung saan kami susunduin ni kuya Ivan ay marami siyang sinasabi sa akin patungkol sa mga schedule ko these coming days. Dahil masyado abala ang isipan ko patungkol sa asawa ko ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya kaya tumatango tango na lang ako bilang tugon sa kanya.

"Welcome back mahal na prinsepe," bati sa akin ni Kuya Ivan. Di ko namalayan nakarating na pala kami sa may lounge area. My mind is just too occupied with the thoughts of my wife.

Nang makabawi ako, muna ako kay kuya Ivan at nginitian ko siya bago ko sinabi, "It's good to be back kuya Ivan."

Pagkatapos nuon ay pumunta na kami sa sasakyan. Mas lalo tuloy akong naexcite na makita si Kim. Siguro nasanay na ako nh sobra na katabi ko siya matulog kaya medyo nahirapan akong matulog nung nasa Hongkong ako kahit sobrang pagod na ako. Nakakamiss lang talaga na katabi siya.

Hapon na ng makarating kami sa palasyo. Agad naman sumalubong sa amin si Manang Julie at ang ibang staff sa may quadrant namin.Tinulungan ako ng mga staff namin pagpasok ng mga gamit. Ginala ko ang mga mata ko pagkapasok na pagkapasok sa palasyo, pero walang Kim na sumalubong.

"Hi Manang, kamusta po kayo dito?" Tanong ko kay manang.

"Okay naman kami dito iho, ikaw kamusta ka? Nakakakain ka ba ng maayos sa Hongkong o puro na nalang trabaho ang inatupag mo?" Balik niya namang tanong sa akin. Parang pangalawang nanay ko na si Manang kaya ganyan na lang lagi siya kaconcern sa akin.

"Eto manang masaya dahil nakauwi na rin. At wag kayong magaalala kumain ako ng maayos dun kahit tanungin niyo pa dito kay Manong Murdock." Natatawa ko namang sabi sa kanya. "Siya nga po pala nasaan ang prinsesa?"

"Kanina pa siya dumating iho, nasa kwarto niyo ata. Naghalf-day nga lang siya ngayon. Siguro dahil alam niya na ngayon ang uwi mo. Pero di pa nga siya nababa simula kanina eh, di pa nga ata naglunch ang batang iyon, mas gugustuhin niya na muna daw na magpahinga," sabi naman ni manang sa akin, nasesense ko ang pagaalala sa boses ni manang pero lihim namanakong napangiti na maaga siya umuwi para sa akin.

"Ah sige po pala manang, maiwan ko na po muna kayo, puntahan ko po muna si Kim at alam ko din naman na namiss niyo si manong eh." Nakangiti kong sabi sa kanya sabay kindat pa, "Paakyat niyo na lang po yung mga gamit sa taas. At bababa na lang po kami mamaya for dinner, salamat manang." At saka umakyat na ako sa kwarto namin.

Kim's POV

Ngayon ang uwi ni Xian from Hongkong. Actually I dont know what to expect. Yes, excited akong makita siya, pero tuwing naaalala ko yun natatakot ako at kinakabahan dahil sa sobrang dami ng insecurities na nararamdaman ko.

Naghalfday na lang ako mula sa ospital dahil medyo sumama na din naman ang pakiramdam ko. I feel so drained lately, di ko din alam kung bakit. Kaya dinahilan ko na lang na ngayon kasi ang uwi ni Xian sa kanila. Sabi naman nila sa palasyo na before dinner daw siguro ang dating nila Xian. Kaya okay na din yung maaga ako umuwi at least I can compose myself bago pa siya dumating.

The Princess (KimXi Fan-Fiction) EDITINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora