79. Ang Madungis na Darna

365 7 0
                                    

Maingay sa labas ng barangay ng makalabas ako ang daming tao...isa isa ng nag babalikan ang sumama sa parada pagkahatid sa poon sa simbahan lahat ay nag tipon sa basketball court para sa munting salo salo na pakain ng Barangay para sa sumama sa parada maging sa mga bisita catering ito at ilang lamesang bilog ang naka hilera dito...nakita ko ang mga ka grupo ko na dumarating at agad kong sinalubong...

Ang daya mo des bigla ka nawala sabi ni joy ang inet kasi sabi ko nag palit na ako ng damit...fiesta ngayon saan tayo? Tanong ni kuya Jun dyan sa court kain muna tayo nagugutom na ako sagot naman ni mark habang himas ang tiyan...oo nga mag aalas dose na nagugutom na din ako sabi pa ni andrew kaya agad kaming nag pasyang pumasok sa court mabilis lang ang pila sa pagkain sapagkat ang iba ay nag siuwian na para mag asikaso habang ang mga nisita naman ay sa conference room dinulutan ng pagkain...masaya kaming nag kakainan ng lapitan ako sa kinuupuan ko ng taong nakaitim na polo...desto panigurado nito ng makalapit sa akin opo ako po yun sagot ko....inabutan ako ng sobre at nag wika Happy Fiesta daw sabu ni mayor...nag taka pa ako kung ano ang nasa loob ng sobre...binuksan ko ito at nagulat ako sa laman hinde ko alam kung magkano dahil sinarado ko agad ng makita ko ang perang laman nito....

Kuya baka po nag kakamali kayo pakibalik po kay mayor...desto para sayo daw talaga yan at pagagalitan ako pag binalik ko yan...wala na ako nagawa sinilid ko nalang sa bag ko ang sobre...pakisabe nalang po salamat sabi ko pa...mahina kaming nag uusap pero hinde iyon nakaligtas kay joy...des ano yun tanong ni joy sakin na naka kunot ang noo...ah eh si mayor may pinapaabot na sobre kay kuya...ahhh ok sagot lang ni joy pero bakas pa din sa kanya ang pag tataka...Pagtapos dito saan tayo tanong muli ni kuya Jun...hinde pwede sa amin alam nyo naman masungit ang tatay ko sagot ni mark...di din pwede sa amin masikip sa bahay sabi naman ni andrew...ok sana sa amin kaso madami bisita sila mama sagot naman ni karren...sa inyo angelo tanong ni joy kay angelo...madami din tao sa bahay wala tayo pwepwestohan dun....des sa inyo hinde ba pwede?...uminom muna ako ng gubig bago sumagot....nag isip ako saglet wala naman ako i aasahang bisita...cge sa  bahay tayo sagot ko sa kanila.

Matapos kami kumain nakita ko na si kuya parating kaya agad ko sinalubong...kuya sa bahay kami mag lalagi ng mga ka grupo ko ha paalam ko...cge desto ikaw bahala sabihan mo na si mama para makapag handa na cge kuya sagot ko..sinenyasan ko na ang mga ka grupo ko para mag tungo na sa bahay...naglakad kami sa kalsada at makailang beses pa kami nakasalibong ng ati-atihan na sinasabayan pa namin sa pag sayaw...maging ang mga dancers nito ay nakakamanghang nag bubuga pa ng apoy....

Masaya kaming nanonood ng mag request si kuya jun na isang buga pa ng apoy dahil manghang mangha talaga kami...na ginawa naman ng nanglilimahid na na naka darna costume sa pawis at ewan ko kung uling o sadyang madungis lang talaga....palakpakan kaming lahat ng nag buga ito ng apoy sa amin matapos ay agad lumapit sa amin at SAPILITANG nanghihingi ng pera nagagalit pa ito nang magsalita si kuya Jun ay may bayad pla yun kala ko libre na lalong kinagalit ng nag buga ng apoy...

Madaldal kung ano ano pinag sasasabe kuya Jun bigyan mo na nagagalit na oh sabi ni mark..agad nag labas ng bente pesos si kuya Jun at inabot dito nagulat kami ng nilamukos nya ang perang papel at ibinato pabalik sa amin...medyo napikon na si kuya Jun pero inawat ko, di ko din nagustuhan ang ginawa ng madungis na darna kaya may naisip ako...kuya Jun relax ako na bahala...ateng kuyang darna sigaw ko bibigyan kita pero dapat limang sunod sunod na buga ang gagawin mo 200 kada buga sabi ko...nag isip si ateng kuyang naka darna sigurado ka panigurado pa nito.

Nag labas ako ng pera oh eto yung sinisingil mo kanina inabot ko ang 200 sa kanya...at eto naman ang para sa limang buga mo ng apoy nilabas ko ang isang libong buo at pinakita sa kanya...hahawakan na nya ito pero agad kong binawi...buga muna sabi ko...des ang laki naman nyan sabi ni joy..ayos lang kako akong bahala...pumayag na ang madungis na darna at agad nag handa para sa pag buga...isa sigaw namin sa bawat pag buga nya...dalawa....nag nag hahanda na ito para sa pangatlong pag buga lumapit ako ng konti...nag pangatlong buga nga itinapat ko sa bibig nya ang pera at agad ko binitawan...halos malunok ng darna ang gaas na nasa bibig nya ng makita ang ginawa ko natakot sya na baka masunog ang pera...kaya agad nya tinigil ang pag buga...bumagsak sa lupa ang pera ng halos di naman nasunog kaya agad ko na niyaya ang mga kasama ko palayo....

Hagalpakan ng tawa ang mga kasama ko habang nag lalakad Ang salbahe mo des ahahahahaha maubo ubo si darna sa gaas na nalunok nya ahahahaha tumatawang sabi ni kuya jun...salbahe din naman sya kuya sapilitan nanghihingi ng pera sabi ko...deserved nya yun ahahahaha sabi naman  ni ate joy. Hinde na tumigil sa katakatawa ang mga kasama ko hanggang sa dumating kami sa bahay namin...

MODESTO 2.0Where stories live. Discover now