70. Delubyo

317 10 0
                                    

Hi mama...bati ko kay mama ng makauwe ako sa bahay hinatid din ako ni Janus agad matapos kaming kumain at munting nag usap...anak andyan ka na pla...mama para sayo daw po abot ko kay mama ng steak nasa kaparehas ng kinain namin kanina...pinag balot pla ni janus si mama....aw wow anak pakisabe kay janus salamat ha...ano pong ulam? tanong ko kay mama...pinakbet anak....nag sandok ako ng pagkain at agad umupo sa hapag...o anak kala ko kumain kayo sa kanila? nag tatakang tanong ni mama...opo ma kumain naman ako dun kaso di ako sanay sa pagkain nakakailang kainin sabi ko....ahahahaha anak ko talaga sabi nya pa..saka ma mas gusto ko ang luto mo mas masarap wika ko ng may ngiti sa mga labi. Naku ang anak ko nambola pa.

Matapos ako kumain hinanap ko sila kuya...ang kuya damian mo may inaasikaso pa daw ang kuya gino mo kanina pa umalis papasok sa trabaho...tumango ako kay mama at agad nag paalam na papasok na sa aking silid....nag bihis na ako ng pantulog at agad naupo sa kama...kinuha ko ang cellphone ko at agad nag basa ng inbox....

Hi des sana makita kita bukas miss na kita agad. Walang pangalan numero lang ang naka rehistro kaya di ko na sinagot.

Des musta ka?! si Angelo... Ayos naman. Matipid kong reply.

Mayor kumusta ka miss na kita...txt ni kapitan...ok lang po kap miss ko na din po kayo.sorry po ngayon ko lang po nabasa. Kakauwe ko lang po galing school..ingat po kayo. Si kapitan yun kaya medyo mahaba ang reply ko.

Ay des sorry binigay ko kay kuya dave ang number mo kinukulet ako eh aorry si ko na naipag paalam sayo...si apple....di na ako nag reply.

Napaisip ako kinuha ni dave number ko sa kanya ibig sabihin sya yung nag text sa akin kanina na walang pangalan.muli akong nag basa ng text.

Des bukas ha alas siete kita nalang tayo sa labas ng court para sabay sabay tayo manood...si Denver ang negro kong kaklase na di ko alam halos kapitbahay ko lang pla...sige denver see you tomorrow.

Matapos akong magbasa ng mga messages agad na akong humiga iniisip ko pa ang mga nangyare kanina,nangiti pa ako sa sarili dahil sino ba naman ang hinde kikiligin sa ginawa ni janus...nakaramdam ako ng antok at agad nakatulog...nagising ako sa isang malamyos na tugtog napadilat ako at hinanap kung saan nanggagaling....tumayo ako at agad lumabas ng silid..madilim sa loob ng bahay ngunit may konting liwanag sa bakuran..

Nag taka ako dahil anong oras na bakit maliwanag sa labas ng bahay...agad akong nag tungo sa pinto sumilip muna ako sa maliit na siwang hinde ko masyado makita ang labas kaya naman binuksan ko na ang pinto...agad may nag liparang mga alitaptap sa harap ko at sinundan ko ng tingin...dumapo ito kasama ng karamihan sa kubol na naka set up sa labas ng bakuran anong ginagawa nito dito sabi ko sa sarili ko maging ang hapag na nasa gitna nito ay puno ng bulaklak...manghang mangha ako sa mga alitaptap na nakabalot sa kabuuan ng kubol...pag baba ng tingin ko may dalawang lalakeng nakatalikod sa liwanag kaya naman hinde ko makita ang mga mukha nito..pareho silang nag lahad ng kamay na parang inaanyayahan ako...hinde ko malaman kung kaninong kamay ang aabutin ko...ano ba to sabi ko sa sarili ko...saglet pa naramdaman ko ang malakas na hangin na mistulang DELUBYO kaya naman lahat ng alitaptap ay agad naitaboy kasama ng ihip nito maging ang kubol ay kasama sa tinangay ng hangin na inti unting nawawasak...nang hinayang ako at nakita ko ang dalawang lalakeng tumalikod at naglakad palayo...

ANAK?! des gising ka na ba? Napabalikwas ako ng bangon...hingal na hingal ako sa pag kakagising...Panaginip na naman...napakamot ako sa ulo ko..ma opo gising na po...bangon na anak anong oras na...Sabado ngayon walang pasok tinignan ko ang relos ko alas diyes na pla napakahaba naman pla ng tulog ko...agad akong bumangon at inabot ang towel ko at agad lumabas ng silid....

Matapos maligo nag basa ako ng inbox ko...desto hintayin kita sa opisina ko..si kapitan ang nag txt..hinde ko na sinagot at agad akong nag bihis...pag labas ko ng silid agad akong nag paalam kay mama... ma alis muna po ako..san ang punta mo tanong nya..sa Baranggay po ma puntahan ko po si kuya damian...sige anak pakisabi din na areglado na mga pagkain mamaya darating ng alas singko. Sige po ma alis na po ako...ata agad na akong lumabas ng bahay....nag pasya akong maglakad nalang ngunit may kotseng tumigil sa tabi ko at bumusina...si kapitan ang lulan ng ibaba nya ang bintana ng kotse sakay na des na agad ko naman ginawa...

MODESTO 2.0Where stories live. Discover now