67. SPREAD YOUR WINGS AND FLY

588 15 0
                                    

Des ano ka ba san ka ba galing ang gagaling nila di mo na napanood sabi ni ate joy sa akin ng makarating ako sa kanila... napagod ako kakatayo eh kaya umupo ako...napansin ko si karren na lingon ng lingon na parang may hinahanap...huy karren Sino ba yung hinahanap mo ganing ni joy? Yung nag sayaw kanina nakita ko na sya kanina dito eh timgin sya ng tingin sa akin napaka gwapo crush ko yun sa school sabi pa ni karren...sino naman yun? Basta pag nakita ko ituturo ko sa inyo...ayun ayun kasama ni apple shocks ang gwapo talaga...joy mahal ko na sya sabi pa ni karren na parang sinisilihan ang pwet...naririnig ko si karren pero nakatuon lang ang pansin ko sa mga babaeng nag sasayaw...

Joy ayan na palapit na sa atin kasama ni apple shocks maiihi ata ako gosh napakagwapo usal pa ni karren...joy karren des tawag ni apple sa amin..pinsan ko nga pla si DAVE...bigla akong napalingon sa pinakilala ni apple na pinsan nya...di nga ako nag kamali si dave nga yung kalaro ko sa parking lot kanina...dave mga ka grupo ko nga pla si joy si karren saka si des....nakipag kamay si ate joy kay dave ganon din si karren na halos ayaw nya pa bitawan si dave...and your des right pag papanggap pa ni dave na kala mo talaga ngayon nya lang ako nakita, abot pa sa kamay ni dave sakin na agad naman ako nakipag kamay..ayaw ako bitawan ni dave pero si karren biglang pinag hiwalay ang kamay namin...tama na yan akin sya nag bibirong sabi ni karren na agad naman kaming nag tawanan...

Bumalik na kanina pa si dave sa mga ka grupo nya pero sakin pa din nakatuon ang pansin nya katabi ko si karren kaya akala nya sa kanya nakatingin...naiilang ako sa ginagawa ni dave kaya nag sabi na ako kay joy na labas na tayo...oo tara patapos na din naman...ikaw karren ayoko pa sana pero wala na kami kasama ni apple eh sige sama na ako palabas sabi ni karren kasabay na din si apple..lumingon pa ako kung saan nandun si dave na agad kumaway...shocks des kumaway sakin si dave na akma pa na parang hihimatayin...at muli kaming nag tawanan...

Nag cr sila karren at apple habang kami naman ay naiwan ni joy sa labas ng court....kakaiba ka talaga des sabi ni joy...kala mo di ko nakita? Kasabay mo si dave kanina pabalik kung nasan kami...tapos ang mga tinginan nyo jusko ang lagkit halos ayaw ka pa bitawan kanina...ANG GANDA MO FRIEND tapik pa ng likod ng palad nya sa baba ko...ngumiti lang ako sa sinabe nya....joy di kita maintindihan maang maangan ko...gusto mo sabunutan kita des? alam ko na yang mga eksena na yan kaya wag ako sabi pa ni joy...tumawa lang ako wag ka nalang maingay kay karren joy sabi ko....BOOM kitam ahahahaha sabi pa ni joy.

Kilala na talaga ako ni joy dahil madalas kami lang ang nag uusap...nag kwekwentohan ng mga  bagay bagay lalo na ang mga personal...ganon din naman sya sa akin pero siempre di ko kinukwento lahat may mga bagay sa buhay ko na mas mabuting ako lang ang nakakaalam hinde naman madaldal si joy pero siempre nag iingat lang ako...natanaw ko na sila apple at karren na padating kaya sinabiban ko na si joy na wag maingay...so pano na sabi ni apple...edi uwian na sabi ni joy..ikaw des baka umuwe na din ako maaga pa bukas eh.sino kasabay mo pauwe tanong pa din sa akin na may pag aalala...ok lang ako joy malapit lang naman ang bahay saka madami ako kasabay mag lakad oh...sabi ko kay joy na agad naman nakampante..oh sya mauna na kami bye Des halos sabay sabay nilang paalam...

Alas onse na tingin ko sa relos ko nag simula na akong maglakad ng may tumawag sakin...Des hatid ka na namin..si angelo at mark ang nakita kong palapit sa akin...at agad akong sinabayan mag lakad...sorry des kanina ha di mo ba nagustuhan? Hinde naman ako galit...nagulat lang ako...yaan mo di ko na ulet gagawin...sabi nya pa..baliw kc tong si Gelo eh kala ko nag bibiro lang tototohanin pla sabi ni mark...ayan tuloy dag dag nya pa...ok lang naman nakaganda naman sa sayaw natin kaso di lang ako sanay sa dami ng tao kanina siempre nahiya ako para kay angelo...buti sana kung tayo tayo lang walang problema. Sabi ko pa...hjnawakan ni Angelo ang kamay ko habang nag lalakad hinde naman na ako pumiglas...

Tanaw ko na ang bahay ng tumigil ako sa pag lalakad so pano dito nalang ako sabi ko sa dalawa...humarap ako kay angelo...salamat sa pag hatid ha niyakap ko pa sya at agad na akong humiwalay...akma na akong mag lalakad papunta sa bahay ng pigilan nya ako...Des tawag  nya sa akin...kiss ko....dinikit ko ang palad sa mukha nya at munti ko pang tinulak kiss mo mukha mo naka isa ka na kanina eh sabi ko sabay tawa...at iniwan ko na sila na hatid  pa ako ng tanaw hanggang sa makapasok ako ng gate.

Hi mama bati ko kay mama ng makapasok ako ng bahay nakita ko si kuya gino nanonood ng t.v. sa sala...oh anak andyan ka na pla...kumain ka na ba?hinde pa po ma...oh ayan may pagkain naman kain ka na..kumusta ang sayaw nyo? tanong ni mama..naku ma ayos na ayos tuwang tuwa ang mga nakapanood halos gumiba ang covered court sa lakas ng palakpakan at hiyawan...nakita ko nga anak...natigilan ako sa sinabe ni mama...napanood nyo ma?  Oo anak andun ako kanina ang galing nyo nga eh proud na proud ako sayo...ma? Oo anak nakita ko...alam ko ang ibig nyang sabihin naiyak na ako mama sorry yung nangyare kanina hinde ko po alam yun hinde po kasali sa sayaw namin yun nabigla din po ako...tumayo si mama at inalo ako lumapit sya sa akin at yumakap ako sa bewang nya at hinihimas nya naman ang ulo ko...

Anak wag ka mag alala ayaw kita pigilan sa kung ano ang gusto mo...hinde ka na bata lumalaki ka na darating ang araw mag kakaroon ka na ng sarili mong desisyon..at anot ano pa man ang desisyon mo sa buhay andito lang ako para suportahan ka...mahina akong umiiyak na nakikknig lang kay mama matagal ko ng tinatago sa kanya na kakaiba ako hinde ko gawi ang gawi ng mga lalake kahit hirap na hirap na akong pigilan ang sarili ko....

Bata ka plang anak alam ko na natatandaan ko pa noon mga bata pa kayo ang mga kuya mo halos mag away sila sa pinag aagawang laruang baril pero ikaw tahimik lang na dinampot ang ang barbie na nakahalo sa laruan...alam ko na na iba ka sa kanila lalo na sa pag pili ng mga damit nagtatalo ang mga kuya mo sa kulay ng damit na gusto nila pero ikaw mas pinili mo ang makulay na damit na ayaw na ayaw naman nila,...sa pag suklay mo ng buhok sa pag lagay mo ng pulbos at pabango pag papasok ka sa paaralan nung elementary ka..ramdam ko na...kaya di na ako nag taka ngayon tignan mo may eye shadow at lipstick ka na...napakaganda mo anak...mama sorry po usal ko...anak wag ka mag sorry dahil wala kang kasalanan...kahit ano ka pa tanggap kita...ipinag papasalamat ko nga sa diyos dahil anak kita eh akala ko hinde ako mag kakaanak na babae...meron pla...ngumiti pa si mama sa akin at hinalikan ako sa noo...Mahal na mahal kita anak,...paalala ko lang sayo anak wag ka lang lalampas sa pagiging tao...dahil Kahit sino at ano ka man importante pa din ang pagiging makatao....respeto sa kapwa at sigurado ako rerespetohin ka din nila...

Nasa silid na ako ngayon nakahiga at iniisip pa din ang mga sinabe ni mama kanina...pakiramdam ko habang  nag sasalita si mama kanina unti unting bumubuka amg pakpak ko...sobrang nag papasalamat ako sa diyos dahil si mama ang naging nanay ko...akala ko mahihirapan pa akong magtago ng tunay na ako...KAHIT ANO KA PA TANGGAP KITA...paulet ulit na umaalingawngaw sa tenga ko....at di ko namalayang nakatulog ako ng may ngiti sa mga labi.....

MODESTO 2.0Where stories live. Discover now