KABANATA 38

492 30 7
                                    

KABANATA 38

Napapikit ako ng mariin dahil sa labis na kaba. 'Di ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin ngayon. Napatakip rin ako ng aking kamay sa aking magkabilang tenga.

Sa mga oras na ito ay sinubukan kong imulat ang aking mata. Nanlabo bigla ang aking paningin at may ala-alang pumasok sa aking isipan. Ala-ala ni Esteban.

 

 

 

NAKATINGIN lamang si Esteban kay don Teodoro. Di niya alam ang kaniyang gagawin sa mga oras na ito, ang kaniyang katawan ay nanlalamig habang ang kaniyang mga tuhod ay nanghihina.

Hawak ng taong kaharap niya ngayon ang isang pistol na baril. Nakatutok ang baril sa kaniya na tila anumang oras ay lalabas ang bala roon na siyang kikitil sa buhay niya.

“Don Teodoro, ano ang iyong balak gawin.” Seryoso at walang ekspresyong saad ni Esteban. Hindi niya ipinapakita sa taong kaharap niya ang totoong nararamdaman. Pinapakita niyang matapang siya at walang kinatatakutan.

“Simple lamang, ang patayin ka o ang pasunurin ka sa aking nais. Kung tatanggi kay ay papatayin na lamang kita maging ang iyong ina, sa pagkat wala naman kayong silbi sa mundo.” Tinuran nito nang may pagngiti na tila wala sa katinuan ang sarili.

Wala siyang balak na sundin ang ano mang balak nitong iutos sa kaniya. Sa una pa lamang nang makita niya ang Don na ito ay may kutob na siyang masama ang pag-uugaling nananalaytay sa pagkatao nito.

“Wala akong balak na sundin ka, ngunit ano ba ang iyong nais iutos?” nanatiling naka angat ang kaniyang ulo.

Lumapit si Don Teodoro sa kaniya at inilapit sa kaniyang leeg ang baril. “Ang patayin ang aking anak na si Leonardo at Adelina.” Idiniin nito ang pagkakadampi ng baril sa kaniyang leeg. “Isang tanong, isang sagot. Susundin mo ang aking nais, o isang kalbit ko lamang ng baril ay patay kana.”

Alam niya sa sarili niyang gusto na niyang mamatay dahil bigo na siya sa lahat ng bagay, lalo na sa pgmamahal ni Leonardo.  Kapag 'di tinanggap niya ang utos ng don ay mamatay siya, ngunit madadamay ang kaniyang ina. Mahal na mahal niya ang kaniyang ina, hindi niya kayang tanggapin na pati ito may madadamay.

 

“Alam ko ang iyong tinatagong pagtingin sa aking anak. Isipin mo ang katotohanan. Hindi ka niya mahal, at ang mahal niya ay si Adelina. Ang tanong, buhay mo at buhay ng iyong inang si Esperanza, o ang buhay ni Adelina at Leonardo?”

Wala sa dalawa ang gustong banggitin ng kaniyang utak, puso at bibig. Ngunit mas mahal na mahal niya ang kaniyang ina. Aminado siyang nagkaroon siya ng sama ng loob sa dalawa, ngunit kahit anong mangyari ina niya pa rin ang pipiliin niya.

Ikakalbit na sana ni Don Teodoro ang baril ngunit agad siyang nagsalita. “Bakit ba, gusto mong ipapatay ang iyong anak? Ikaw na ang may pinaka walang utak na ama!”

Natawa lamang ito nang may kahinaan at pagka sarkastiko. “Ang akala mo ba ay makokonsensya ako sa mga salita mo? Ipinangak si Leonardo sa mundo para maging daan ng mga luho ko!” Mas idiniin pa nito ang baril sa leeg niya.

Ramdam niya na ang sakit ng pagkakadiin nito na halos masugat na ang kaniyang balat sa leeg.

'Di niya rin lubos isipin na labis na nagtitiwala si Leonardo sa  ama nito na ganito pala ang ugali, walang kasing sama.

ManawariWhere stories live. Discover now