Attorney's Wedding Vow

0 0 0
                                    

Attorney's Wedding Vow to Santi...

"Santi, ikaw ang dahilan kung bakit naniniwala na'ko ngayon sa kapangyarihan ng kasal, kung bakit naging matatag ako sa kabila ng sakit na ipinaranas mo sa'kin, at kung bakit mas minahal ko ang aral ng Panginoon.

Sabi ko noon ay hinding-hindi kita magugustohan sapagka't may mas nauna nang nagmamay-ari ng puso ko, nguni't ng makilala kita ng lubusan ay nabago ang pananaw ko.

Nakita ko kung bakit mas maiging umibig sa kapananampalataya. Mahal, ikaw pala ang matagal ko nang dinadalangin na ibigay ng Ama, at Ikaw na lang ang siyang iibigin tuwina.

Simula ngayon ay kasama mo na'ko sa lahat. Kahit pa sa mga panahon na iniisip mo ay mag-isa ka lang, mahal ko andito lang ako para sa'yo palagi."

The Summer I Met You (Under Revision)Where stories live. Discover now