CHAPTER 5

5 4 0
                                    

Tulala ako habang naglalakad sa hallway hindi ko na malayan na mababangga ko pala si Blake na maraming dalang libro sa kanang kamay nito.Gulat akong na patingin sa mga librong na laglag sa floor ng hallway,dali-dali ko itong pinulot isa-isa na hindi tumitingin sa mukha niya

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko,kaya dahan-dahan akong umangat ng tingin para sana makita ang mukha niya pero agad din akong napayuko ng makitang masama ang tingin na pinupukol nito sakin.Tangina naman kase bakit siya pa nakabangga ko

Dahan-dahan akong tumayo at inabot sa kanya ang mga librong pinulot ko pero tinitigan lang niya ito saka tumalikod

"T-teka Pres. yung l-libro mo",tarantang habol ko sa kanya

"Dalhin mo yan sa library",utos niya sakin saka umalis,hindi man lang ako nilingon.Nagdadalawang isip ako kung dadalhin ko ba ito sa library o mamaya na lang meron kase kaming long quiz ngayon at kailangan kung maka take baka bumagsak ako

Sa huli nagpasya akong pumasok dala-dala ang librong pinabuhat niya sakin,bahala siya sa buhay niya hindi naman siya yung mababagsak kung sakali

Lahat sila napalingon sakin saka sa mga librong buhat ko ng pumasok ako sa loob ng classroom,dumiretso ako sa upuan ko at nilapag ang mga libro sa tabi

"Bro kelan kapa naging good student?",natatawang tanong sakin ni Kyle,sinamaan ko ito ng tingin kaya mahina itong tumawa at bumalik sa nakikipag-usap sa mga iba naming kaklase.Si Miguel naman ay tahimik lang pero may naglalarong ngiti sa mga labi

Naiiling na lang ako at tiningnan ang mga dala kung libro na pag-aari ni Blake,saan kaya siya ngayon?hinahanap kaya niya ang mga libro?

Mabilis namang lumipas ang mga oras at na tapos na rin ang klase,buti na lang madali ang naging long quiz namin naka dalawang mistake lang ako.Hinintay kung maglabasan saka ako agad na tumayo at binuhat muli ang mga libro

"Bro where are you going?",tanong sakin ni Kyle habang nag-aayos ng gamit niya

"Oo nga saan ka?hindi ka ba sa sabay samin sa pagkain?",segundang tanong sakin ni Miguel,himala nagsalita ang isang to

Umiling ako saka nagpaalam na sa kanila at mabilis na lumabas ng classroom.Nagmamadali akong pumunta sa library dala-dala ang mga libro ni Blake.Sana naman wala siya doon

Mabilis kung binuksan ang pinto ng library at agad na pumasok pero agad din akong napaatras nang makita si Blake at si Luke na nag-uusap sa loob.

Agad akong tumalikod at dahan-dahang umalis pero kung minamalas ka nga naman aksidente kung nasagi ang flower vase sa isang table sanhi para mahulog ito sa floor at mabasag

Fuck!

Dahan-dahan akong lumingon sa kinaroroonan nina Blake at Luke,ganon na lang ang pagpipigil ko ng tawa ng makitang magkayakap silang dalawa sa gulat,magkaibigan nga sila parehong magulatin

Pero agad din naman silang naghiwalay ng makita akong nakatayo sa harapan nilang dalawa at umayos ng tayo

"What are you doing here?",Blake asked me coldly,habang si Luke ay nakatayo lang sa gilid at nakatingin sakin

"Yung libro mo",sabi ko at nilapag sa malapit na table ang mga libro niya saka nagpaalam,aalis na sana ako ng nang magsalita siyang muli

"Who told you na pwede kanang umalis",sabi niya sakin at naglakad papalapit sa kinaroroonan ko

"Na balik kuna yung mga libro mo...ano pa ba ang gagawin ko rito?",kunot noong tanong ko sa kanya

"I told you to bring my books here early in the morning...what time is it now?",he said blankly

Pasimple kung sinilip ang relo sa kamay ko it's already twelve sixteen in the afternoon,nakabangga ko siya kanina ng alas syete ng umaga.

"It's already twelve.Anong oras ba kita nakabangga kanina diba seven,six hours akong naghintay rito sa library para sa mga libro ko",hindi ako sumagot nanatili akong tahimik baka mamaya tutukan ako nito ng baril

"See me tomorrow here same time ayaw ko ng late kundi dadagdagan ko ang parusa mo",supladong sabi niya sakin at padabog na lumabas ng library

"Always follow his instructions and don't fucking disobey him",Sabi ni Luke sakin bago sumunod kay Blake palabas ng library.Tangina ang dami ko ng problema dumagdag pa ito

CATCH ME BRO I'M FALLEN [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon