II
Hindi ko alam kung paano pa magrereact doon sa ibinalita sa akin nang curator sa inaplayan kong art gallery. I started to question myself, did I do bad? or they just simply don't like me.
"But when I talked to the art gallery director he was so sure na makakapag-exhibit ako?" Pinanaghawakan ko ang sinabi sa akin ni Mister Zaragosa, the director of the gallery. Tapos eto ang sasabihin nila ngayon?
Hindi makasagot ang curator sa kabilang linya tila naghahanap pa sya ng maisasagot at kung paano maipaliwanag sa akin ang lahat.
"I'm really sorry Miss Maureen, but this is the decision from the head." Nadarama ko naman ang emphaty sa akin nitong curator. Wala akong karapatang magalit. Kung iyon ang naging desisyon nila ay wala na akong magagawa subalit gusto kong malaman kung bakit pinaasa nila ako?
Hindi ko nga maipaliwanag ang saya sa sarili ko when I applied to them. Kung nagkaton kasi ay eto ang first ever art exhibit ko.
"Can I ask the main reason? At sino ang pinalit sa akin?" Malumanay ang aking tinig nang itanong ko iyon.
"The head decided to pick the more experienced one. And she is-" Tumiwangwang ang sinabi nang curator para bang may hinanap muna syang listahan upang maberika ng tama 'yung tanong ko.
Sobrang nakapanlulumo lang dahil they rejected me because I'm a newbie? What the hell? Tinatak ko sa isipan ko na kahit isa man sila sa tanyag na art gallery ay hindi na akong muling mag-aapply sakanila. They discriminate newbies.
"She is Precious Bustamante."
Umawang ang bibig ko eksaktong pagbanggit nang pangalan noong curator sa pumalit sa akin. Wala sa sarili kong naibaba ang cellphone mula sa aking tenga. Napatulala ako pero sa kaloob-looban ko ay nagngingitngit ako saglit.
Precious is the daughter of my father mistress, Cassandra. I still consider her as my father mistress kahit na kasal na sila ng daddy ko nanag mamatay si mommy. Because sya naman talaga ang kumabit sa tatay ko nabubuhay palang si mommy.
I never got a chance to be close to them because they are evil. Even my dad hindi ko alam kung tama pa bang ituring ko syang ama dahil sa ginawa niya kay mommy. Walang ibang ginawa ang mammy ko kungdi ang mahalin sya sa buong buhay nya at hanggang sa malagutan sya ng hininga ang tanging hiling nya sa akin ay mapatawad ko ang daddy ko, but it's hard. I won't. Never. Hanggang nariyan ang home wrecker na si Cassandra at ang kanyang anak.
"Hello?" Paulit-ulit ang pagbanggit ng hello ng curator hanggang sa pinatay nya na iyon ng tuluyan dahil hindi ko na sinasagot.
Naninikip ang dibdib ko dahil hindi maalis sa isip ko na paniguradong may kinalaman si daddy kung bakit ako na-decline at napili si Precious. Umiiyak ako ng binuhay kong muli ang aking cellphone. Nanginginig ako sa galit at sakit habang dina-dial ko ang numero ni daddy.
Gusto kong sumigaw sa galit nang sinagot nya na ang tawag ko.
"Maureen anak," bungad nya.
"Dad..." Gusto kong bumungad nang sigaw ngunit hindi ko magawa. Narinig ko syang suminghap ng malalim para bang nahihinuha nya na agad ang nais kong sabihin at dahilan ng pag-iyak ko.
"Sabihin mo ang totoo, did you ask the head of Magallanes Art Gallery to replace Precious instead of me for an exhibit?" Garalgal ang tinig ko nang tinanong ko iyon. Hindi agad nakasagot si daddy dahil alam kong guilty sya. Kaya mas lalo kong nakumpirma na may kinalaman sya.
"Don't feel bad an-"
"Really dad! Mas pinaboran mo iyong anak ng babae mo kesa sa akin? Dad for goodness sake she is not your daughter ako anak mo! Ako!" singhal ko sakanya. Madalas ako nalang ang nagsasakripisyo kahit ang alam kong dapat ay ako naman ang pinapanigan nya.
"Sa ginawa mo para mo nalang akong tinakwil dad! After I graduate, alam mo kung gaano ko kagustong magka exhibit 'di ba? And now napagkait sa akin iyon nang dahil sa 'yo!" Pumyok ako dahil sa labis na nararamdamang galit. Madami akong gustong ungkatin na panunumbat subalit pagod na ako. Pagod na pagod na ako sakanya. Hindi ko alam kung anong klasing pangbe-brainwash ang ginagawa ng kulasisi nya upang mas piliin ang kanyang anak.
"I'm sorry Maureen, and don't tell that na hindi ko anak si Precious. She is also my daughter now and she is your SISTER. Don't worry sa mga susunod na may mag-oopen for application na art gallery I will recommend you." Parang wala lang sakanya at nagawa nya pang sabihin ang walang kwentang suhestiyon na 'yon.
He really loves Cassandra and Precious. Gagawin nya ang lahat para lang sa kaligayahan ng mga 'to. Bullsh.t. Walang kwenta ang pagtatangis ko, dahil hindi nya ako naiintindihan, at hindi nya ako magagawang maintindihan.
"Ako ang anak mo dad. Bakit hindi mo 'ko magawang piliin kahit minsan man lang?" Nagsususmamo at pagod na pagod na ang tinig ko.
"Pantay kayo sa akin ng ate mo Maureen. Don't think like that." Napailing ako dahil hindi ko na matantsa ang daddy ko dahil gusto ko ng sumabog at baka hindi ako mapigilan ang sarili ko kung ano nalang ang lumabas na salita sa bibig ko.
Tuloy-tuloy na parang isang water falls ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Sobrang sakit ng nadarama ko. I feel so betrayed and neglected.
Napatingin ako sa painting kong larawan ng mommy ko.
"Mommy, I don't think kung kaya ko pa," sabi ko sa malumbay na tono. Humahagulgol na din ako. I badly need her warm hug. It's been four years nang mawala sya sa piling ko. At sa apat na taon na 'yun puro pagtitiis na lang ang ginawa ko.
Hindi ko nga iniwan ang bahay na tinitirhan ko ngayon, ang bahay naming noong masaya pa kaming pamilya.
Hindi ko magawang tumira sa bahay ng madrasta ko. Because that would be a triple kill to me, mas gusustuhin ko nalang ang mamatay kaysa ang tumira doon at pakisamahan sila.
Umupo ako sa sofa sa living room habang umiiyak pa din. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Gumising ako ng alas singko ng hapon. Kahit papaano ay narelieve ako sa ginawa kong pagpapahinga. Napahawak ako sa aking tiyan. Kumakalam ito dahil buong araw ay wala pa nga pala akong kinain.
Minabuti kong mag shower muna at naghanda ng kakainin. I am really starving at sa gabing iyon hindi ko maintindihan kung paano ko naubos ang ganoong kadaming pagkain. Dulot ba 'yon ng stress eating o sadyang nag starve lang talaga ako? Siguro ay pareho?
Muli akong pumasok sa attic ang at aking pinagmasdan ang aking painting area. Muli na lamang akong nagpinta. All my stress and dark emotions ay idinaan ko nalang sa pagpinta.
YOU ARE READING
My Time With You
FantasyStep into the world where love transcends time itself. Maureen, a talented artist, finds herself torn between two eras when a tragic twist of fate propels her into the past, where she discovers a love so powerful it defies the bounds of time. But as...
