Dali dali akong sumakay sa kotse. Hindi yung pink na kotse ko ang ginamit ko.

Habang nagmamaneho ako, tumawag sa akin ang taong kanina ko pa hinihintay tumawag. And I was right. Tama ang hinala ko.

**

Arkisha's POV

Kinabukasan pagkatapos ng graduation ko, umuwi na din si Mama.

"Sayang, sana nandito ang Papa mo. Sana nakita niya ang pagtatapos mo", sabi pa niya sa akin bago siya umalis.

"Ma naman, hanggang ngayon ba naman umaasa pa din kayong babalik si Papa? Matagal na yon. Maging masaya na lang tayo sa kung anong meron tayo ngayon", sabi ko. At madadagdagan pa nga kami ngayon, hindi lang isa kundi dalawa.

"Shak--", sabi ni Mama pero pinigilan ko siya.

"Ma, tama na please? Wag mo ng banggitin yan. Magmove on na lang tayo, sa lahat, sa lahat lahat", sabi ko.

Hanggat kaya ko, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako iiyak. Simula ngayon, ang kambal at ang sarili ko ang iisipin ko, tutal may plano na din naman ako.

"Bakit hindi mo na lang hintayin sina Ella, kesa lalakad ka ng mag-isa?" sabi ni Ate Gem. Inaayos ko ang bag ko, papunta ako sa school, may kukunin kasi ako. Kakailanganin ko yun sa pag-aapply ko ng trabaho.

"Hindi na. Sigurado mamaya pa ang mga yun eh di traffic na. Sige na Ate Gem, aalis na ako", paalam ko.

**

Venice's POV

Sa rebelasyon na sinabi sa akin ni Paris, ang una kong gustong gawin ay sugurin si Scarlett pero makakapaghintay yun. Kailangan ko munang puntahan si Arkisha at alamin ang mga nangyari.

"Si Arkisha?" tanong ko sa isang babae pagkadating ko sa tinutuluyan niya. May lumabas pang isang babae.

"Diba ikaw yung kapatid ni Adam?"

"Ako nga", sagot ko.

Napansin kong may ibinulong yung isa sa katabi niya.

"Kung nandito ka para rin pagdudahan ang pagbubuntis ni Arkisha, mas mabuti pa sigurong umalis ka na lang. Hindi ka makakatulong", sabi niya sa akin.

"Buntis si Arkisha??" nagulat akong talaga. Pero bakit sila naghiwalay ni Adam gayong buntis pala ito?

"Oo, buntis siya at wala siya dito."

"I'm Venice", pakilala ko. Para kasing nalilito yung mga mukha nila.

"Ah! Ikaw pala yun! Sabi ko na eh! Nakapunta ka na dati dito diba? Akala kasi namin kaw yung kakambal", sabi nung isa.

I knew it. Nalito nga sila.

"Pasok ka", yaya nila.

"Nasaan si Arkisha?" tanong ko.

"Nauna ng pumunta sa school. Hindi mo na siguro kami naalala. Ako si Jane", pakilala nung isang babae.

"Ako si Ella, siya si Ate Gem", pakilala naman nung isa.

"Nagpunta ako dito para alamin ang nangyayari kina Arkisha at sa kapatid ko. May alam ba kayo? Ayaw kasing magsalita ni Adam eh. Galit na galit pa siya."

Nagkatinginan silang tatlo. Yun bang parang nag-iisip kung may magsasalita ba sa kanila.

"Please, kailangan ko na kasing makialam sa kanila. Katulad ng sinabi nyo kanina, buntis si Arkisha, we need to help them", pamimilit ko.

"Pinagduduhan ng kapatid mo ang ipinagbubuntis ni Arkisha, nakita niya kasi na magkasama sa kwarto sina Brent at Arkisha. Pero naset up lang siya, sigurado. Walangya kasi yung si Brent, at sigurado kami may kinalaman ang kapatid nya don", sabi nung Ella.

That bitch! Hindi talaga siya titigil!

"Alam naming masakit para kay Adam ang nakita niya, pero sana man lang binigyan niya ng pagkakataon si Arkisha na magpaliwanag, pero hindi eh. Itinaboy niya ito", sabi nung Jane.

Napapikit ako sa sinabi niya. Adam Jacob, I'm gonna kill you! Kinakain na naman siya ng galit niya.

"Ikaw? Naniniwala ka ba anak ni Adam ang dinadala ni Arkisha?" tanong nung Gem.

"Of course! Naniniwala ako. I have to go. I need to fix this. Salamat", nagpaalam na ako at agad na umalis.

**

Scarlett's POV

This can't wait. Kailangan ko ng gawin to. Maaga kong kinuha sa katulong ko ang anak ni Brent. Kailangang ipagkatiwala ko ang bata sa taong mas kilala ko. Kay Paris.

Pumunta ako kaagad sa kanila. Mabuti siya lang ang tao bukod sa mga katulong.

"Scarlett!", bati niya. "Come in. Bakit mo kasama ang batang yan?"

"Please Paris, I need your help."

"S-sure!"

"Sayo muna tong batang to, kahit ngayong araw lang. May pupuntahan lang ako."

"Ha? Eh asan ba ang mommy ng batang to?"

At least hindi na niya itinanong kung saan ako pupunta.

"Ah eh wala eh. Umalis. Please sayo muna siya, at wag na wag mo siyang ibibigay kahit kanino. Aalis na ako", pagmamadali ko.

Lumabas kaagad ako ng gate at sumakay sa kotse ko. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko. Sa tinutuluyan pa lang niya, sinundan ko na siya. Napangiti ako ng makita ko siyang sumakay ng jeep. Pasasaan ba't bababa ka din dyan.

Sinundan ko pa rin ang sinasakyan niya. Nang makababa siya, naglakad na lang siya. How lucky can I get? Wala masyadong tao sa binabaan niya.

Patawid siya sa kalsada nang paandarin ko ang kotse ko.

This is it. Katapusan na niya!

One. Two. Three.

"Arkisha!!"

A man shouted. Then I hit the brake.

Am I not the only who's following that girl?

That girl? Where is she?

Pagtingin ko sa harapan ng kotse ko, andun siya, walang malay, nakahiga sa daan.

Sh*t! Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan ko at nagmadaling umalis.

Did I hit her? Sana.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon